Kabanata 2
You're mine
(Leerial P.O.V)
Hindi ako nakatulog ng gabing yun iyak ako ng iyak. Ganito
pala mabasted ang sakit sakit,ngayon na realize ko na kung bakit napaka bitter sa akin ng mga lalaking binasted ko..
Ang sakit lang ng sinabi nya tagos hanggang puso. Simula nun di ko na sya pinapansin sa school. Pero kahit pinipigilan ko ang sarili ko di ko namamalayan na tumititig na pala ako sa kanya.
Hindi ako magmumukmuk ng dahil sa kanya. Napaka Ganda kong
Babae! Napakaraming lalaki ang ginagawa ang lahat mapansin ko lang tas sya babasted-en lang ako? Di nya ba ako kilala ako si Chloe
Leerial Fajardo,bunsong anak ng may ari ng Fajardo Company Group
Tapos mababasted lang ako? Ang sakit lang kenzo a.
Naglalakad ako ngayon papuntang rooftop,gusto ko magpahangin
Dun para mawala ang sama ng nararamdaman ko. Pagdating ko dun
Naabutan ko si kenzo, he was leaning against the wall at nakapikit ang kanyang mga mata.
Aalis na sana ako dun ng magsalita sya.
"Totoo ba" tanung nya kaya napatingin ako sa kanya,hanggang ngayon nakapikit parin sya.
Tumalikod na ulit ako di ko na sya pinansin Baka nag-i-sleep talk lang sya.
Unang hakbang ko palang ay bigla na nya hinila ang braso ko paharap
sa kanya.
"Tinatanung Kita." Aniya.
"Nang anu?" Sabi ko sa kanya di ko naman kasi maintindihan kung anu ang tinatanung nya sa akin e.
"Si Brandon"
Kumunot ang noo ko, diko maintindihan kung anu ang ibig nyang sabihin.
"Tsk! Slow," sabi nya sa mahinang boses."totoo bang sasagutin mo sya? "
"Abah! Narinig ko yung sabi mo na slow a."tas kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Sagutin mo na kasi ang tanung ko" naiirita nyang sabi.
"Anu na naman ngayon sayo?"mas naiirita ako sa kanya, San na naman nya naririnig na sasagutin ko ang Brandong yun.
"Nasisiraan ka na ba? Alam mo kung anu sya, he's a playboy."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi nya.
"Anu bang pinapalabas mo na isa lang ako sa mga babaeng pinaglalaruan nya? Tingin mo ba talaga sa akin walang magkakagusto?"Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko.
" Di porket nireject mo na ako ay wala ng lalaking magkakagusto sa akin, mali ka ng pinakawalan."marahas kong pinahid ang mga luha ko.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin,di mo dapat sinasagot ang tao kung wala ka rin gusto sa kanya,kaw lang ang mapapahamak At masasaktan kung sasagutin mo sya.
"Salamat na lang, pero wala kang pakialam sa akin, di naman tayo mag kaibigan para sabihin yan sa akin at tsaka kakalimutan na rin kita."
Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nya akong hatakin at naramdaman ko nalang ang mga labi nya sa mga labi ko,di ako makagalaw sa ginawa nya. Nakapikit sya habang hinahalikan ako,di ko namalayan na napapikit na rin ako bigla dahil sa halik nya.
Sya ang unang bumitiw sa halikan naming yun. Napatingin ako sa kanya na nakatitig sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko.
"B-bakit mo ako hinalikan?"nauuntal kong tanung sa knya.
"Starting today you're mine,"sabi nya na nakatingin sa akin "kaya ayaw kong makikita na umaaligid si Brandon sayo." At tinalikuran
na nya ako.
Bago pa man sya humakbang ng ikadalawa nyang paa ay tinanung ko sya na syang dahil ng pagtigil nya.
"Ta-tayo na ba?"
Hinarap nya ako.
"Kung yan ang gusto mo,dahil simula ngayon akin kana."
Nagkatitigan nalang kami ng mata sa mata, di ako makapaniwala na nangyayari ang mga to, boyfriend ko na si kenzo Rivera, ang heartthrob at pinakamatalino sa Junior High.