Kabanata 8
Agwat
Araw ngayon ng sabado, maaga palang tinawagan na ako ni Kenzo na magdedate daw kami ngayong araw. dahil sa excited ako sa date namin ay binilisan kong magbihis. Matagal na kasi kaming hindi nakapamasyal ni kenzo dahil na rin sa busy ang schedule nya.
Habang hinihintay ko sya ay nanuod muna ako ng TV sa may sala.
"Mukhang bihis na bihis tayo a, where are you going princess?"sabi ni daddy na pababa sa may hagdan.
Sinalubong ko si dad,then I kissed his cheeks. Tapos umupo na kami sa may sala.
"Mamamasyal lang dad."sabi ko.
"With whom?"
"With Kenzo."
"You have a tutorial lesson Chloe, you need to Focus on it."
"Dad naman! Mamaya pa na man yun e."
Tumingin sya sa akin,kinakabahan ako sa tingin nyang yun.
"Ok.pero kailangan iuuwi ka ng lalaking yun ng maaga, get it?"
Napangiti ako sa sinabi nya. Alam ni dad kong anung relasyon ang meron sa amin ni Kenzo.
"Yes dad!" Sabi ko na nakangiti ng malapad.
At nanuod na kami ulit ng TV ni daddy,sakto naman na ang palabas ay ang pag-i-interview kay Clover Madrigal.
"Anung pakiramdam mo na tawagin ka ni Kenzo Rivera na irresistible girl?" Tanung ng host kay Clover.
"Syempre na fla-flattered ako sa compliment nya na yun." Ngumiti sya habang sinasagot ang host.
"Totoo ba na getting to know each other stage na kayong dalawa?"
Maarteng tumawa si clover.
"Sa tingin ko naman kinikilala namin talaga ang isa't-isa dahil nga may proyekto kami na mag katambal kailangan namin talaga kilalanin ang isa't-isa." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
"You and him are in a good term?"
"Ayokong sumagot, baka maudlot ang kung anung meron kami, Basta. We're nice in each other." Kumikislap ang mga mata nito habang sinasabi ang mga yun.
"Pag manligaw ba ang isang kenzo Rivera sa Clover Madrigal may pag-Asa ba?
"Wag natin pangunahan ang tao," maarte na naman itong tumawa."Let see na lang."
"Maraming salamat Clover at mabuhay ka."sabi ng host sa pagtatapos ng interview nya dito.
Napatingin si dad sa akin.
"Ayaw kong makialam kung anuman ag meron kayo ng anak ni Mr. Rivera. Wag ka lang nya lokohin Chloe, dahil sa oras na mangyari yun, hindi ko alam kong anu ang magagawa ko." Dad said.
Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumayo na sya.
"Dad" mahina kong sambit.
"Andyan na sya, mag-iingat kayo,umuwi ka ng maaga, ok!." At tuluyan na syang umalis.
*****
"Are you okay?" Tanung sa akin ni Kenzo nung nasa loob na kami ng sasakyan nya. At nagsisimula na syang magmaneho.
"Hey! May problema ba?" Tanung nya pa.. Wala naman talaga akong problema e naiisip ko lang ang sinabi ni daddy kanina.
"I love you" sabi ko na lamang.