Dedicated sa lahat ng aspiring writers. Ang mga tips po na ito ay base lang sa perception at sa dalawang experience ko.
Ako si loveorhatethisgurl. From Iligan City. Bisaya po ako. :) Nagsimula akong magsulat January 2012. Una kong sinulat ang 300 days with my contract husband. Isa lang ang dahilan ko nun kung bakit ako nagsulat. Mahilig akong magbasa. Hanggang sa napadpad ako sa wattpad at may binasa akong story. Pero dahil sa binasa kong ongoing at isang buwan na akong naghintay at hindi pa rin nag update si author, naisipan kong magsulat na lang ako ng sarili kong kwento. Bakit? Para sa sarili ko. To my feed my imagination. Sa kasalukuyan nakapag publish na ako ng book, Marrying the Casanova under VIVA-Psicom at mapupublish na rin this year ang 300 days with my contract husband.
Ang daming na ngayong writers na nakapag publish diba? Tinawag silang 'Wattpad Celebrities'. Sumikat sila dahil sa magagandang gawa nila. Sumikat sila dahil sa mga sinulat sila. Ngayon, ang daming nagtatanong. Paano ba maging isang wattpad celebrity? Paano ba ako sisikat? Ano bang dapat kong isulat? Ano bang tips para maging katulad ako ng ibang writers?
Dalawang taon na ako sa mundo ng wattpad and I think marami na akong naranasan na pwede kong i-share sa inyo. Tips kumbaga. Tips sa pagsusulat, tips sa pag-iisip at tips sa dapat na ikilos bilang isang writer.
Unahin natin ang tips sa pag-iisip para makagawa ka ng magandang kwento.
1. Pinaka importante ito sa lahat. Huwag kang magsulat kung ang iniisip mo lang ay magsusulat ka para sumikat. Para magka pera. Para makilala ng ibang tao. Dahil kung iyan ang iniisip mo, hindi ka rin sisikat. Dahil pilit ang gagawin mong story. Mas mabuti pang magtanim ka nalang ng kamote sa likod ng bahay niyo. Hahaha. Joke :) Pero importane kasi. Dapat kung magsusulat ka man, dahil iyon sa gusto mo talaga. Gusto mong maging writer. Bonus na iyong makikilala ka ng ibang tao at magkaka pera ka :)
2. Huwag kang matakot. Kung may nasulat ka na, huwag kang matakot na ipakita at ipabasa sa lahat. Magpost ka ng stories sa wattpad at huwang kang matakot kung hindi nila magustuhan. Huwag kang matakot na ipost ito dahil baka walang magbabasa. So what kung walang magbabasa? Hindi lahat ng sikat na kwento maganda. Hindi lahat ng hindi sikat na kwento hindi maganda. Iyon akin nga hindi naman maganda iyon sa totoo lang. Hahaha.
3. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Nagpost ka ng story ngayno tapos bukas isang vote lang nakuha mo kaya titigil ka na sa pagsusulat. NO!! Huwag mong gawin iyan. Dapat chill ka lang. Ipagpatuloy mo ang pagsusulat hanggang sa matapos mo. Fulfillment iyon sa sarili mo. Parang naakyat mo na ang Mount Everest pag nakatapos ka ng story. Ganun iyong feeling. Naalala ko, nong nagsisimula pa lang ako. Makakuha lang ako ng isang comment sobrang saya ko na. Naka 10 chapters na ako sa pagsusulat pero ang nakukuha kong reads wala pa sa 1,000. Ang votes ko wala pa sa sampu. Peri keri pa rin ako. Sulat pa rin ng sulat. Hindi ko na inisip iyong iba. Inisip ko iyong sarili ko. Pag matapos ko 'to matutuwa ako ng sobra kahit na walang magbabasa nito. You just have to wait patiently.
4. Dream big! Kasi libre mangarap. Pero you have to be satisfied kung anong meron sa'yo ngayon. Huwag mong madaliin ang sarili mo. There's no shortcut to real success. Kailangang paghirapan ng husto.
Ngayon pumunta naman tayo sa tips sa pagsusulat.
1. Unang-una diyan. Magsulat kayo gamit ang puso niyo. Kung mahal niyo talaga ang pagsusulat, magiging madali lang iyon sa inyo at maganda ang kinalalabasan. Huwag niyong pilitin magsulat kung gusto niyo lang naman sumikat.
2. Huwag kayong magsulat na parang text sa cellphone. May mga shortcuts. Wrong spellings, maling pagamit ng mga punctuation marks. Gaya ng "Hello gud mrning. I'm Hazel Grace n I'm nluv with Augstus Waters." Bawal iyon. Be formal as possible. Huwag rin kayong magsulat ng mga jejemon. "3oowzz po3!" Mas lalong bawal iyon! Walang magbabasa ng story mo kung ganyan ang pagkakasulat mo.
3. Spacing spacing spacing! Huwag natin lakihan ang spacing para lang dumami ang pages pagdating sa wattpad. Mostly kasi mobile readers lang kaya kawawa sila pag sobrang daming spacing. Aaminin ko, nong sinulat ko ang 300 days ang haba ng spacing ko. Hahahah. But through time I learned my lesson. Tamang spacing lang ang gawin natin. Gaya ng post ko ngayon :)
4. As much as possible unahin ang pagsusulat ng ending. Kasi mas madali mong ma iinternalize ang flow ng kwento pag alam mo na iyong ending. Though hindi ko pa na aaply ito, may nakapag sabi sa'kin na mas effective daw ang ganitong way. Iyong marrying the casanova ko, alam ko na ang gusto kong ending kaya mas naging madali sa'kin ang pagsulat.
5. Update as fast as possible. Kung pwede araw-arawin niyo iyong update niyo kung kaya niyong gawin. Kasi ang tendency pag masyadong matagal ang update, nahihirapan ka na mag update dahil nakakalimutan mo iyong pangyayari. Mas madali kung fresh pa sa utak mo ang last chapter. And sa readers naman, nawawalan sila ng gana pag matagal ang update. Nakakalimutan nila ang story mo kaya ang labas, nawawalan ka ng readers.
6. Huwag kayong magsulat ng madaming stories! This is tested. Ilang beses ko na napatunayan 'to. I don't know sa iba ha, pero para sa sarili ko, hindi ko kayang pagsabayin ang maraming ongoing stories. Kaya ang results? Na dedelete ko ang stories ko at nakakalimutan ko na ang flow ng story kaya nawawala. Hindi nag po-progress ang mga stories mo. Take one step at a time. Isang story muna. Pag tapos na punta kayo sa susunod mong idea :)
7. Mas okay kung gagawa kayo ng title chapters sa story niyo. For example, para sa story nito, target chapters ko is 50. So every chapter gawa ka ng title para may guide ka kung ano ang isusulat mong content every chapter.
8. Huwag kayong gumamit ng emoticon as much as possible. Hahahah. Honestly sa 300 days gumagamit akong emoticons. Hahah. Wala pa akong muwang sa mundo noon. Hahaha. Pero I realized, mas maganda pang iyong emotion gaya ng ":(" gawin mo na lang. "Parang gumuho ang mundo ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon sa kanya. Ang sakit. Ang sakit sakit." Diba mas formal iyon? Hehehe.
9. Magsulat kayo habang nag chi-chill. Ibig sabihin enjoyin niyo lang iyong pagsusulat niyo para ma enjoy rin ito ng readers.
10. I think iyon lang muna. Wala na akong maisip na iba. Ahahah
Lastly, pumunta na tayo sa dapat na ikilos bilang isang writer.
1. Huwag kayong pumunta sa ibang profile, ibang stories, mag pm tapos sasabihin niyong. "Hi po ate. May ginawa po akong story pakibasa naman po. Maganda po iyon. Pa vote na rin po at comment. Thanks po." Bakit? Rude iyon. Isa pa, kapag pinupush mo ang isang tao na gawin ito, mas lalong hindi nila gagawin.
2. Huwag kang mag pm na "Pa follow po. Follow back kita." Kasi ang tuna na writer, fina follow ng kusa. Hindi pinipilit ang mga followers.
3. Huwag kang magmayabang. Dapat humble ka pa rin. Huwag mong isipin masyado na sikat ka na or something like that kasi hindi iyon maganda :) Alam niyo naman, lahat ng sobra nakakasama na.
4. Gumawa kayo ng facebook para sa account niyo para makapag reach out kayo sa readers niyo.
5. Pag may nag comment sa chapters ng story niyo, kung kaya ng time at effort mag reply kayo. Hehe. Nag rereply ako lalo na sa mga ongoing ko. pero sa mga tapos ko ng stories mahirap ng magtrack. Pasensya na po.
6. Be open to constructive criticism. Makakatulong iyon sa inyo. Pero pag may nag comment ng destructive. Sabihin niyo sa'kin papatayin natin. Hahaha. Joke :)
I think iyon lang. Gooduck sa mga aspiring writers. Dream big! Be humble always. Reach out sa mga readers. Magsulat gamit ang puso niyo. And ang pinaka importante sa lahat, never give up kung pagsusulat talaga ang gusto niyo.
Thank you sa pagbabasa :)
-loveorhatethisgurl