Pssst

0 0 0
                                    

Flache's POV

"Whaaaaaaaaa!!!!!" napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nung marinig ko ang sigaw ng aking best friend.

Kinusot kusot ko ang mata ko bago bumangon. Tinatamad pa akong bumangon pero di ko kinakaya ang curiosity ko.

Sinuot ko agad yung cute kong slippers at binuksan ang pinto. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Ttyper. Chi-neck ko kung nandoon siya pero wala siya dun.

Next, pumunta ako sa living room. Yun lang kasi ang paboritong spot ni Ttyper sa buong house. Nung pababa na ako halos mabangga pa ako ni Ttyper. Eh pano tumatakbo siya habang naka-lagay ang kamay sa pisnge ng nakapikit.

"Ano ba naman yan Ttyper!!" bulalas ko

"Sorry naman!"

"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" kalmado kong tanong

"Ahh-ehh b-basta wala yon" sabi niya

"Tss, sabi mo eh" sabi ko at tumalikod sa kanya

Naglakad na ako papuntang kusina. Wala eh, napukaw na yung tulog ko. Napairap tuloy ako sa iniisip ko. Maka-sigaw kasi wagas kala mo naman lene-lechon na baboy.

Nakakarindi eh, ayun napukaw tuloy yung tulog ko. Alam naman niyang ayaw na ayaw ko yung nabibitin ang tulog ko.

Binuksan ko yung ref at kumuha ng isang bowl ng strawberries. Pumunta ako sa dining table at dun kumain habang naka-tingin sa bintana . Ito kasi ang pampawala ko ng stress.

Yes, nagste-stress eating ako. Bakit? May angal ka?

Tss, nakakainis kasi pasigaw-sigaw pa siya kahit walang dahilan. Ano yun trip lang? O baka naman may nililihim siya sa'kin. Ano ba kasi yung dahilan kung bakit siya sumigaw kanina.

"Bes, galit ka ba?" di ko namalayan na sumulpot na yung kabute kong bestfriend

Oo galit ako kasi alam kong may hindi ka sinasabi sa'kin

"Hindi, hindi ako galit" sabi ko

"Weh? Eh bakit kinakawawa mo yang mga strawberries?" sabi ni Ttyper kaya naman napatingin ako sa bowl ng strawberries.

"Ahh eto ba?" sabay turo ko sa strawberries tapos nag-nod lang siya.

"Ahh-ehhh hindi gumagana yung blender kaya eto tinutusok-tusok ko nalang para ma-pirat hehe" pag-sisinungaling ko

"Oh.... kay?" sabi niya habang tumatango-tango

"Tss" napairap nalang ako sa pagka-gullible niya

"Ano na naman?!!" tanong niya sabay tayo habang naka-tukod yung dalwang kamay niya sa mesa

"Tss,walaaaaaaaa"sabi ko sabay tayo

Pumunta ako sa may kusina. Eh tutal sinabi ko naman, papanindigan ko nalang din. Pinirat-pirat ko yung strawberries hangang sa maging parang goo na yung texture niya.

Kumuha ako ng glass sa lagayan at ipinatong iyon sa counter table. Ibinuhos ko yung strawberry shake ko sa glass. Nang maibuhos na ang lahat, binuksan ko yung ref para kumuha ng ice cubes.

Kumuha ako ng apat at inilagay iyon sa shake. Binuksan ko sunod yung cabinet sa taas at kumuha ng straw. Inilagay ko iyon sa baso ng shake ko.

Binuksan ko ulit yung ref at kumuha ng isang piraso'ng strawberry at inilagay iyon sa baso.

And tadaaahhh. Tapos na yung shake ko.

Bumalik na ako sa dining area. Nandoon parin si Ttyper. Naka-upo pa'rin siya. Sumipsip ako sa shake ko at umupo sa inupuan ko kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon