Paglisan

14 0 0
                                    

Pansamantala ko munang lilisanin ang aking mundo

Upang tunguhin ang iyong mundo 

Ang mundo ng iyong nakaraan

Kung saan naging lubos ang iyong kaligayahan sa piling ng iyong minamahal 

Gusto kong harapin ang katotohanan 

Katotohanang masakit 

Katotohanang magpapatibay at magpapatatag sa aking kalooban

Iindahin kahit gaano kasakit ang iyong katotohanan

Damdamhin bawat sulok ng iyong mundo 

Hanggang sa mawala ang sakit 

Buong pusong yayakapin ang katotohanan 

Sisiguraduhing wala ng sakit sa aking pagbabalik

Pagtungo sa iyong mundo hatid man ay pighati 

Kakayanin ang sakit at pighati 

Kung hindi mawakasan ang pait 

Ay hahanapin ang mundong puno ng tamis.

PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon