Chapter 8: Bullied

25 0 0
                                    

Psyche's POV

Last Day ngayon ng linggo kaya makapagpahinga na ako bukas dahil weekend na.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Rest Room, di pumasok si Kuya dahil may gagawin raw siya. Ewan ko nga lang kung ano iyon.

Tinanong ko naman yun kanina pero nagbibingi-bingihan naman kasi eh.
At sa dami ng aking iniisip , ni di ko napansin na may nabangga pala ako.

"You bitch! Bakit mo ako binangga?"- tanong nang babae.

"S-sorry! Di ko naman sinadya."
Dahil mukha ka namang pader!

"Di sinasadya? Ang laki ng daan oh?! Wala ka bang mga mata? What is the use of your eyes stupid creature."- sabi niya.

Aba, nag sorry na nga eh! Alin ba dun ang di niya maintindihan?

"Hoy babae, una, ikaw na nga mismo nagsabi na ang laki ng daan. Pangalawa,  meron akong mga mata tanga! Baka ikaw wala? Ano rin bang gamit ng sayo?"- tanong ko.

"Aba, sumasagot ka sa nag-iisang Queen Bee?! How dare you?!"
Queen Bee? Ano yun? Reynang Bubuyog? Eh mukha niya parang mas magandang sabihing mukha siyang paa. Wait familiar sya sakin, kaklase namin to ah.

"What?! I'm just saying."- sabi ko at nag-umpisa nang maglakad.

Pero sa di inaasahan, bigla na lang nagsulputan ang iba pa niyang mga kasamahan.

May dala-dalang mga itlog at kamatis at kung mga ano pa yung klase ng likido. Based on their expression I knew already what they're trying to do. They will going to throw it to me.

At hindi nga ako nagkamali. At ang tangi ko na lang nagawa, ginamit ko ang mga braso ko para harangan ang mga bagay na papunta sa mukha ko. Matagal-tagal rin bago natapos ang trip nila sa buhay.

Taas noo ko silang tiningnan. Kahit nagmukha na akong basura sa kanilang harapan.

--
Jan Andrew's POV

"Gago! Bakit mo naman inutusan ang Agatha na yun? Alam mo namang lakas din ng topak ng babaeng yun!"- sabi ng katabi ko.

"Manahimik ka nga isip bata! At wag na wag kang magkakamaling magsumbong sa kanya kundi lagot ka sakin."- sabi ko na lang. At napakamot na lamang siya ng ulo.

"Hoy babae, una, ikaw na nga mismo nagsabi na ang laki ng daan. Pangalawa,  meron akong mga mata tanga! Baka ikaw wala? Ano rin bang gamit ng sayo?"-sabi niya.

"Aba, sumasagot ka sa nag-iisang Queen Bee?! How dare you?!"- sabi ni Agatha. Yes, she's the so called Queen Bee, feelingera din kasi pero hinayaan ko na lang. Kasi naman, gusto ko pa ng laro.

"What?! I'm just saying."- sagot naman nong Psyche.

Di nagtagal, nangyari na nga ang inaasahan namin nitong isip bata.

Hmm, tingnan na lang natin.

"Kawawa naman si Pysche :("- malungkot na tugon nitong katabi ko.

"Hindi ah, ang saya-saya ngang panuorin eh. At tsaka ano bang pakialam mo dyan? Magkakaanu-ano ba kayo?"- I asked. Makasimpatya kasi siya daig pang related eh.

"Friends na kami niyan. :-( tsaka kapatid siya ni Ren, partida kambal pa."-sabi niya.

"She's not a good friend for you."- sabi ko.

"You are not a good friend for her."- sabi niya sabay talikod.

"Aba't sino bang nagsabing kaibigan ko siya? Haaaaaish sige umalis ka. Basta wag kang magkakamali, babalian talaga kita ng buto."

"Di na ikaw ang dating Drew na kilala ko. Kinain ka na talaga ng pagmamahal mo dun sa babaeng yun."- sabi niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.

"Problema ba ng mga tao ngayon? Ano bang pakialam nila kung ganito ako? Tssss!"- I muttered.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa kanila.
Kakatapos lang pala.

Tumayo siya. Tiningnan niya ang mga ito ng seryoso. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil yung ekspresyon niya na yun, hinding-hindi mo gugustuhing makita. Para bang nag-ibang tao siya bigla. Blanko ang mga mata na wari ang lalim ng iniisip niya.

"Let's pretend that you haven't done this kind of stuff."- sabi niya sa mga ito. Bahagya nya ring tiningnan ang sarili niya. At bigla na lamang siyang ngumiti. At hindi natural na ngiti yun.

"Aba! Nagawa mo pang ngumiti sa kalagayan mo? Isa ka lang basura kaya wag na wag mo 'kong kakalabanin."-sabi ni Agatha.

Pero di niya iyon sinagot ng pabalang. Instead ngumiti pa rin ito. Pero ito yung ngiting madalas niyang pinapakita kela Drei.

"Pasensya. At kung mamarapatin, aalis na ako."- sabi niya at naglakad na paalis.

Nang tumalikod na siya ay biglang na lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Galit ba siya? Nakita ko rin kung paano niya kinuyom ang kamao niya. And I even heard her cussed.

Sinundan ko siya sa paglalakad. I think pauwi siya. Wala naman kasi kaming Locker rito. Next time sasabihan ko si Dad na lagyan ng locker rito. Syempre di para sa kanya kundi para sa lahat . Tssssk!

"Wag na wag lang nilang sagarin pasesnya ko. Dahil mas malala pa ako kay Kuya gumanti."- sabi niya. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya naman rinig ko.
Pero sa di malamang dahilan. Bigla nalang siyang nagsalita ulet na ikinatigil ko.

"I knew it Drew. I knew it. Kakalimutan ko ang nangyari ngayon. Kaya please lang wag nyo sagarin pasensya ko. At please lang stop following me. You're annoying! Tssssk! Sana masaya kana sa nakita mo."- sabi niya habang walang lingon-lingon.

Paano niya nalamang sumusunod ako?
Pero di na ako nag-abala pang sumagot.
Bumalik na lang ako sa Room at bumungad sakin ang mga kumag.

"Drew, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinihintay."- sabi ni Scott. Aba himala atang wala siyang kumakain ngayon.

"Oo nga! Magkasama naman kayo ni Drei kanina kaya siya yung tiningnan namin kanina kaso ayaw niya namang magsalita."- sabi naman ni Gian.
Mabuti at di ka kumanta.

"Dyan lang sa tabi-tabi."- sabi ko.

"Eh si Pysche? Nakita mo ba?! Nandito kasi yun kanina eh. At tsaka nandito rin yung bag niya."- sabi ni Gian.

"Hanapan ba ako ng mga walang kwentang tao?"- sabi ko.

Bigla silang napatigil.

"Nagtatanong lang naman."- sabi niya.

"Tssss, pakialam ko ba don? At ako ng bahala sa bag niya."- sabi ko na lang.

Alam kong nagtataka sila kung bakit ko sinabing ako ng bahala sa bag niya. Eh may kelangan rin naman kasi kaming pag-usapan ng kapatid ng babaeng yun. Tsssk!

Pero di na nila ako pinansin. Maliban kay Himpapawid at Drei na ang sama kung makatingin.

Tssk! Para namang may magbabago sakin dahil sa tingin nila. Hmmmp.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove With My Intruder💘Where stories live. Discover now