Di ako nakatulog kagabi sa sinabi ni Tatum Miguel..
Bakit niya kaya sinabi yun? Binigyan niya ng pag asa ang munting puso ko.."Ayesha! pst!" Napalingon ako kay Girly
"Huh? bakit?"
"Wag kang mag muni muni patay ka nanaman kay Sir!" pabulong lang ni Girly sakin nasa row one kasi siya ako naman row four
Kasalukuyan nag tuturo si Mr.Leonardo
Oo nga pala kailangan ko nga palang mag aral ng mabuti para mapansin ako ni Tatum Miguel
Sinikap kong intindihin lahat ng tinuturo ni Sir. Nag focus ako sa tinuturo niya
"Wow i'm so impressed ayesha santos! ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na score sa quiz natin!" Anunsyo ni Sir kinabukasan
Oh my God.. First time ko pumasa sa quizes!
Napatayo ako at pinalakpakan ng mga kaklase ko
"Congrats mukhang nagbabagong buhay ka na" Biro sakin ni Mr. Leonardo
"Salamt po sir!" Hihi inspired kasi ako eh hahaha
Uwian na...!
"Ayesha sasama ka ba samin nila Paulo at steve mamaya?"
"Saan kayo pupunta Girly?"
"Sa Circle! Mamamsyal kami tutal sabado naman bukas."
"Wala akong pera eh., Kayo nalang.." Medyo masakit din kasi ulo ko..
"Osige.. Teka bakit namumutla ka? Ayos ka lang ba bestie?" Sinalat ni Girly yung nuo ko. wala naman akong lagnat
"Masakit lang ulo ko bestie.. Sige mauna nako sayo" Nagbeso beso kami
"Sure ka ha? Ingat ka pag uwi!"
UUwi nako di ko na hintayin si Tatum Miguel.. Ilang araw ko na din siyang hindi sinusundan dahil simula ng bastedin niya ako natatakot nakong lumapit sakanya.
Ang sakit ng ulo ko kakabasa ng libro sa Library! Masakit pala sa ulo mag aral ng todo no? mabuti pa nung di ako nag aaral ng todo hahaha
Naglalakad lang ako pauwi dahil medyo malapit lang sa school yung bahay namin
4pm palang.. Uwian ko kasi 4pm..
Uwian ni Tatum 6pm pa.. Grabe no? 2hours ko siyang araw araw hinihintay
Dati nga 1pm ang uwian ko pero 4pm uwian niya nahihintay ko siya
"Ayesha!"
Biglang lumakas tibok ng puso ko! Boses yun ni Tatum Miguel!
Paglingon ko si Tatum Miguel nga tumatakbo siya papalapit sakin
"Tatum...." Ang bilis ng takbo ng puso ko
"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sakin habang hingal na hingal siya
"Ah..Eh.. Oo sana.. bakit?"
nabasa ko yung pagtatampo sa mata niya
"Bakit di mo nako hinihintay?"
Di ko narinig yung sinabi niya dahil may dumaan na trycicle ang ingay
"Ano?" Tanong ko
"W..Wala.. gusto mo ba mag miryenda?"
Parang huminto yung mundo ko..
Inaaya niya akong mag miryenda?!
Oh God... Ang bait mo Lord!
Napangiti ako.. Parang nagkaron ng kulay yung mundo ko
BINABASA MO ANG
MY FIRST LOVE (SPG) COMPLETED
Короткий рассказShe loved Tatum Del Rosario since grade one.. All her life dito lng umikot ang mundo niya. Mula elementary Hangang sa high school ay sinundan niya ito.. The ultimate Crush nang Bayan sa kanilang Skwelahan. Ngunit nuknukan ito ng kasungitan! Ganun...