"Ayesha?!" Ang laki ng mata ni steve ng makita ako kinabukasan.
"Huy steve grabe ka naman makatingin sa best friend ko napaghahalataan ka talaga!" pangiti ngiti lang si girly sa gilid ko.
Hay nako sinisira nanaman ni Steve ang araw ko..
"Bakit nagmukhang bakla ka?" Todo ngisi pa ang mokong
"Pwede ba wag mong sirain ang araw ko steve! Tabi nga!" tumayo ako para iwanan sila sa mesa. Grrrrr
Nandito kami ngayon sa Library.. Kahapon nagpaganda ako. Ni-rebond ni ate michi yung buhok ko. Tapos Pinabili niya ako ng contact lense. Kulay green napili ko mas bumagay daw sa mata ko dahil medyo green naman talaga ang kulay ng mata ko. So hindi ko na gagamitin ang makapal na salamin ko
Inahit din ni ate michi yung kilay ko. At pinermanent curl ang pilik mata ko. Yun lang naman ginawa sakin ni ate michi cost 3500 pesos
Si Girly gandang ganda sakin..
Madami din ako napansin nagandahan sakin sa loob ng campus
"Joke lang Ayesha! Ang ganda mo ngayon ha?" Todo ngiti padin si steve habang sinusundan ako mamili ng libro
"Wag ka nga maingay dito.. Nasa library tayo!" pabulong kong sita sakanya
"Ang sungit mo talaga.. Pasalamat ka maganda ka" kinurot niya yung pisngi ko
"Library to at hindi park.. Hindi kayo pwedeng magligawan dito" Napalingon kami sa nagsalita
Si...
Si...
Tatum Miguel!!!
Nakatingin siya samin ni Steve ng masama
"H..hindi naman kami nagliligawan nito" Piningot ko yung tenga ni Steve
"Aray! Anong hindi? Sasagutin mo na nga ako diba?" Mas lalo ngumiti si steve
hinila ko na siya palayo kay Tatum Miguel.. Nakasimangot lang si Tatum habang nakatingin samin
"Lalabas nalang kami pare.. Pakipot pa kasi tong nililigawan ko" pahabol pang sabi ni steve
Tuluyan ko na siyang piningot..
Paglabas namin ng library kinuha ko yung bag ko sa locker room sinundan padin ako ni steve
"Ayesha sorry na galit ka ba?"
"Sabi ko sayo layuan mo na ko steve! panay ka kalokohan eh" nilock ko yung locker ko at naglakad nako palabas.
Kainis nagpaganda ako pero di man lang napansin ni Tatum Miguel yung pagbabago ng itsura ko haaays
"Sorry na.. Ginanti lang naman kita sa Tatum Miguel na yun. Nabalitaan ko kasi yung ginawa niya sayo nung nakaraang araw eh.." hinawakan niya yung kamay ko
Nabasa ko yung senseridad sa mata ni steve
Ngumiti ako kasi natouch ako sa sinabi niya
Di ko napansin nakatingin pala samin si Tatum Miguel sa di kalayuan
"Di mo naman kailangan gawin yon.."
"Mas maganda ka pag nakangiti ka"
Ngumiti ako uli.. Pero napalingon kami ni Steve sa coke in can na tumama sa puno malapit samin..
"Ano yun? Hinangin ata yung lata" Sabi ko habang
"Wala namang hangin eh? baka nahulog lang sa puno.. Parang ako nahuhulog na sayo" Kumindat pa si Steve sakin"Baliw ka steve iba nalang ang gustuhin mo dahil taken na yung puso ko"
"Alam ko naman e since grade school si Tatum lang laman ng puso mo.. Tara na nga late kana" Ngumiti si steve pero hindi tunay na ngiti parang pilit..
Hinatid ako ni steve sa classroom namin.."Salamat sa pag hatid.. Hayaan mo steve maging friends nalang tayo"
"Okay lang ayesha" nakangiti siya bago umalis
Pag upo ko sa upuan ko
"Hoy saan ka galing ha? biglang Nawala kayo ni steve sa library ha?"
"Nag usap lang kami.. friends na kami at di na niya ako aasarin"
"Wow talaga? sana magkatuluyan kayo"
"Bestie alam mo naman ayoko kay steve.. taken na yung puso ko"
Kinahapunan hinintay ko mag uwian si Tatum..
Nga pla magkaklase si Tatum at steve
Napalingon si Tatum sakin pag labas niya sa classroom nila
Napakunot yung nuo niya
iniwas ko yung tingin ko sakanya.. Natakot ako.. Dati kapag hinihintay ko si Tatum ngingitian ko siya tapos susundan ko siyang hangang makauwi kami.. Magkapit bahay
lang kasi kami eh..
Ganon din sana ang gagawin ko ngayon.. Kaya ako nandito para ngitian siya at sabayan umuwi.. pero parang natakot ako baka ireject niya nanaman kasi ulit ako eh..
Nakaramdam ako ng takot... kaya iniwasan kong mapatingin sakanya
mabuti nalang nakita ko si steve
Nilapitan agad ako ni steve
"Wow hinintay mo ako?" Todo ngiti si steve
"Ah.. eh.. Oo sabay na tayong umuwi steve" Pagdadahilan ko., Alam kong naririnig kami ni Tatum
"Kinilig ako ayesha.. ang sweet mo naman!" binuhat ni Steve lahat ng gamit ko.. Yung bag ko at paper bags
Napalingon ako kay Tatum kasi nakatingin siya sakin..
Iniwas ko uli yung tingin ko sakanya
"T..tara na steve" humawak ako sa siko ni steve dahil parang nanghina yung tuhod ko
"Steve!" Tinawag ni Tatum si Steve kaya napalingon kami
"M..May group work pa tayo. Bakit uuwi kana?" Lumapit samin si Tatum.. Lalo akong napakapit kay steve dahil parang hihimatayin ako sa sobrang kaba!
Ang bango ni Tatum Miguel..
Nagtago ako sa likod ni Steve
Di kasi ako makatingin kay Tatum..
"Akala ko ba bukas pa tayo gagawa?" Nakasimangot na sagot ni steve
"Nagbago isip ko. Ngayon na tayo gagawa" Tinawag din ni Tatum lahat ng group members nila at sinabihan na gagawa sila ng project
"Ayesha sorry.. May group project kasi kaming gagawin ngayon kaya hindi pa ako makakauwi." Malungkot na sabi sakin ni steve
"O..okay lang steve mauna na ako sayo umuwi" kinuha ko yung mga gamit ko kay steve
"Diba magaling kang mag drawing?" napalingon ako kay Tatum..
Ako..
ako...
Ako ba yung kinakausap niya?!
Parang may nag habulan na daga sa puso ko...
"A..Ako?" tanong ko sakanya nakatingin kami sa isat isa
"Yeah.." seryoso siya habang nakatingin sakin
"H..Hindi naman masyado" Parang umurong dila ko
"Help us.. We need out lines para sa project namin"
Help daw???
humihingi ng help si..
si...
TATUM SAKIN???
"Oo ba! i mean... si..sige" napangiti ako..
Nakasimangot naman si Steve
"Pero ayesha hindi ka pwedeng mag overnight sa bahay ng ibang tao diba? Magagalit ang mommy mo?"
"O.Okay lang kay mommy magpapaalam ako"
BINABASA MO ANG
MY FIRST LOVE (SPG) COMPLETED
Storie breviShe loved Tatum Del Rosario since grade one.. All her life dito lng umikot ang mundo niya. Mula elementary Hangang sa high school ay sinundan niya ito.. The ultimate Crush nang Bayan sa kanilang Skwelahan. Ngunit nuknukan ito ng kasungitan! Ganun...