Habang nag sstreching kami.. Nakita kong tumatakbo si Girly papalapit sakin
"Ayesha! Nabalitaan mo na ba?!" Hingal na hingal si Girly at pawis na pawis"Ang alin?"
Nandito kami ngayon sa Quadrangle ng Campus namin. P. E namin ngayon
"May Girlfriend na si Tatum Miguel!" bulong sakin ni Girly
parang may sumuntok sa mukha ko.. Pakiramdam ko namanhid ung katawan ko
May...
May...
May girlfriend na si Tatum....
Ang sakit!!!
"S...aan mo naman nalaman yan?" Pakiramdam ko namanhid buong katawan ko
"Narinig ko lang sa Cr kanina., May tatlong babae nag uusap may girlfriend na daw si Tatum Miguel"
"S..Sino?"
"Si Bea Sanches! Yung sikat na volley ball player? yung chinita maputi at maganda"
"W..wow bestie talaga kita eh no?" Halos garalgal na yun boses ko
"Ganon talaga need mong malaman isang bagsakan lang para isang sakitan lang.." hinagod hagod pa ni Girly yung likod ko kasi umiiyak na ako
"Ms. Santos bakit ka umiiyak?" Naku po lumapit yung P,E teacher ko sakin
"Wala po ma'am. masama lang po pakiramdam ko"
"Ganon ba..Sige excuse ka muna sa subject ko.. " Ngumiti si Maam tapos tinapik ako sa balikat ko. Lumakad na palayo si Maam
"bestie parang namatay yung puso ko"
"Kaya mo yan bestie! Okay lang yan hindi pa naman asawa e"
Lalo akong naiyak..
Eto kasi yung unang beses na nagkaroon ng girlfriend si Tatum Miguel. Kahit madami kaming nagkakagusto sakanya hindi pa siya nagkakaroon ng Girlfriend.. Ngayon lang!
At si Bea pa! Isa sa pinakamagandang babae dito sa Campus namin
Lumabas na muna kami sa Quadrangle at nagpunta kami sa Cr .. Dun nalang ako iiyak
Pero bago pa man kami makapunta sa Cr nakasalubong na namin si Tatum Miguel at si Bea Sanches!
MAG KAHOLDING HANDS SILA!
Nakita kong natigilan si Tatum..
Di ko alam kung anong gagawin ko parang gusto ko umatras dahil ayoko silang makita!!!
Nilagpasan nila ako na parang hangin..
Hindi ako pinansin ni Tatum Miguel.. Akala ko ba magkaibigan na kami?
Ang sakit makita yung taong mahal mo may mahal ng iba...
Inakbayan ako ni Girly "Okay lang yan bestie., You dint deserve him.. Siguro naman ngayon susuko kana? Stop hurting your self"
siguradong narinig ni Tatum yung sinabi ni Girly dahil may kalakasan ang pagkakasabi niya
Dumeretso nalang kami ng CR at duon ako umiyak ng umiyak
After ko umiyak nahimas masan nako..
Tama si Girly.. I don't deserve him... Puro pagmamahal lang ang alay ko sakanya pero siya palagi nalang niya akong sinasaktan
Dalawang Linggo ko ng iniiwasan si Tatum Miguel.. Kung nuon kabisado ko kung nasaan siya oras oras ngayon naman alam ko din kung saan ko siya iiwasan oras oras.. Mabilis lumipas ang dalawang Linggo.
Namimis ko siya pero Nag momove on nako
"Sa isang araw na ang J.S prom ha? Sinong partner mo?" Tanong sakin ni Girly
Nasa cafeteria kami ngayon ng Campus namin."Di ako attend girly.."
"Ano ka ba Minsan lang yun! firstime isali ang 2nd year sa J.S prom.. At may dagdag na grades pa!"
"Wala akong isusuot girly" Matamlay kong sagot habang umiinom ako ng white chocolate
"Madami akong dress! Kailangan daw natin mag suot ng kulay white for second year level tapos pink naman sa third year at Blue para sa forth year."
"Di ako interesado pumunta" Dahil panigurado nandun si Tatum Miguel kasama ang girlfriend niyang si Bea..
"Pupunta ka! Magagalit ako sayo pag di ka umattend" Nagtatampong sabi ni girly tumayo siya at nag marcha palabas ng cafeteria
haaaaay...
Napabuntong hininga ako..
Nanlaki naman yung mata ko nung makita ko kung sino yung papasok ng cafeteria!
SI TATUM MIGUEL AT BEA!
kinuha ko yung libro ko at tinakip ko sa mukha ko..
Shit iniiwasan ko na nga sila eh! Bakit kailangan pa nilang magpakita sakin ha?!
Bumalik si Girly sa upuan niya siguro dahil nakasalubong niya si Tatum miguel at bea kaya biglang bumalik si Girly
"Wala siyang suso bestie"
Napatingin naman ako bigla kay girly
"Ha ano?" Nagtatago pa din ako sa libro
"Sabi ko wala siyang suso.."
"Sino ba?"
"Si bea.. Nakasalubong ko sila nakabanga ko siya.. Nasiko ko yung suso niya kaso Wala akong naramdaman friend.! Bato ata yung suso niya haha lamang ka friend!"
"Bruha ka.." Natawa ako sa sinabi ni Girly
"Tara na alis na tayo dito. Magsukat ka na lang ng gown sa bahay" Hinila nako patayo ni Girly at sinikap kong wag tumingin sa dereksyon ni Tatum Miguel. May narinig kaming nabasag na baso. Paglingon namin sa mesa yun ni Tatum At bea
"Honey saan ka ba kasi nakatingin? Okay ka lang ba?" Pinupunasan ni bea yung pantalon na uniform ni Tatum Miguel
Napairap ako sa nakita ko. Tss ang sweet naman nila
Napatingin sakin si Tatum Miguel. Pero iniwasan ko yung tingin niya
Lumabas na kmi ng cafeteria
"Baka nakatingin siya sa boobs ni bea tapos na-liitan siya kaya nabasag ang baso hahaha" Biro ni Girly paglabas namin sa cafeteria.. Natawa nalang ako sa biro nito hahaha
BINABASA MO ANG
MY FIRST LOVE (SPG) COMPLETED
Short StoryShe loved Tatum Del Rosario since grade one.. All her life dito lng umikot ang mundo niya. Mula elementary Hangang sa high school ay sinundan niya ito.. The ultimate Crush nang Bayan sa kanilang Skwelahan. Ngunit nuknukan ito ng kasungitan! Ganun...