Tatlong taon na ang lumipas. Marami ng nagbago. Naka-move on na ako sa past relationship kong minsang winasak ang puso ko. Bagong taon, bagong pag-asa. Bagong ako. Seventeen na ako at isang taon nalang, nasa legal age na din ako. Malamang ay marami pa akong makikila at mae-experience.
Paputok. Pagkain. Kantahan. Sayawan. Kasiyahan. Naka-ugalian na naming gawin ang mga yan tuwing bagong taon. Sinasalubong namin eto ng masaya at iniiwan na namin ang mga masasakit na aming naranasan noong nakaraang taon. Kumbaga para samin, bagong taon.. move-on move on din.
Ngunit hindi ibig sabihin niyan na kinakalimutan ko na siya. Bago pa man ako sumama sa kasiyahan ng family ko, humiwalay muna ako ng ilang saglit upang ipag-dasal si Daniel. Pinagdasal ko na sana masaya siya at sa matanggap niya ang pagbabagong ninanais ko. Gusto ko lang naman iwan lahat para mag-simula ng bagong buhay. Sakto, magko-kolehiyo na ako. Speaking of college life,may isang bagay na ayokong iwan na nangyari noong nakaraang taon. Bago pa man i-celebrate ang Christmas Day, nakatanggap na ako ng isang magarbong regalo mula sa itaas. Pumasa ako sa entrance exam sa isang prestigious university dito sa Pilipinas, ang UP. Nakapasa ako sa UP Diliman sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication. Hindi ko inaasang makakapasa ako sa UP sa kursong ito. First choice. Napakasaya ko noong araw na 'yun, halos mapasigaw ako nang malaman kong ang pangalan ko ay included sa listahan ng mga nakapasa sa UPCAT.
Bukod sa University of the Philippines ay nag-exam din ako sa University of Santo Tomas, De La Salle University, at Ateneo de Manila University. Well, mabuti ng may-back up ako 'noh.
Ilang araw na ang lumipas mula noong January 1.. marami na talagang akong naririnig na rumors na malapit nang ilabas ang results ng mga exam sa ibang university. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. "Okay lang sakin kung hindi ako makapasa sa iba, total meron na 'tong UP eh, Itataboy ko pa ba?" 'yan ang sinasabi ko sa sarili ko ng paulit-ulit para hindi na makaramdam pa ng anumang kaba. At ayun na nga, habang sinasabi ko 'yan ay nag-ring ang aking cellphone. Simbolong may nag-text sakin. Laking gulat ko kasi meron din palang tumatawag sakin kanina ngunit 'di ko nasagot. Kaibigan ko. Si Bruce. Naka-apat na missed calls at sampong texts na pare-pareho ang laman. Agad ko naman ni-unlock ang phone ko para basahin yung text niya.
Bruce: Cy, pasado ako sa Ateneo.
Ako: H..huh? Lumabas na ba results?
Bruce: Oo, kanina pa. Na-check ko na 'yung sayo.
Ako: Wag mong sasabihin sakin.. Bye. I'll call you later.
Natuwa ako sa nalaman kong pasado ang kaibigan kong si Bruce sa Ateneo. Dream University niya 'yun, sigurado akong sobrang saya ng nararamdaman niya ngayon. Sa boses palang niya, pakiramdam ko masaya na talaga siya. Pero bakit noong sinabi niyang nakita na niya yung sakin, bakit ang seryoso ng boses niya? Aghhhh! Nakakakaba naman.
"Okay lang sakin kung hindi ako makapasa sa iba, total meron na 'tong UP eh, Itataboy ko pa ba?" sinabi ko na naman para kumalma ako.
Agad kong binuksan ang laptop ko, at pumunta sa results page ng ACET. Inilgay ko ang mga informations na kailangan para ma-check ang resulta. Pagkatapos nun ay isinumite ko na ito. Nag-load ang page. Boom. Error. Aba leche, at dahil disappointed ako.. ah hindi naman actually disappointed. Mejo lang. So ayun nga, nag-soundtrip nalang muna ako. Pagkatapos ng isang kanta, bumalik na ako sa website kung saan pwedeng icheck ang result ng exam ko. Gaya ng ginawa ko kanina, inilagay ko yung mga informations needed and I submitted it quickly. I blinked thrice. Nag-reload yung page. Oh. my. goodness. I. passed. the. exam.
Agad akong napaiyak at nag-dasal na lang para magpasalamat sa Diyos. Ipinaalam ko rin sa pamilya kong pumasa ako at as usual, tuwang tuwa sila sa achievement kong 'to. Ahhh, si Bruce. Tinawagan ko siya at sinagot niya naman ako agad.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ni Cynthea II
Teen FictionAno kayang mangyayare sa love story ni Cynthea? Sa tagal kaya ng panahong lumipas hindi pa siya naka-move on sa mga nangyare sakanila ni Danielle? Subaybayan ang pagbabago ni Cynthea at tuklasin kung dapat na ba siyang kainisan, mahalin o suportahan...