Chapter 1 - That First Hello.

12 1 1
                                    

Ok! Eto nanaman ako, babad nanaman sa facebook.  Wala na akong ginawa kundi ang magbabad sa facebook. 

Mukha yatang 2 hours na akong naa online pero wala talaga akong kachat, puro posts lang ako sa wall ko. Puro patama sa mga inlove, ay ambot! Bakit ba kasi puro inlove at in a relationship tung mga kaibigan ko.  Kakasawa ng basahin tung mga posts nilang puro love, wala bang bitterness jan. Da! Ewan, one of this days iiyak din kayo. HAHAHAHA. (Evil laugh)

Notification:

1 Friend Request

Uy! Sino kaya to?

Hala! Si . si . si Crush! Huwaaaaaaaa ~ 

ACCEPT REQUEST

Ommo*

knock* knock* knock*

"Hoy! Catherine! Matulog ka na! Late na, may pasok ka pa bukas. "

"Opo! Saglit nalang nalang kuya."

Ako nga palaa si Catherine Mari Valencia, 20 years old. Kakagaling ko lang sa isang matindi at walang kwentang relasyon. Tatlong taong puro kasinungalingang relasyon, nagcheat kasi ang boyfriend, este Ex-boyfriend ko. Pinagpalit ako sa mukhang suso na may pulang labi dahil ginamitan ng Magic Lipstick -_-   ( Hahaha! Di naman ako masyadong bitter noh? ) Ay ewan ayokong pag usapan u=yung mga yun, mga walan kwenta. 

Pop*

Marko: Thanks sa pag-accept.

Oh! Wait, wait, wait. Tama ba tong nakikita ko? Ang crush ko? Nag message sa akin? 

Whuuaaaa! Tabang mananabang! Di ko kaya to. Ang gwapong niya talaga. 

 Grabe! Si crush inadd ako sa Facebook. Kakakilig naman. 

Cathee: No problem. 

Marko: Sa GenVile ka pala nakatira? Alway kasi kita nakikita dun e.

Cathee: Ay hindi, dun kasi nakatira ang bestfriend ko. Pinupuntahn ko lang araw-araw. 

Marko: Natatandaan mo p ba ako? Ako yung nagwave sayo kagabi nung dumaan ka sa kanto ng GenVille.

Cathee: Oo. ^_^

Gosh! Ang tipid ng mga replies ko, di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. 

Marko: Ah, okey. Salamat ulit sa pag-accept ah. Alis muna ako :)

Ay! Nakakabitin naman to :( 

Cathee: Ok po. Ingat ka. :)

Marko: Thanks. Goodnight. 

Marko is offline*

Ehmeghed! Good talaga ang night ko. As in super goodnight Catherine. HAHAHAHA

-----

"CATHERINE!!!! Gumising ka na. Late ka na sa duty mo!" 

Ommo! Patay ako! Late na ako sa OJT ko. Nako naman talaga oh.  Kailangan ko na talagang magmadali, kakapagod pa naman ng punishment ni sir. Kainis. 

Nagdali-dali akong naligo , kumain at nag ayos ng mga gamit ko. Nagpahatid nalang ako kay kuya para mas madali ang pagdating ko sa school. 

Woo! Tamang-tama lang. Magpoform palang sila. Nakaabot pa.

"Uy Cath! Late ka nanaman.' - Mace

"Naku Mace! Hindi kaya. Tamang-tama ng lang ang pagdating ko e. HAHAHA" 

"Ay ewan ko sayo Catherine Mari Valencia ha. Ano nanaman kasi ang ginawa mo kagabi? Nagbabad ka nanaman sa facebook? Nagbabakasakaling pansinin ka ng Ex mo dahil sa mga wallpost mo. Tigilan mo na yan Cath, ikaw lang ang masasaktan nyan.' - Mace 

"Hindi na Mace noh. Ikaw talaga."

"Ay ambot nimo uy! Para kang ewan." - Mace

Yan! Yan Si Macey Rose Laceda, kaibigan ko ng almost 5 years. Siya yan lagi ang taga-pukpok ng ulo ko lalo pa pagnag-eemote ako sa gwapo at haliparot kong ex-boyfriend na agkagirlfriend na mukhang suso na may pulang labi dahil sa magic lipstick ( HAHAHAHA! Like ko talaga tung pagkakadefine ko sa pinalit ng Ex ko sa akin )

"Sorry na Vietnam. Lablab na yan. HAHAHA"

Biglang batok. Tokk*

"Yan! Para magising ka sa pagkabuang mo." -Mace

"Aray naman! Macey ha! Naimihasan ka ng saktan ako. Di mo ba alam na pwede kitang kasuhan ng less serious physical injury?"

"Sira ulo ka siguro? Alam ko yan kasi kaklase mo siguro ako sa law subject. -_- "

Biglang naghiawan yung mga haliparot na mga chararat na babae dun sa may Student Lounge. Ano kayang meron dun? 

"Wow ang gwapo nya talaga."

"Oo nga e, grabe. Ang cute nya sobra."

Si...si Marko Gonzales, siya nga! Akala ko wala na siya dito. Ang gwapo niya, sobra.

"Ah, HI MARKO!' Uy! Teka! Lakas ata nun ah. 

Epic fail! Di ako pinansin. Ouch! Bakit ganun? 

-----

Bakit nga kaya di sya pinansin ni Marko?

Hanggang facebook lang ba dapat ang friendship nila?

Or sadyang wala lang yun? 

Abangan -- 

<3

Author's Confession.

This was really happened when I was in College. Ibang venue lang pero parehong-pareho ang nangyari. -_-

#MyMarko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sad SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon