Chapter 2: Trashmates

30 2 1
                                    

Ito na po ang chapter 2 ng Put your hearts Up! :)

Sana magustuhan niyo.

Please, hit vote and comment. ^_^

<----Right here is the picture of Mr. Suplado/Strict Stephan Echavez.

Enjoy reading

------------------------------------------------------------

Stephan's POV:

Time check: 6:30AM

Nasa school na ako ng mga ganitong oras dahil ayaw kong makita ng mga estudyante at gusto ko munang namnamin ang pagkakataon na solo ko ang school. Wala pa ang mga matatanda at mga estudyante. Yung tipong nakikita mo ang totoong kagandahan ng school at nasosolo mo yun. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang role ko sa school. Parang ang bigat ng feeling. Pasan mo ang mga hinanaing ng mga estudyante. Kailangan open ka sa bawat estudyante af pakikinggan ang bawat suggestion nila. Hanggang sa may bumulong na lang sakin at nag sabi na "oo, pasan mo nga ang school. Pero hindi mo ba naiisip ang mga benefits ng pagiging president mo?"... Bigla akong napangiti at napahiga sa sofa sa office. "Tama, tama". Napangisi ako at tumawa. imagine mo yun, lagi ka nang lalapitan ng napaka hot na secretary namin, tapos yung pagiging strikto mo na tinatago mo lang sa sarili mo eh maipapakita mo at ipapadama mo sa mga estudyante lalo na sa mga pasaway. Ang dito na ang EVIL PRESIDENT ng CHARLINTON!! HAHA! *evil laugh*

Good Morning! Ako nga pala si Stephan Echavez, 15 years old. :) Im currently studying in Charlinton University. Isa ako sa council of presidents representing the Basic Education Department. Some people describe me as suplado and strict, pero some of my friends have opposite opinions, like sabi nila Im Smart in a cute way. Tapos, Im just protecting my image as the President of this department. Mahirap na maviolate ko ang one of my Golden Rules ko, ang "Study First, Love Later". I have 2 siblings, ang dalawang ate ko na sina Ate rin at ate Sha. I always excel sa lahat ng subjects ko, sadyang Im doing my best to make my parents proud and one of that is being Valedictorian after I graduate sa senior year ko.

Back to the story...

I don't need to worry na pala. Since mataas ang standards dito sa school namin, I need to do my best. Napatitig lang ako sa kisame while nangiti ng bigla akong katukin ng isa sa mga year representatives namin at pumasok, agad agad akong umupo at nag ayos ng uniform sabay tingin sa kanya ng seryoso. Narinig ko siyang lumunok at nag bow ng konti. "Sir, flag ceremony na po. Kailangan na nating mag check ng estudyante at mag ikot sa school." Sabi niya sakin habang konokontrol niya ang pagka nginig. Flag ceremony na? Agad agad? Tiningnan ko yung wrist watch ko at oo, mag aalas otcho na pala ng umaga. Hayy, nakakatamad pero kailangan gawin.

Time check: 7:45

Nag simula na akong mag assign ng mga officer na umikot sa school habang ang iba ay pinapanatili ang peace and order sa court. Nag volounteer na ako ang mag iikot sa building A hanggang sa "green side" ng school. Ang "green side" ay liblib na lugar kung saan nalusot ang mga late namin na estudyante at minsan, ito rin ang gate nila palabas kapag gusto nilang mag cutting. Sinimulan ko nang mag rotate at agad agad akong pumunta sa "green side" dahil baka may dumaan na late. And to my luck, nakakita ako ng tatlong late. Kung di ba naman sila sinuswerte. Natakbo sila hanggang sa napasin ko ang isa sa kanila ay hindi naka suot ng proper uniform. Nagulat ako at biglang nanlisik ang aking mga mata. HINDI PWEDENG MAKAPASOK ANG ESTUDYANTE KAPAG DI ITO NAKAPROPER UNIIIFFOOOORRMMM!!! Gusto ko siyang habulin at pagalitan pero kinalma ko ang sarili ko at imbis na puntahan ko siya ay sinundan ko na lamang ito.

Napansin kong natakbo siya papunta sa linya niya at inisipan kong harangan siya para kunwari ay aksidente niya akong nabangga at dun ko na siya titirahin ng tanong kapag nakita na niya ako. Agad agad akong tumakbo sa unahan para unahan siya at kunwari ay tinitingnan ang bawat room na dadaanan ko kung may estudyante bang hindi umattend ng flag ceremony hanggang sa may bumangga sakin. Yes! Success! Haha, loko ka. Napansin kong medyo maganda siyang lalaki at tumingin ito saken ng masama. "Anong ginagawa mo dito?" Sinubukan kong maging kalmado at naghahamon at the same time. Mukhang napansin naman niya sabay sabing "Eh ano naman sayo?" Aba, gago 'to ah. Di niya alam kung sino ang kausap niya. Heh, malilintikan ka saken, gago ka. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nakita ko ang wallet niya. Grabeng bata, hindi nakasuot ng school polo, walang I. D., may kulay ang buhok at piercings pa. Mun siga pero hindi naman bagay. Tse.

Put your Hearts Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon