Chapter 4: Master Badboy and Strict Slave

19 2 2
                                    

Nasipagan mag.update! haha!

Ito na po ang chapter 4.

enjoy reading.

Don't forget to hit Vote And comment. :)

hart hart. :3

------------------------------------------------------------

Keith's POV

Grabe naman ito! Sa lahat pa talaga ng tao. Si Stephan magiging partner ko?! Sa lahat ng bagay. Pero, to earn my freedom, wala akong choice. Pero, para kahit miserable buhay ko, bigyang kulay naman ito ni stephan dahil, maglalaro kami. Hahaha! *Evil Laugh*

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng building namin para pumunta sa second to the last subject namin. Math po ito at si Ma'am Montebon ang teacher. Ugh! Sunod-sunod ata ang kamalasan, I hate numbers! I hate math!

Buti na lang at wala pa si ma'am. Pagkaupo ko ay bigla na lang ako tinapik sa sa may balikat ko. Hindi ko alam kung sino. "Keith, pwede ba?! Magtulungan na lang tayo?" sabi ng pamilyar na boses. Paglingon ko si Stephan pala. Katabi ko na siya sa upuan? Saan na napunta si Joey?

Hinanap ko si Joey sa buong room, at nakita ko itong nasa upuan malapit sa pintuan. Sana, wag kang magcutting Joey o wag mo muna ako idamay. Please?

Bumalik ulit tingin ko kay Stephan. "Keith? Ano ba? Sumagot ka naman?" tanong niya sa akin. Ano ba pwedeng ispice up sa lalaking ito. Bigla na lang umilaw ang light bulb sa uluhan ko at sabay sabing "Sige, pero sa isang kundisyon".

Halatang nanlaki ang mga maliliit niyang mata at bigla niyang tanong na "Kundisyon? Bakit may kundisyon pa?" nagtataka niyang tanong sakin. "Ayaw mo? Sige, sasabihan ko na lang si dad na ayaw mo akong tulungan na madisiplina kasi mas inuuna mo ang sarili mung kaligayan" sabi ko sa kanya.

"Wag! Sige na. Anong kundisyon yun?" bigla niyang sagot. "Dapat mo akong samahan kahit saan ako magpunta, sagutin mo lahat ng homeworks ko and last maging alila kita for the rest of the year" sabi ko sa kanya. "Grabe ka naman kung pakapagkundisyon! Wala na ba ibang option?" tanong nito.

"Alam mo? Kung ayaw mo, sasabihan ko na lang si -----" naputol ang pagkakasabi ko ng bigla siyang sumingit. "Sige sige! Ikaw na masusunod. Tsk! Basta, ayoko ng inaalila masyado alam mo naman na Im still the president of this department, so kunting respeto na lang" sabi niya sakin. "Alam ko na ikaw na ang president sa department natin, pero I guess violating some rules won't hurt you naman diba? Basta, pagtakpan mo ako." pabulong kong sabi.

"Ano? basta, lets just put everything in right places! Yun lang!" sabi niya sakin. Magsisimula na ang kalbaryo niya. Makapaghihigante na rin ako sa pagpapahiya niya sakin kanina. Pero nakita ko lungkot sa mata niya, kasi parang napilitan siya sa kundisyon ko. Hindi naman harsh ang gagawin sa kanya. Basta, akin na lang yun.

Stephan's POV

Kundisyon talaga. Napakalungkot ko ngayong araw kahit ang kapalit sa pagtulong ko sa mokong na ito ay magandang reward. Haist! Bahala na. Basta, gawin ko na dapat kong gawin. Sana, hindi harsh ang pag-aalila niya sa akin. Sana din hindi masira o mapahiya ang name ko sa school.

And worse! Tatakpan ko mga kasalanan niya at gagawan siya ng good record dito sa school? Huh, in his dreams. Hindi pwede. Dapat ako ang magpaparusa sa kanya. Nakaka asar talaga tong lalaking to. Sarap upakan!! Grrr. "Gawin mo yung assignment ko sa Math." Sabi niya saken habang nangungulangot. Sabay bilog bilog sa nakuha niyang dumi at pinitik papunta sa isa naming kaklase. Kadiri. "Oo na oo na." Sabi ko sa kanya sabay wave ng kamay. "Uh, yung extra na pinagawa saken na assignment yung gagawin mo." Sabay nag smirk siya. Biglang nanlaki mga mata ko. "Book report yun ah!!" Sigaw ko sa kanya sabay lingon sa akin ng mga kaklase namin, klinaro ko ang lalamunan ko at inayos ang salamin ko. Ngumiti siya at nag nod. "Oo, at please. Wag kang sumigaw, tingnan mo tinitingnan ka ng mga estudyante. Ayaw mo naman madungisan ang pangalan mo diba?" Sabay galaw sa kilay niya.

Nakakairita talaga siya. "At bakit ko gagawin yon? Eh based on your own understading yung ilalagay dun diba?" Tanong ko sa kanya sabay bigay sa kanya ng galit na mukha. "Eh, ikaw na mag lagay nun, dapat maganda yung ilalagay mo ah? Kung panipaniwalang ako ang gumawa." Sabi niya. Ding! Kapanipaniwala pala ha? Sige lang. Tingnan natin. "Teka, kailan deadline non?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng phone ko. "Bukas. Anytime basta di lalagpas ng 5 ng hapon." Heh, patay ka saken.

Kundisyon pala ah? Hhmm. *Evil Laugh*

------------------------------------------------------------

Ano kaya mangyayari sa pinapautos kay Stephan? Hhmm.

haha! natutuwa ako. Sana, maging friends na lang sila para happy happy lahat.

Salamat sa mga naghit ng vote at comment! push pa natin yan!

thanks sa CoWriter ko na si Ms. DanaTot! :)

Put your Hearts Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon