Im standing here at the front door of my grandparent's ancestral beach house near Bangui. From Manila to Bangui, Ilocos Norte is 9 to 10 hours travel by car, indeed a long ride. Nakakabighani talaga ang view at ang ganda ng beach plus the windmills. Naputol lang ang pag da-day dream ko ng sabihin ng aming driver na pumasok na ako dahil hinihintay na ako nila Popsie at Momsie.
What the?!
"Momsie naman 21 na ako para akong musmos kung pugpugin mo ng halik. Nakakahiya sa mga chicks baka maturn-off sila, diba Popsie?"baling at nagmano ako sa aking lolo na tinawanan lang kami.
"Marco apo nami-miss ka lang ni Momsie. Aba'y lumaking napakagwapo ng aking apo. Kung hindi ko nakita ang kabataan ng aking irog baka isipin kong wala ng mas kikisig pa sa'yo apo ko,"tuwang tuwang papisil-pisil pa si Momsie sa braso ko.
"Tama na iyan Irog. Hala't sige tayo'y pumaroon na at mananghalian."
Noong elementarya pa lamang ako madalas ikinukwento ni Momsie sa akin ang kanilang buhay pag-ibig. Hindi man daw si Momsie ang first love ni Popsie pero as time pass by ay nahulog din ang damdamin ni Pops sa kanya.
Habang nanananghalian, sinabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit biglaan akong ipinatapon ni Mommy dito. Mom found out na tatlong subject lang naipasa ko this sem dahil puro pambababae, gimmik at online games ang inaatupag ko. Unfortunately, no one can shove off mom's order. So whether I like I or not I'm grounded. Tsk!
But to top it all, my punishment is to stay here in my grandparent's ancestral house. No gadgets, no online battle, no gimiks and lastly NO NIGHTLIFE! Oh com'on!
I'm Marco Luis Fuentabella. A batchelor, famous model and a gamer. I am not myself without those.
Nang matapos kaming mananghalian at makinig sa sermon ni Momsie. Ako'y nag paalam at napagpasyahang magpahinga muna. Pero imbis na sa aking lumang kwarto ako tumuloy ay binagtas ko ang isang daan. Isang daan na napakadalang mapuntahan.
Third person's Pov
Para bang may sariling isip ang kanyang mga paa. Hindi malaman ni Marco kung bakit tila ba'y siya ay hinahatak ng kung ano patungo sa lumang bodega ng kanilang tahanan.
Palinga-linga siya sa maliit na silid na sa unang pagkakataon ay kaniyang napasok. May maliit na single bed malapit sa makipot na bintana. Mga inaagiw na kagamitan tulad ng isang grand piano, kabinet, lumang bisikleta, toolbox at sari-saring gamit sa isang lalagyan. Umupo ang binata sa unahang bahagi ng kama at inabot ang nakapatong na mga photo albums sa isang malapit na lamiseta.
Pero natuon ang kanyang atensyon ng may masagi siya at ito'y mahulog. Isang luma at may kaunting sunog na litrato ng napakagandang babae at isang kupas na gintong pocket watch. Hindi na ito gumagana pa. Sinipat niya ang relo na may naka engrave ritong (L.M) sa gilid na bahagi.
May sunog at kalumaan naman ang larawan pero maaninag parin ang taglay na kagandahan ng dalagang naroon. Ang kanyang pinagtatakahan ay sino ang dalagang iyon at bakit napasama ito pati na ang relong ito sa kanilang photo album. Napakunot noo pa ang binata tila may kakaiba siyang nararamdaman. Sinipat niya ang litrato at isang liham ang nasa likod niyon.
[Mahal kong Laura,
'Di man sumang-ayon sa atin ang tadhana. Hindi ko man kayang ibalik ang nakaraan o pansamantalang itigil ang oras. Wag kang mangamba. Iyong hintayin ang aking pagbabalik. Aking tutuparin ang aking pangakong balikan ka sa panahon mang ito o sa kabilang buhay. Kung kinakailangang aking hatakin ng mabilisan ang pag-inog ng panahon hanggang sa muli nating pagkabuhay gagawin ko sapagkat ikaw parin ang hahanapin, matatagpuan at iibigin ng aking puso. Maniwala ka mahal ko kaya nating lampasan ang hamon ng tadhana. Ikaw at ako, magkikita parin tayo sa takdang panahon.]
![](https://img.wattpad.com/cover/18400275-288-k773297.jpg)
BINABASA MO ANG
Surreal Fidelity (one shot)
Historia CortaDalawang kaluluwang itinakda para sa isa't isa.Mga kaluluwang pilit hinahadlangan ng oras ,tadhana at pagkakataon. Paano kung isang araw sa kanyang bakasyon ay mabigyang pagkakataon siyang makabalik at masaksihan pagmamahalan nilang dalawa? Mabibigy...