Prologue

7 0 0
                                    

Patungong Coralia Kingdom ang merman na si Triton,ang anak at ang pumalit sa pumanaw na diyos ng Karagatan na nagngangalang Poseidon. Bagamat siya ang panibagong diyos ng karagatan,hindi siya ang namamahala sa mga kaharian na nasa ilalim ng dagat ngunit siya ang nagbibigay-parusa o magde-desisyun kung pananatilihin ba sa karagatan ang isang kaharian at ang taong-tubig na nasasakupan nito na lumabag sa kanyang mga kautusan.

Nagpatuloy sa paglalangoy ang bagong diyos ng karagatan hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa Coralia's Gate. Dito,may nakabantay na isang merguard.

"Glord Triton is coming!" mahabang sigaw ng merguard sa malalim na boses. Ilang segundo lang,bumukas ang gate. Nakalinya ang mga iba pang merguards. Sa kaliwa ay mayroong limang merguards,ganoon rin sa kanan. Pagtungtong ni Triton sa gate,itinaas ng merguards ang kani-kanilang  conch o seashell horns saka sabay-sabay nila itong tinugtog. Ang kanilang ginawa ay ang paraan ng pagpapakita ng respeto sa Diyos ng Karagatan. Though Triton carries a trident just like his father and any other kings from different kingdoms in the sea,a twisted shell is his special attribute.

Nang marinig ng mga merpeople ang tunog ng seashell horn,nagsilabasan sila,kasama na ang mga namamahala sa Coralia Kingdom. The merpeople gave Glord Triton a welcoming smile.

Kaagad na inutusan ni Prince Trisedon,ang matalik na kaibigan ng diyos ng karagatan na siya ring anak ng kasalukuyang reyna ng Coralia,ang mga kawani ng palasyo na maghanda ng mga pagkain para  sa munting salo-salo.

Lumipas ang mga sandali at nagsimula na ang salo-salo sa kaharian. Lahat ng merpeople na nasasakupan ng Coralia ay sama-samang nagsisiyahan.

"Ter napabisita Wa ka Ter ah?" tanong ni Trisedon gamit ang Modern Water Language. Nasa isang sulok ang dalawa ngayon.

"Ter hindi Wa ba Ter pwedeng Wa bisitahin Ter ang Wa aking Ter kaibigan?" pabalik na tanong ni Triton. Ngumisi ang dalawa saka mahinang napatawa. Lumingon-lingon ang dalawa sa paligid,pinagmamasdan ang mga taong-dagat/taong-tubig na nagsisiyahan ngayon.

"Mukhang walang bumibisita na Firecrea ngayon,ah?" Triton asked. The Firecreas are the people or creatures whose ability is to manipulate fire. Most of them resides in Sunmire Afire Kingdom. Yes,they can go to the sea or any other bodies of water in two ways.

"Oo nga,eh," pagsang-ayon ng Prinsipe. "Mga ilang linggo na rin mula nang may bumisitang firecrea dito," he continued.

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa at nagpatuloy rin ang kasiyahan but something happened. A fire dragon suddenly appeared. It looks like a four-legged serpent.

Bawat lugar ay may kanya-kanyang paniniwala sa itsura ng dragon. Halimbawa,sa ibang lugar ay pinaniniwalaang may mga pakpak ang mga dragon habang naniniwala naman ang iba na wala silang mga ganoon ngunit ang mga Fire & Water Dragons from different Kingdoms,just like Sunmire Afire and Coralia,do have wings but they can hide it if they want.

Ang dragong nakikita ngayon ng mga taong-dagat ay wingless kaya kaagad nilang naisip na itinago nito ang kanyang pakpak. Ngunit,hindi ito ang nakapagsurpresa sa kanila kundi ang sumunod na nangyari—the dragon's mouth widely opened and a woman came out from it.

The woman has a rosy white skin and a fire ombré hair. There's a red orange light glowing around her,the same color her eyes have.

She greeted the people of Coralia. "Hello,hello,merpeople." She seems to show respect to the merpeople but the tone of her voice tells another story. It's as if she's mocking them.

Akmang babatiin na pabalik ng mga taong-dagat ang babae kahit medyo nag-aalangan dahil sa tono ng pananalita nito ngunit kaagad na nagsalita ang diyos ng karagatan.

"Sino ka?" tanong niya.

"Me? Ha!" saglit siyang huminto at napangisi. "You can call me your GLORDESS." From demure and innocent,the woman became ferocious-looking. Her eyes became emotionless and its color turned into dark red.

Napakunot ang noo ni Triton. Nagsimula nang magbulong-bulungan ang merpeople ngunit bigla rin silang natigil matapos sumabat ang reyna ng Coralia,si Sapphira. "Hindi lingid sa mga taong-dagat at taong-apoy na dalawang paraan lang ang mayroon upang makatungtong kayo sa karagatan at iba pang anyong tubig." Nang marinig ang kanyang sinabi,napatango-tango ang ibang mga sirena't sireno at ang iba naman ay muling nagbulungan.

"Bilang reyna ng Coralia,at sa tulong ng trident ng pumanaw kong asawa at dating hari ng kahariang ito,kaagad kong nalalaman kung anong paraan ang ginamit ng isang firecrea upang makatungtong sa tubig," mahabang sambit niya. Muli siyang nagpatuloy. "At nakikita kong hindi ang unang paraan ang iyong ginamit kung hindi ang pangalawa."

Marami ang nagulat sapagkat hindi basta-bastang binibiyayaan ang isang firecrea na ang pangalawang paraan ang gamitin upang makatungtong sa tubig. Bukod pa rito,may iba pa itong resulta.

"Magaling,reyna," may diing sabi ng babae. Napahalakhak ito at ngumiti ng nakakaloko. "Anyways,wala na akong oras upang makipaglokohan. Kukunin ko na ang aking pakay," pagkasabi'y agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng diyos ng karagatan at prinsipe ng Coralia.

Mahigpit na hinawakan ng magkaibigan ang kani-kanilang trident. Gagamitin na sana nila ito upang malabanan ang firecrea na lumusob sa kaharian ngunit mabilis ang babae. Tila inutusan nito ang kanyang dragon kaya't biglang kinagat nito ang dalawang trident at itinapon sa kung saan. Muling humalakhak ang babae,nasisiyahan sa nakikita.

Kaagad na lumangoy si Trisedon upang kunin ang dalawang trident mula sa kinaroroonan ng mga ito. Binilisan niya ang paglangoy,umaasang malalabanan ang babae ngunit huli na ang lahat. Pagkabalik niya'y hawak-hawak na ng firecrea si Triton. The merpeople became hysterical,panicking.

Pinipilit kumawala ng diyos ng karagatan sa babae ngunit wala itong silbi dahil unti-unti na siyang nanghihina.

"Bitiwan mo siya!" sigaw ng Prinsipe dahil sa galit.

Itinutok na ni Trisedon ang dalawang trident sa babae,ganoon rin ang ginawa ng reyna. Ang Prinsesa naman,na asawa ni Trisedon,ay kasalukuyang pinoprotekhan ang mga taong-dagat,kasama na ang kanyang anak. Ire-release na sana ng Reyna at Prinsipe ang blue lights na mula sa tridents upang magawa ang Body Water Manipulation,isang water technique na ginagamit upang ma-control ang tubig sa loob ng katawan ng isang nilalang ngunit nang mailabas ito,bigla lang bumalik ang blue lights sa tridents. Tila may pumigil sa mga ito.

The woman loudly laughed in a devilish way. Gayunpaman,nagpumilit pa rin sina Sapphira at Trisedon na labanan ang babae at makuha si Triton mula rito ngunit nang nahawakan na nilang dalawa ang diyos ng karagatan at hihilain na sana palayo sa nasabing firecrea,bigla silang napaso. Nagulat ang dalawa,iniisip kung bakit sila'y napaso gayong nasa kanilang teritoryo naman sila.

Nanghihina man,nagpupumilit pa rin si Triton na makawala mula sa firecrea'ng humahawak sa kanya ngunit bigla itong napatigil nang magsalita ang babae.

"I cast a spell,mentally. Get near with and touch my GLORD again,and you'll taste the violence of the fire. Chase after me and him,and you'll turn into worthless ashes," babala niya saka matalim na tumitig ang kanyang pulang-pulang mga mata sa lahat ng merpeople. Her deadly glares creeped the hell out of them.

Moments later after she warned the people,the woman put Triton inside the mouth of her dragon that is currently wide open. She then followed but before the fire dragon's mouth closed,she said her final words.

"Never forget the old and true fire GLORDESS' name,Mal Evie Flammerah." Then,with a snap of her fingers,the dragon finally closed its mouth and began to swim in a fast way. The merpeople were left hanging,still can't believe of what had just happened.

ANGERED,Queen Sapphira made a decision. Knowing how evil the woman was for they all saw what she did,the merpeople agreed with the Queen's decision. The decision to make the firecreas their greatest enemy.



                 ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ● ●

Konnichiwa! Lubos akong nagpapasalamat sa pagbabasa mo (kung meron mang nagbasa haha) nang ginawa kong storya dahil sa mga novels,movies & animes na in-inspire ako pati na rin sa weird kong imagination. Aishiteru ヽ(^。^)ノ

HistoceanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon