4/7

10 0 0
                                    

Pagdating namin ay nakita kong wasak na wasak ang dating matayog at mataas na building na ito. Madaming mga rescuers, pulis, mga tao na naghahanap sa mahal nila sa buhay. Mas lalo akong nangatog ng maraming bangkay ang nagkalat sa kalsada, tangina hindi! Nangangatog man ay inumpisahan kong humakbang para makalapit ako sa mga bangkay na nagkalat sa kalsada. Tinignan ko isa isa ang mga bangkay, di ako umaasang makita syang nakahiga doon. Umaasa ako na sa pagtingin tingin ko dito ay tawagin nya ako mula sa likuran ko, nagalusan man ay ipagpapasalamat ko dahil ligtas.

Kumakalabog ang dibdib ko sa tuwing lilipat ako ng bangkay. Di pwede. Hindi pwede, papakasal pa sya sakin. Lord please wag. Huling bangkay na at wala akong nakitang maganda babaeng bumihag ng puso ko, napaluhod nalang ako sa panglalambot dahil sa kaba at the same time ay tuwa dahil wala dito ang girlfriend ko.

"Sir, sir. Tatagan nyo po ang loob nyo," Ani ni Cedric. "Buhay pa po si Ericka, manalig po kayo."

Kinuha ko yung cellphone ko at dinaial ang phone number nito pero cannot be reached. Tangina naman!!!

Asan kaba love? Nagaalala ako sayo. Love please. Sa di inaasahan ay pumatak na ang mga luha ko na kanina pang gustong kumawala.

TANGINA HINDI!!!! Nakita ko ang magandang babae na buhat buhat ng isang rescuers. Madapa dapa akong lumapit, tila nahulog ang puso ko sa sobrang kaba.

Patuloy lang sa pagagos ang luha ko, dahan dahan nya itong nilapag sa sahig.

"Ikaw po ba ang pamilya? Pinaka natakluban po sya ng mga gumuhong pader kaya nahirapan kaming kunin sya. Pagkuha po namin sa kanya wala na po syang buhay."

PUTANGINAAA!!!

Kahit nanlalambot ako ay buong lakas akong tumayo sa pagkakaluhod at agad na kwinelyuhan ang rescuers.

"Putangina, bawiin mo yang sinabi mo, hindi pa patay ang misis ko." Halos basag na ang boses ko dahil sa pagiyak.

"Sir, sir, tama na po." Pangaawat ni Cedric. Binitawan ko yung rescuers, sa pagkakataong to ay humagulgol na ako sa pagiyak. Agad kong kinwelyuhan si Cedric.

"Buhay pa si Ericka, Cedric." Garalgal kong sambit.

"Sir, dalhin po natin si Ericka sa hospital," ani nito. "May kaunting pulso pa po si Ericka." Nang marinig ko yun ay dali dali kong binitawan si Cedric at agad na binuhat si Ericka papunta sa kotse. Nagmadali namang nagmaneho si Cedric.

Nasa backseat kami nakaupo ni Ericka, nakahiga sya sakin habang hawak ko ang mga kamay nya.

Love, love please wag moko iwan. Please love.

Paulit ulit kong bulong sa mga tenga nya habang umiiyak.

Pagdating palang namin sa hospital ay agad na isinugod sa e.r si Ericka, walang pagsidlan yung kaba ko. Paulit ulit akong nagdasal na sana maging maayos ang lahat, sana malampasan namin ang malaking pagsubok na ito.

Paikot ikot ako sa labas ng e.r para akong masisiraan ng ulo, love lumaban ka para sayo, para sakin, para samin. Ilang minuto lang ay dumating sila mama.

"Anak, ano kamusta si Ericka?" Agad kong niyakap si Mama ng sobrang higpit habang humahagulgol ng iyak.

"M-m-ma s-si Ericka. Ayoko syang m-mawala." Basag kong sambit.

"Shhh anak, magiging okay ang lahat," hinalikan ni mama ang ulo ko. "Tax anak, bili mo ng tubig ang kuya dali na pasama ka kay papa." Sambit ni mama habang nakayakap parin sakin na patuloy na humahagulgol.

Ilang minuto ang lumipas ay agad na lumabas ang doctor, napabalikwas ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Kahit sobrang nanlalambot ang buong katawan ko ay pilit kong nilakasan ang loob ko. Magiging okay ang lah---

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon