5/7

11 0 0
                                    

"Anak, anak, uwi ka muna saatin. Ligo ka muna, kumaen at magpahinga. Kahapon kapa hindi kumakain." Nagising ako dahil kay Mama.

Pagmulat ko ay bumungad sakin ang babaeng nakahiga sa kabaong. Tangina hindi panaginip!!

"Love alis muna ako. Babalik ako agad, I love you." Sambit ko at hinalikan ang salamin ng kabaong nito.

Tumayo ako at dumeretso sa kotse ko, pumasok ako sa kwarto ko at naaamoy ko parin ang mabango nyang pabango. Tila naiwan yun kahapon bago kami umalis, I miss you love. Nakita kong nakatayo sa stand yung painting ng mukha ko na binigay nya, napaiyak nalang ako. Dapat hindi nalang ako nagbirthday. Kung di ako nagbirthday di dadating ang araw na to, yung mawawala sya sa buhay ko.


Pagtapos ko magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at nakita ko si kuya kumakain.

"Kev, kain ka muna tapos sabay na tayo punta don," Ani nito. Dahan dahan akong umupo sa hapagkainan. "Dalian mo maligo kana don sunod ako sa kwarto bibihisan kita maligo kana." Ani nito sa anak nyang lalaki.

"Nagparamdam sakin si Ericka sa panaginip kagabi." Nanlaki ang mata ko.

"Anong sabi kuya?" Tila batang naeexcite sa candy kong sambit.

"Sabi nya, 'Kuya magiingat kayo lagi, alagaan nyo si Kevin. Mamimiss ko kayo.' Tapos nagfade nalang bigla buong paligid." Napangiti ako. Mahal na mahal mo talaga ako love, sana sakin din magparamdam ka. "Kinilig ang kevin namin." Ani ni kuya.

"Ang sakit kuya." Halos pabulong kong sambit pero pinigilan kong wag maiyak.

Tinapik nya ang balikat ko, "I know sana kayanin mo, andito pa kaming nagmamahal sayo," Ani nito. "Tristan, tapos kana ba maligo?" Baling nito sa anak atsaka umalis. Di ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Agad na kaming dumiretso sa pinagbuburulan ni Ericka mangilan ngilan ang mga tao, kamaganak nila, kamaganak ko. Lumapit ako sa kabaong at agad na hinalikan ang salamin nito.

"Hi Love, andito nako. Namiss mo ba ko? Ako kasi miss na miss na kita," Ngumiti ako ng maalala ko yung panaginip ni kuya. Umupo ako sa tapat ng kabaong nya at hinimas himas ito. "Ikaw ha, pinapakilig moko. Pati sa panaginip ng iba pinaparamdam mo kung gano moko kamahal." Pangaasar ko sa kanya, tila parang may totoo akong kausap dahil tumatawa tawa pa ako habang kinakalabet ang kabaong.

Nagulat ako ng magsalita si tito,

"Hijo," tawag nito. Agad naman akong tumayo pero sumenyas sya na umupo daw ako ulit, humila sya ng upuan at agad na naupo sa tabi ko.

"Kamusta ka?" Wika nito.

"Okay lang po. Kayo po?"

"Okay din naman kahit papano."

"Sorry po tito, hindi ko sya nailigtas."

"Ano kaba, hindi mo naman kasalanan iyon. Hanga nga ako sayo eh, sabi ni Cedric napanood mo palang daw sa tv yung insidente tumakbo kana agad papunta sa anak ko. Sobrang swerte ng anak ko sayo, pero naniniwala ako na swerte din ang babaeng sunod mong mamahalin." Ani nito kasabay ay tinapik tapik nya ang balikat ko.

"Kung hindi lang din po si Ericka ay wag nalang po."

"Alam mo ba na napanaginipan naming magasawa si Ericka kagabi."

"Ano po sabi?

"Humihingi sya ng patawad sa maaga nyang pagkawala at wala man lang kami sa tabi nya. Sabi nya pa mahal na mahal nya kami ng mama nya. Sana daw ingatan namin sarili namin para maingatan ka din namin. Mahal na mahal ka ni Ericka." Napalingon ako sa kabaong na nasa harap ko at bahagyang napangiti.

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon