1/7

10 0 0
                                    

Iminulat ko yung mata ko ng kumalampag yung alarm ko. Sakit ng mata ko, umaga na agad parang kakatulog ko lang ah. Nakakainis, inumaga kasi kami sa gig.

Naghilamos ako at nagtoothbrush, kinuha ko yung cp ko para itext si Ericka.

To: Love

Love, gising nako. I'll just eat my breakfast tas liligo then sunduin na kita. Okay? I love you so much.

Napangiti nalang ako ng maalala ko si Ericka, its been 8 yrs nung una ko syang makilala. Isa syang SSC sa school namin. Kulot kulot sya, yung kulot nya ay maliliit kaya halos sabog yung buhok nya pero sobrang bagay sa kanya. Sobrang ganda nya! Yung mga mata nya na nakakabaliw. Ang sarap sarap titigan ng mga mata nya. 4thyr kami ng sagutin nya ako, nung una halos ayaw nya pa kasi priority nya ang pagaaral. Sabi ko sa kanya okay lang sakin kung mas priority nya ang pagaaral at pamilya. Natuwa naman sya. Sobrang saya ko nung sagutin nya ko.

Dati madalas akong magmura pero simula nung makilala ko si Ericka nalayo ako sa maimpluwensyang kabarkada, bisyo at madalas na pagmumura.

Naaalala ko pa sabi nya sakin nabasa nya daw sa bible na, "Darating ang Diyos habang umuulan ng apoy kaylangan natin tumakbo papunta sa kanya wag na wag tayo lilingon kundi magiging abo kasi ibig sabihin lang non na di tayo nagtitiwala sa kanya." Something ganon. Dami kong nalalaman sa kanya, tamad kasi talaga akong magsimba at lalo na magbasa ng bible. Nagbago lahat ng yun ng makilala ko sya. Ang babaeng malapit ko ng maging asawa.

Paglabas ko ng kwarto, nagkakagulo sila mama, mga pinsan ko, mga kapatid at mga tita. Ano bang nangyayare, yung mga kapatid ko nagaayos ng kurtina yung mga pinsan ko may dinidikit sa pader na balibaliktad na letter sila mama nagluluto at kung ano ano pa. Napalingon ako sa labas ng bahay, nakita ko sa terrace isang magandang dilag na nagpipinta. Nakataas na nakaipit ang kulot na kulot na buhok nito. At..wait.. nakapantulog?!

Sa sobrang abala nila di na nila ako napansin. Ano bang meron bat andito si Ericka ng ganito ka aga? At bakit andito mga tita ko.

Dahan dahan akong lumapit sa babaeng nasa terrace ng bahay namin. Nakikita kong nagmamadali na syang magpinta. Kumakawag ng mabilis ang mga paa nito na halatang tensyonado na. Nakatalikod sya sakin kaya hindi nya ako nakikita. Dahan dahan akong umupo at inilapit ang mukha ko sa bandang uluhan nito atsaka ko sya hinalikan sa machubby nyang cheeks.

Nagulat sya at agad na napalingon saakin, nakita kong gulat na gulat sya ng makita ako sa tabi nya at sa isang iglap ay pumatak ang mga luha nya.

"Love, bakit?" Napahagulgol na sya kaya agad ko syang niyakap. "Love tell me." Hindi sya sumasagot pero patuloy parin ang paghikbi nya habang nakayakap sakin. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko ng makita syang nasa ganong sitwasyon. Gusto kong magmura ng bigla syang magsalita.

"Bakit kana gising?" Bungad nya sakin. Ngayon ay pinupunasan nya ang mukha nya, pakiramdam ko nainlove na naman ako sa kanya. Kuminang ang mukha nya.

"What?! Tell me, what happened?" Kinakabahan kong tanong.

"Natapunan kasi ni Tax yung painting ko ng mukha mo kagabi eh kaya inulit ko kanina. Kaso dipa tapos." at umiyak na naman sya. Hinila ko sya papunta sakin at agad na niyakap ng mahigpit. Kitang kita ko ang pintura na nasa damit at mukha nya.

"What a relief. Pwew. Love its okay. Kala ko anong nangyare sayo eh." Hinalikan ko sya sa noo.

"Love its not okay." At umiyak na naman sya. Shet! Ang cute!

Nakaharap ako sa gate namin kaya nakita kong pumasok ng gate si papa at sila tito. Ano ba talaga nangyayare!!!

"Pucha!!!! Gising na si Kevin!!" Sigaw ni Papa. Ha? Nacoma ba ko? Nagtakbuhan sila palabas ng bahay.

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon