[7] Date w/Jerome

104 2 0
                                    

Nakita ko si Jerome na nakasandal sa may Kotse niya? Agad ko siyang pinuntahan

"Jerome sorry" sabi ko sa kanya? Kasi naman late ako eh baka mamaya galit na ito di na naman ako pansinin

"Ok lang sakay na" sumakay na ako sa may kotse niya at nag simula na siyang mag paandar ng kotse.. Yan na naman yung bumabalot sa amin na katahimikan kaya binasag niya yun

"Pwede kaba bukas Venice" tanung niya sa akin

"Hmm.. saan ba pupunta" syempre lalabas kayo Venice hay naku

"Lalabas" umoo na lang ako kasi wala din akong kasama bukas si Gail may lakad sila ni Lance yung maids namin magbabakasyon edi ako maiwan bukas mag isa. Pagdating sa tapat ng bahay bumaba na ako

"Susunduin na lang kita" sabi niya at pinaharurot ang kotse? Pag pasok ko nandito na naman si Lance

"Ohh? Nanjan kana pala" sabi ni Gail sabay sabunot kay Lance

"Hindi anino ko lang to Gail" tumawa naman ng malakas si Lance kay ayun nag habulan sila.. Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga ipinikit ang mata at bagsak na..

Kinabukasan

"Venice wake up" napadilat ako at bumangon

"Bakit" reklamo ko kasi naman natutulog pa ako eh nang gigising na siya

"Aba si Jerome mo nanjan na" napatayo agad ako at pumunta ng CR agad agad naligo at nag bihis pag baba ko nakatingin lang siya sa akin

"Problema mo" tanung ko sa kanya kanina pa kasi siya ganyan eh nakatingin lang sa akin

"Wala. Ampanget mo kasi" sabay tawa niya. Hinabol ko siya pero ang bilis niya

"Isip bata kayo umalis na nga kayo" sabi ni Gail kaya nag tawanan kami ni Jerome. Pagsakay ko ng kotse niya pinaandar na niya agad tapos ambilis pa

"Pwede bang dahan dahan lang" reklamo ko sa kanya kasi halos mabangga na kami dito eh

"Ayoko nga" Mommy help me papatayin ako nitong mokong na ito

"Ayoko pa mamatay Jerome" bigla niyang hininto at humarap sa akin

"Bakit naman kita papatayin di pa nga kita nagiging asawa papatayin na kita tsaka na pag nabigyan mona ako ng mga anak" sabay kindat.. Inirapan ko siya at tumingin na lang sa may bintana piling ko kasi medyo kinilig ako hahaha

"Baba na honey" bumaba na lang ako at pagpasok sa mall nakatingin yung mga tao dito.. Oo nga pala sa amin tong mall na ito

"Bakit nakatingin sila sayo" tanung ni Jerome sa akin

"Malay ko ba" may narinig din akong bulungan

"Diba yan yung anak nung may ari nitong mall"
"Boyfriend niya kaya yung kasama niya"
"Ang swerte niya naman ang gwapo"

Tumingin ako kay Jerome ayun ngumiti ang loko at tinaas baba pa ang mga kilay

"Anung gusto mo Jerome" tanung ko sa kanya

"Ice Cream" pfft.. Isip bata ba to o Badboy talaga

"Ice Cream nagpapatawa kaba" bigla niya akong binatukan

"Huy di ako Isip bata" asar niyang sabi

"Edi hindi kana isip bata dun tayo" pumunta kami sa may Ice Cream at bumili kasi naman tong lalaking to eh

"Ohh Ice Cream mo Hahaha" tinignan niya ako ng masama kaya tumahimik na lang ako

"Dun tayo sa park" sabi ko sa kanya buti umoo naman siya kaya sumakay na kami sa kotse niya at nag simula nang paandarin ang kotse. Pag dating ang daming tao yung iba mag kasintahan yung iba mag papamilya

"Inggit ka pwede naman tayo ah" tinignan ko ng masama si Jerome kaya natawa naman to baliw talaga

"Upo na lang tayo dito" nag nod siya pumunta kami sa may upuan syempre pang dalawahan lang to edi mag katabi kami ngayon

"Jerome may tao kana bang minahal yung todo" bigla siyang natahimik anu bang klaseng tanung yun

"Sorry" pagpapasensya ko kasi naman natanung ko pa

"Hindi ok lang" nag simula na siyang mag kwento tungkol dun sa nanloko sa kanya

Jerome's POV

"Oo meron na? Actually binigay ko lahat sa kanya pero niloko niya lang ako ginamit niya lang ako para sumikat siya"

-Flashback-

"Hi babe" sabi ko sa kanya at hinalikan sa pisngi

"Anu ba Jerome" yan ang boses niyang nanlalamig na sa akin

"Bakit" tanung ko sa kanya kasi matagal na siyang ganyan

"Alam mo Jerome mag break na lang tayo" hindi ko alam ang sasabihin ko piling ko gugunaw ang mundo ko dahil sa sinabi niya

"Cassandra pag usapan naman natin to" lumuhod ako sa kanya at nagmamakaawang wag makipag hiwalay sa kanya

"BITAWAN MO NGA AKO JEROME" Umalis na siya at ako naiwang luhaan nung nakipag break siya hindi kona alam ang gagawin ko sa buhay ko

-End of Flashback-

Naramdaman kong may luhang tumulo sa mga mata ko at agad ko naman tong pinunasan

"J-jerome sorry talaga" bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko din siya pabalik

"Jerome uwi na kaya tayo" nag nod ako at sumakay na ng kotse. Tahimik lang ako dito si Venice naman nakatingin lang sa kawalan. Pag dating sa kanila bumaba na siya at nag paalam na ako.

----

I'm Princess And My 7 Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon