STAMB 50

8K 153 14
                                    

Its been three days since Maxwell left para sa business trip nya sa Europe. Kami ni Jae at nila nanang ang nagpapalit palit para sa pag babantay kay Kreesa.

Ang sabi ni Leo sa akin kreesa is going better now. Magpasalamat nga daw talaga kami dahil hindi napuruhan ng ganong kalala si Kreesa sa ulo.

Sabi din ni Leo one of these days pwede nang nagising si Kreesa. Yung mga injury nalang nya sa katawan ang hinihintay na maghilom at tuluyan ng gumaling at tuloy tuloy na daw ang pag galing ni Kreesa.

And syempre nakakaabot kay boss yon. Tangina eh walang pinapalampas yon. Simula nung umalis sya puro tawag or message ang natatanggap namin sa kanya.

"Amanda are you ready? Tara na at naghihintay sila Nanang doon." Yaya ko kay Amanda.

"Oo na eto na. Naglalagay nalang ako ng pagkain sa tupperware. Matakaw ka pa naman. Gusto lamon lamon." reklamo nya habang naglalakad palapit sakin.

"Eh ikaw tulog ng tulog ng tulog TSS. Tara na!" yaya ko ulit sa kanya.

"Eto na nga po kamahalan" nakangiting sagot nya.

Damn that smile!

Hey Van anong nangyayari sayo? She just smile pero ikaw akala mo namahika kana!

"Fvck!" I hissed.

"Anong fvck?!?! Inaano ba kita ha?!" sigaw nya.

"Wala. Sakay na." saad ko sabay sakay sa driver seat at sumakay na din sya sa passenger seat na nakasimangot.

Palihim akong napangiti. Childish.

-

Exact 11:00am ng makarating kami ni Amanda sa hospital. Andon pa din sila nanang habang nag aayos gamit nila.

"Oh iho. Andito na pala kayo. Mauuna na kami ha? Ilang araw nalang e babalik na si Kyle kaya kailangan naming maglinis. At malapit na ding magising si Kreesa." Nakangiting saad ni nanang.

"Opo. Ingat po kayo." sagot ko.

"Ingat po kayo nanang." Dagdag naman ni Amanda.

Pagkalabas nila nanang e umupo na ako sa tabi ni Kreesa.

Si Amanda naman nilagay na sa dapat kalalagyan yung mga pagkaing dala namin.

Sa totoo nga masaya ako na kinakabahan sa pag gising ni Kreesa.

Pero ang pag asa nalang namin e. Ang tiwala kay Kreesa na matatanggap nya talaga kami.

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Kreesa ng sobra.

"Van?" Tawag sakin ni Amanda.

"Hm?" sagot ko sabay tingin sa kanya.

"Gusto mo ba si Kreesa?" tanong nya na parang naguguluhan.

"Uhm sa totoo lang. Before yes nagustuhan ko si Kreesa. She's beautiful inside and out. Sobrang masayahin na tao. Just her smile make us calm. Were so thankful that God gave kreesa to us. Marami talagang nagbago. Pero dati yon. Ayoko pang lagutan ng buhay kay Maxwell." sagot ko.

"Ah okay." matipid nyang sagot.

"Pahingi ngang pagkain nagugutom ako!" Saad ko.

"Sinasabi ko na nga ba e." Nakangisi nyang sagot.

Nagready nga sya ng pagkain sa plate then inabot sa akin. I admitted that masarap talagang magluto tong si Amanda.

"Oh reklareklamo tapos lalamon din."

SOLD TO A MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now