CHAPTER 5

11 0 0
                                    

V. Stay Away From Me

TACK ~

-

"Anong ngiti naman 'yan, dude?" Nakataas ang kilay na tanong sa 'kin ni K. Mas lalo akong napangiti, "puta.. naka-shabu ka ba?" Binatukan ko si K dahil sa sinabi niya. OA talaga.

"Gago, hindi." Nakangiwing hinimas niya ang batok niya.

"Eh 'di ano palang nginingiti-ngiti mo diyan? Para ka talagang tanga. Ang sakit nun, ha?" Nakangiwi pa ring sabi niya.

"Okay na kasi kami ni Spain." Mas lalo akong napangiti sa isiping iyon. Mabilis akong hinila ni K paharap sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niya.

"Weh? Talaga? As in? Kayo na ulit? Paano, dude?" Ako naman ang napangiwi sa dami ng tanong niya, "hoy! Paano nga? Sinabi ba niya kung bakit siya umalis? Bakit ka raw niya pinalayo?" OA talaga, tss.

Pero wala akong choice kundi ang ikuwento sa kaniya lahat. Lahat lahat.

"Eh paano kapag nalaman ng daddy niya, dude? Siguradong patay ka." Seryosong sabi ni K. Nawala ang ngiti ko at sumeryoso rin.

"Ipaglalaban ko siya, malamang. Kahit pa umabot sa puntong ipabugbog rin ako ng tatay niya." Napailing-iling si K sa sinabi ko.

"Iba na talaga ang epekto ng love na 'yan, tsk." She mumbled.

Ilang saglit lang ay dumating na si Spain. Agad akong napangiti nang makita siya. Pagkaupo niya sa upuan niya ay mabilis akong dumungaw saka siya biningyan ng mabilis na halik sa pisngi.

"Good morning, Vae." Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya tapos ay napangiti siya. Umikot siya paharap sa 'kin at ako naman ang hinalikan niya sa pisngi.

"And good morning too, Vae." Nagkangitian kaming dalawa. Na-miss ko 'to. Ang maging kami ulit.

"Shit, ito ang ayaw ko sa inyo, eh. Masiyado kayong PDA! Pwede ba?" Parang nasusukang sabi ni K kaya napalingon kami sa kaniya.

"Hi, Kayela." Natatawang sabi ni Spain kaya napangiwi si K.

"Yo Espanya." Si Spain naman ang napangiwi. At nag-asaran na nga sila. Nakangiti lang ako habang nakamasid sa kanila. Sana.. hindi na magtapos ito. Sana.. ganito na lang lagi. Walang bawal.. walang hindrances. 'Yung ganito lang. Masaya at walang iniisip na problema.

~

"Vae." Napangiti na agad ako sa itinawag sa 'kin ni Spain.

"Hmm?"

"Concentrate. Hindi tayo matatapos nito." Natatawang bulong niya pa kaya lihim akong napanguso. Nandito kasi kami sa library at nagri-research kami para sa essay namin, "I'm done. Kumusta 'yung sa 'yo?" Akmang sisilipin ni Spain ang papel ko pero mabilis ko na iyong inilayo sa kaniya.

"'Wag mong tingnan. Matatapos na ako."

"Titingnan ko lang naman. Akala naman nito mangongopya ako. Tapos na ako, uy!" Iwinagayway pa niya sa harapan ko ang papel niya. Kinindatan ko lang siya at tinapos ang essay ko. Nang matapos ako ay sabay na kaming lumabas ng library.

"Sa canteen muna tayo. May five minutes pa naman tayo, eh."

"Kahit saan mo gustong pumunta, Vae, okay lang. As long as kasama kita." Namumula ang pisnging kinurot ako sa tagiliran ni Spain. Natatawang hinawakan ko naman ang kamay niya. Ganyan kasi 'yan kapag kinikilig. Nangungurot.

"Magtigil ka, Señerez."

"Oo na po, Mrs. Señerez."

Natigil sa paglalakad si Spain at nakaawang ang labing nilingon ako.

Stay Away From Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon