EPILOGUE

9 0 0
                                    

After 5 years...

TACK ~

-

"Mamayang 10:30 AM, Sir, ay may business meeting kayo kay Mr. Lee. Mamayang lunch ay sa Spade Org. Then at 2PM.. may dadaluhan po kayong photoshoot para sa Bachelor's Magazine. Then at 7PM, Silver Anniversary po ng Hiwaga Organization and you also need to attend po." Umikot ako at humarap sa glass wall ng office ko kung saan kita ko ang naglalakihang building dito sa Manila.

"Cancel all my appointments, Stacy."

"B-But, Sir, sobrang hectic na po ang schedule ng ibang—"

"Stacy."

"O-Okay, Sir, noted. P-Pero Sir.. pakipermahan na lang po ang mga ito." Napabuntung-hininga ako saka umikot para pirmahan ang sinasabi ni Stacy. Binasa ko lahat ng iyon bago pinermahan. Pagkatapos ay ibinigay ko iyon sa kaniya.

"Don't accept any appointments for today, okay?" Mabilis itong tumango. Sinenyasan ko lang siyang lumabas. Umikot ulit ako paharap sa glass wall. Nakasandal lang ako sa swivel chair ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harapan ko.

5 years ago.. hindi ko nakikita ang sarili kong nakaupo sa isang desk at tinatawag na Sir.

5 years ago.. hindi ko nakikita ang sarili kong pumipirma ng mga papeles.

5 years ago.. wala akong pangarap. Wala akong maisip na future para sa sarili ko.

But also 5 years ago.. napag-isipan kong magplano para sa aming dalawa ng babaeng matagal kong hinihintay. Napapikit ako, at sa pagpikit ng mga mata ko ay agad rumehistro sa utak ko ang nakangiting mukha ng babaeng hanggang ngayon ay laman ng puso't isipan ko.

Kumusta na kaya siya?

Nananatili akong nakaupo at inirerelax ang sarili ko. I've been working my ass off as soon as I graduated in college. I took up Business Administration and graduated as Magna Cum Laude. Masasabi kong may maipagmamalaki na ako ngayon dahil at the age of 24, isa na akong successful businessman.

I have a lot of connections all around Asia and Europe. At mas lalawak pa iyon sa pagdating ng panahon.

'Ngayon, Myan.. nararapat na ba ako para kay Spain?'

May kumatok sa pintuan. Napabuntung-hininga ako pero nananatiling sa glass wall nakaharap habang nakapikit pa rin ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kasabay non ang palakas ng palakas na huni ng takong na tumatama sa sahig ng office.

"Stacy. I told you, no more appointments, didn't I?" Mahinahon ang boses ko kaya natigil sa paghakbang si Stacy, "wala munang appointments ngayon dahil—"

"Really? Kahit pa man ako ang makakaharap mo?"

My eyes snapped open when I heard that very familiar voice. Mabilis rin akong umikot paharap sa kaniya at napanganga nang isang magandang babae ang bumungad sa 'kin. She's wearing a formal suit and a pointed heels. Nakalugay lang ang mahaba at itim niyang buhok. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.

Napalunok ako at walang imik na tumayo at mabilis siyang sinalubong ng yakap. Sobrang higpit niyon dahil ayaw kong isiping baka panaginip lang ito.

"S-Spain.." I whispered at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya.

"W-Whoa, easy there boy." Natatawang sabi niya sa 'kin kaya bahagya akong lumayo sa kaniya. May magandang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa mukha ko, "sobrang gwapo mo na pala sa personal." wala sa sariling bulong niya kaya napangiti ako, "I wonder kung wala ka pang girlfriend." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

Stay Away From Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon