Chapter Three

14 1 12
                                    

NIEZELA'S POV

Naglalakad-lakad lang kami ni Kenya around the mall bitbit ang mga binili naming damit nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na hawak-hawak niya. In-unlock niya ito at binasa ang message.

"Who is it? Anong sabi?" Tanong ko sa kanya nang maramdaman ko ang panic sa kanya pagkabasa niya ng mensahe. Napahinto kami sa paglalakad.

Humarap siya sa akin at, "I need to go back to the company now. May emergency meeting daw sabi ng secretary ni tita."

"Oh. You should go now, then." Sagot ko. Hindi naman pwedeng wala siya doon kasi siya ang general manager ng company nila at mukhang emergency talaga.

Nakita ko naman ang pag-aalala sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Paano ka? What if may mangyari sa'yo?"

"Kenjie Corpuz, masyado kang OA. I'm a grown up woman. I can handle myself. I'll just stay here a little longer dahil ayoko pang umuwi." Natawa ako sa pagiging OA
niya, as always, pero kahit ganoon, mahal na mahal ko yan. Kahit dugong berde yan, di pa rin non naalis ang pagiging over protective sa akin lalo na't sabay kaming lumaki, tumayo siya bilang ate at kuya ko.

"You should get going na. Baka mapagalitan ka pa. Tsupi." Pangtataboy ko sa kanya na may kasama pang hand gesture.

"Fine." Irap niya sa akin. "Umuwi ka na rin agad ah and be careful on your way home. Bye."

Nagbeso muna kaming dalawa bago siya nanakbo pababa para pumunta sa parking lot.

Nakatayo lang ako sa pwesto ko at tumitig sa kanyang papalayong pigura. Kitang-kita ang ganda ng kanyang katawan kahit na hindi siya ganoon katangkaran. With that broad shoulders, yummy biceps and rotund ass. Di na kataka-takang habulin siya ng mga babae nung high school at college kami.
Kahit kasi na moreno siya di mo maipagkakaila ang kagwapuhan niya na sa unang tingin ay di mo aakalaing bakla siya.

Ang gwapong bakla, sayang na sayang.

I just hope na dumating na ang babaeng gigising sa kanya sa katotohanan.

Napailing-iling na lang ako sa mga naisip ko at nagsimula na ulit maglakad.

Tumitingin ako sa mga nadadaanang boutiques nang biglang bumangga sa akin ang kakasalubong kong tao. Medyo napalakas ang pagkakabunggo sa akin kaya napaatras ako, dala na rin ng gulat.

"Hey!" Kunot-noong sigaw ko sa nakabungguan ko. "Tignan mo naman dinadaanan mo", hindi ko makita ang reaksyon niya lalo na't may suot siyang shades at mask, tapos nakasuot pa sa ulo niya iyong hood ng hoodie na suot niya.

Nakayuko lang siya sa harapan ko at parang mas tinatago sa akin ang mukha. Nakasuot siya ng itim na mask, itim na shades, itim na hoodie, black ripped jeans and black timberland boots. O-kay? What's with the all-black outfit? Nasa bulsa ang kanang kamay niya while he's holding a paper bag on his left hand na may tatak ng isang sikat na clothing line. Yes, he's a guy, based on his body structures. He's tall, mga 5"10 siguro ang height niya.

Okay, Niezela, stop checking him out.

"I'm sorry", mahina at nakayuko pa ring sabi niya.

Medyo nakakaagaw na kami ng pansin, nasa  daanan ba naman kami, kaya huminga ako ng malalim at tumango na lang sa kanya bago nagsimula ulit maglakad.

Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang lumingon ako sa likod ko upang tignan siya. Nakita ko namang nakatayo pa rin siya doon sa pwesto na pinag-iwanan ko sa kanya. Napakunot-noo ako nang pagmasdan ko ulit ang buong katawan niya. Teka. Why does he look so familiar?

I just shrugged at that thought, naeewan lang siguro ako.

Napagpasyahan ko na umuwi na lang kaya dumiretso ako sa supermarket para kunin ang mga pinamili namin kanina para makauwi na.

I parked my car in our garage and I noticed na wala ang kotse doon ni Savannah. Mukhang wala siya ngayon sa bahay. That's great, then.

Kinuha ko lahat ng mga pinamili ko sa backseat pagkalabas ng sasakyan saka pumasok sa loob ng bahay.

"Manang Leda!" I called our mayordoma as soon as I stepped inside our house.

Nagmamadaling lumabas galing kusina si manang na may hawak pang sandok, "Jusko kang bata ka! Papatayin mo ko sa gulat!" Hinihingal pa siya dahil sa pagtakbong ginawa.

Natawa ako at nag-peace sign sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim saka ulit nagsalita, "Bakit mo ba ako tinawag? May kailangan ka ba?"

Inabot ko sa kanya ang isang paper bag na naglalaman ng isang damit na pinamili ko para sa kanya, "Here."

"Ano nanaman ba ito, Reese? Aba'y ang dami mo nang naibigay sa akin ah!" Sabi niya pagkakuha sa paper bag, medyo nag-alangan pa siya.

"I just saw it while roaming around the mall, and naisip ko na bagay sayo yan, that's why I bought it" kibit-balikat kong sagot. Pero ang totoo, gusto ko lang talagang bumawi sa lahat ng nagawa niya para sa akin magmula noong isinilang ako hanggang ngayon.

"Anyways, I'll go to my room na." Nginitian ko si manang saka nagmamadaling umakyat sa kwarto bitbit ang mga binili ko.

Pagkapasok ko sa loob ay naramdaman kong sobrang gumaan ang pakiramdam ko. This is my safe haven. Dumiretso ako sa may round table dito sa kwarto ko para ilapag doon ang mga pinamili ko, magpapahinga at mag-aayos muna ako saglit ng sarili ko saka ko yon aayusin.

Ginawa ko na ang kailangan kong gawin, naligo ako at nagbabad saglit sa bath tub saka lumabas para magbihis at magpatuyo ng buhok.

After that, ay humilata na ako sa kama para magpahinga. Napagod ako sa paglilibot na ginawa namin kanina.

Tumihaya ako at napangiti na lang sa nakita ko. Mga pictures ni Kyrix. Pinuno ko ng pictures niya ang kisame na katapat ng kama ko samantalang mga pictures naman ng buong DELUXX ang decoration sa taas ng headboard ng kama ko. May mga picture frame din sila na nakalagay sa study table ko katabi ng mga pictures ko.

Tuwing may problema ako ay magkukulong lang ako dito sa kwarto at tititigan ang pictures niya pati na rin ng ibang members or kaya'y makikinig lang ako ng mga kanta nila at pagkatapos ay mararamdaman ko na lang na gumagaan na ang pakiramdam ko. But don't get me wrong, I also pray.

Napadako ang tingin ko sa isang picture ni Kyrix na nakasuot siya ng pamilyar na plain black hoodie. Naka-upo siya doon at may suot na headset habang nakahalukipkip at nakapikit, sa pagkakaalala ko ay si Zeus ang kumuha ng litrato na to.

Kunot-noo kong tinitigan ang picture na yon habang pilit na inaalala kung saan ko ba nakita ang damit na yon. Saan ko nga ba nakita yon?

Black hoodie, black hoodie, black hoo---

Napaupo ako at nanlalaki ang mata nang maalala ko ang nangyari kanina sa mall. May nakabungguan akong lalaki na may suot na black hoodie!

Could it be him?

Pero may mabibili namang black hoodie sa mga mall kaya baka ibang tao iyon. But, why is he wearing a mask and a shades then?

Sino namang tao na nasa matinong pag-iisip ang magsusuot ng ganon e nasa loob siya ng mall?

It's either magnanakaw siya or may pinagtataguang tao. Or baka naman nagtatago sa mga paparazzi?

"Aghh" frustrated kong ginulo ang buhok ko saka padapang humiga ulit sa kama.

Nababaliw ka na, Niezela Reese.

You're just excited to see him again. Itulog mo na lang yan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exquisite Nightmare Where stories live. Discover now