Nasa park ako ngayon kung san madalas kaming tumambay ni bakla Hayys nasan na ba kasi yun taong yun at bigla nalang nang iiwan , akala ko sa mag jowa lang ang salitang ''walang poreber'' pwede din pala sya sa mag kaibigan hmft akalain mo ba naman bigla nalang mawawala tsk . Wala din naman akong gagawin sa bahay kaya iidlip muna ako habang nagsosoundtrip ng biglang may tumabi saken
''Faithy , gising ka ba ?'' Kaloka tong si bakla magpapanic na sana ko buti nalang nakilala ko yung boses nya Hmmm hindi ko nga sya kikibuin kunyare tulog ako manigas sya
Busy ang lola nyo sa pag papangap na tulog ng biglang nagsalita si bakla.
''Faithy , alam kung tulog ka kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob sabihin to sayo , alam ko naman na pag sinabi ko to ng harapan maaring ikasira ng friendship naten to'' sabi nya
''Faith ................ Mahal kita'' yung mga salitang sinabi nya ang dahilan kung bakit gustong gusto ku ng mag mulat pero tinitiis ko kase alam kong mag nonobela pa sya pero deep in side gusto ko na syang talunin at yakapin .
''faith mahal kita , mahal kita hindi bilang kaibigan kundi bilang isang lalake Mahal kita simula nung una palang Alam ko nagtataka kung pano at baket ? Pero ako hindi ko alam ang sagot kase nga dahil sa kasarian ko'' sabi nya , naramdaman ko syang humiga sa tabi ko at humarap saken Yung tipong tinititigan ako .
''alam ko magulo , kase kahit ako naguguluhan din sa nararamdaman ko Akala ko nuon kaya ako nakipag kaibigan sayo kase naiingit ako sa mga kilay mo , sa matangos mong ilong , sa mga biluging mung mga mata at sa manipis mung mga labi . Pero habang tumatagal na realise ko na hindi pala inggit tong nararamdaman ko Love pala to , mahal na pala kita'' madadamim sabi nya At feeling ko talaga na gusto ko ng imulat ang mga mata ko at umamin na din sakanya Kaya lang alam kong may kasunod pa pero bakla Mahal din kita . Mahal na mahal yan yung mga salita na gusto kong isigaw sakanya .
''natatakot akong umamin sayo kase alangan ako maraming what ifs at pano na gumugulo sa isipan ko Naisip ko yung kasarian ko , Pano ako magmamahal ng isang kagaya mo? i mean ramdam ko sa sarili ko na binabae ako pero pag naririnig ko ang tibok ng puso ko pangalan mo ang isinisigaw nito''
Ugh nakakaloka na talaga naiihi nako sa kilig dito parang gusto ko nang sumayaw ng ''budots'' sa sobrang kilig ko Konting tiis pa hindi pa sya tapos .
''siguro kailangan ko din magpasalamat kay tristan dun ko lang narealise sa sarili ko na nag seselos na pala ako , umft kahet gwapo sya nakakainis'' kainis tong baklang to ayus na sana bigla ba namang lumandi kurutin kita sa singit eh
''nung nakikita kitang masaya pag kasama sya okaya naman kapag ginagawa nyo yung mga baggay na dati tayo ang gumagawa nasasaktan ako Feeling ko ninakawan ako ng candy na paborito ko ''
Naramdaman kong bigla sya umupo sa aking tabi Akala ko nga aalis na sya .
''Siguro nga pilit kong binabale wala itong nararamdaman ko Kase pilit kung binabalik yung dating ako Kaya naisip kong makipag kita sa mga lalakeng natitipuhan ko pero pag andun na ikaw parin ang bukang bibig ko .Ikaw ang lagi kung kinekwento sa kanila kaya huminto nako Pero huli na pala kase napalapit ka na kay tristan hindi na ako yung hinahanap mo , yung sinusundo mo ko at yung kasama sa mga kalokohan mo kaya napag isip isip ko na lumayo nalang muna At kapag naramdaman kung bumalik nako sa dati ikaw ang una kong lalapitan" siguradong sabi nya Pero nasasaktan ako Parang gusto ko syang jombagin tong baklang to Aamin tas lalayas .
''Bye faith ! Mahal kita kaya lang minsan may bagay talaga na hindi para saten at kailangan ng i let go'' sabi nya at patayo na syang aalis .
Ng bigla akong nagmulat at hinila sya.
''Ano?! Aalis ka? Pagkatapos mokong pakiligin! Iiwan moko?!''Nagulat sya at natulala
"Faith , gising ka?" nauutal nyang sabi
"Ahh oo naman , bakit feeling mo tulog ako?" sabi ko pero deep inside kinkilig ako .
"ah eh --- ossya sige aalis na muna ako mukang naistorbo kita eh"
"bakla sandali naman totoo ba yung sinabi mo na mahal mo ko o na guilty ka lang " tanong ko kahit alangan ako sa magiging sagot nya
"aish anong tingin mo nag dradrama lang ako syempre totoo no"
"ihhhhh nemen eh" kinikilig na sabi ko habang lumapit na sa kanya at yumakap na sa braso nya .
"ikaw ah , mahal mo pala ako pa choosey ka pa "
" tsk oo mahal kita sobra " naiinis na nahihiya nyang sinabi "pero matatangap mo ba ko kahit ganto ako I mean alam mo na gay , baklush , bakla or sirena "
"luh nagdrama oo naman tangap ko kahit ganyan ka Mahal kita eh walng mag babago kahit ano ka pa o sino kapa "
sabi ko habang yakap na sya" I love you Bakla "
The end
A/n : thankyou sa pag babasa kung meron man .. Till next time guys 💋
BINABASA MO ANG
Mahal kita , BAKLA ! (FOURSHOTS) Completed
RomanceMatutunan kaya akong mahalin nang taong pusong Babae na natrap sa katawan nang isang gwapong lalaki ?? Sa tingin nyo ? 😃😃😃😂