Kabanata 1

9 2 0
                                    

The Result

Lillia's PoV

"Lili Gising kana may Pasok kapa Malelate kana!" Sigaw ni Mama sakin pagkapasok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma, Masama po pakiramdam ko." Which is true, nung isang araw pa masakit and katawan ko. At hindi ko din alam kung bakit...

"Nung isang araw pa daw yan Sabi ni Vince?" Tanong nila.

"Hmmm... Kaya nga po ayaw kong pumasok eh" Busangot kong sabi.

"Mag papacheck up ka ngayun ha!" Sabi ni mama bago lumabas sa kwarto ko.

Tinutoo nga ni Mama ang sinabi niya na pupunta kami ng Doctor Ngayun. Habang nag hihintay kami sa labas ay Nasusuka na ako. Tiniis ko nalang dahil susunod na akong tawagin.

"Ms. Lillia Romansana?" Pagkarinig ko ng pangalan ko ay Agad kaming Pinapasok ng Secretary ata ng Doctor ngayun.

"Good Morning Ms. Lilllia Romansana?" Bati Saamin ng Doctor

"And Your Her Guardian Right?" Sabay tingin niya kay Mama.

"Yes Doc." Sagot ko.

"So... Anong Problema Ms. Lillia?" The Doctor Asked Me.

"Uhmm... Madalas pong Akong Mang hina at tiyaka po Namumutla po ako at madalas mahilo at walang gana sa pagkain at madalas din po akong Mapagod." Sabi ko kay Doc. Si Mama naman ay nakikinig lang.

"Hmmm... Mukhang alam ko na itong Disease na ito kukuhanan kalang namin ng Dugo Hija ha at Tatawagan ko nalang kayu kong na release na ang resulta sa ngayun Reresatahan mo na kita..."
Sabi nung doctor.

Pagkatapos akong kuhanan ng Dugo ay Bumili muna kami ng Gamot at kumain sa Malapit na Resto.

After 1 Month

Makaraan ang apat na Linggo ay Lagi na akong pinupuntahan ni Vince, hatid sundo ako lagi nun at madalas na kaming  Mag Date sa labas...

At Wala pa siyang alam sa Lagay ko ngayun ......

(Flashback)

Makaraan ang 2 linggo'ng kakahintay ng Resulta ay Kanina lang kami tinawagan para Kunin ang Resulta ng Test saakin
Kasama ko na ngayun si Mama at Papa,
Nagdadrive si Papa ngayun at ako ay ka text si Vince tinatanong kung Saan daw kami pupunta ang sabi ko naman ay, magsisimba lang kami dahil linggo naman ngayun.

Pag kalabas namin ng Sasakyan ay Pumasok na kami sa Hospital para tignan ang Resulta. Pag ka akyat namin sa Tamang Lapag ay Dumiretso na kami Sa Office ng Doctor ako naman ay kinakabahan sa Magiging Resulta.

"Good Morning Mr. And Mrs. Romansana,
Hindi na ako mag papaliguy liguy pa at sasabahin ko na sainyo ang resulta" Sabi ng Doctor.

"Base sa Resulta ng Tinest namin sayu ay Meron kang Cancer sa Dugo at Stage 3 na ito bibigyan kanalang namin ng Dalawang taon para mabuhay." Para akong Dinaganan ng Langit at lupa sa Sinabi ng Doctor. Si Mama naman Humangul ngul nalang sa iyak Si papa naman ay Kinakausap ang Doctor kung Mali daw ba ang result na Lumabas.

(End of Flashback)

11:11 Make a Wish (One Shot)Where stories live. Discover now