Still Shy's POV
"Oy panget na bakulaw! Kuha mokong tubig daliii uuhaw ako" pagpapa cute kong utos sa kanya
"Sino? Ako ba? Tignan mo ngang ang dami kong bitbit bwiset kang babae ka kumuha ka mag isa mo" pag susungit niya
"Sige na please" nag puppy eyes na ako ha? Nyeta pumayag kana
"Fine, ok fine but in one condition" ngumisi ito sakin
"ano?" taas kilay kong tanong
"asdfghjkl mo muna ako" bulong nya
Uy anung kabulbolan yan? Arte ayaw pang ikuha nalang ako daig pa ang bakla eh
"ANONG SABI MO?" napalakas ung pagkasabi ko kaya nagtinginan lahat sakin, omo kakahiya kainis kasi toh
Oh tignan moto tatanga tanga di pa sabihin
"sabi ko mag Arcade tayo" napangiti ako sa sinabi niya
"Sige ba pagkatapos nyan bigyan moko water" marahan siyang tumango saka naglakad palabas
"oy san punta mo? Diba nandito yon?" napatigil siya sa paglakad at walang emosyong tumingin sakin
"dami mong pinamiling pagkain tas sasabihin mong pati ito dadalhin mo dun? Bawal baka mahuli tayo kaya ilalagay ko nalang sa kotse" walang gana niyang sambit kaya napa 'ohh'nalang ako
"Sige hintayin kita bilisan mo ha? Sapakin kita pag iniwan moko" nakangiting iwinagayway ang aking kamay na parang nagpapaalam
"Di ka maiiwan samahan moko ikaw magbuhat ng pinamili mo" binigay niya sakin yung walong eco-bag at isang box
Nyeta toh parang di lalaki, di porke konti lang binili nya di nya bubuhatin ung pinamili ko aba makapal ang mukha nakikitira na nga lang yan eh
Habang naglalakad kami sa hallway ng mall may kumulbit ulit sakin
Uy si wo bo song
"Ako na jan, masama sa babae ang nagbubuhat ng mabigat kawawa ka naman" nakangiting sambit niya habang kinukuha ang pinamili ko
Wow gentleman di tulad ng isa jan
"Thanks" nahihiya kong sabi
"Nga pala nasaan boyfriend mo? Dapat siya nagbubuhat nito bakit hinahayaan ka niya" siya
Di ako kumibo ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nasa parking lot na kami
"Uuwi kana ba?" tanong niya
"nope mag a-Arcade pa kami eh" nuh ba shy! Bagay talaga sayo yang pangalan mo kingina umayos ka nga nakakahiya
Nakita ko si Clarence na masama ang tingin saamin
"oh bro dapat ikaw ang nagbubuhat nito kinakawawa mo ba ang maganda mong girlfriend?" ano daw?
Bigla akong natulala at nawala sa sarili, ano raw
"maganda mong girlfriend"
"maganda mong girlfriend"
"maganda mong girlfriend"
"maganda mong girlfriend"
Paulit ulit yan sa kukute ko punyeta
MAGANDA AKO? AS IN M.A.G.A.N.D.A?!!! KYAAAAHH! Ewan ko kinikilig na ba ako pakisampal nga
(author: [/sinampal ka;)
Aww naman author eii joke lang un kinikilig kasi ako yan tuloy mas namula ako
Back to reality, di ko namalayang nasa simento na si bo song pumutok pa ang gilid ng ibabang labi niya, nyeta anyare?
"bro hnd naman sa inaagaw ko ang gf mo bakit nagseselos ka ba?" bo song
Napatingin ako kay clarence na galit na galit ito kaya akmang susuntukin niya ulit ito ng masalo ng kamay ko ang kamao nya
"Ano bang problema mo ha at nagkakaganyan ka" bulyaw ko dito
Di siya kumibo at padabog niyang isinara ang likoran ng kotse matapos ilagay ang mga pinamili namin saka ini alarm lock niya ito
"sorry bo song, ok ka lang?" pag aalala ko, at mukha bang ok yan obviously hindi gaga ka talaga
Akmang luluhod ako para alalayin siya ng bigla akong kaladkarin ni Clarence papasok sa mall narinig ko pang sumigaw si bo song ng See You Around"...
Napupumiglas ako ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin"Ano ba Clarence nasasaktan ako!! Bitawan mo ako!" nadadaing sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at niyakap ako, ano bang ginagawa niya? Nahihibang ba siya? Matapos niyang suntukin ung tao iiwan iwan niya lang? Aba magaling
"Sorry hindi ko napigilan ung sarili ko" malambot niyang sabi at mas hinigpitan niya ang pagyakap sakin. Nakaramdam ako ng basa sa aking balat na hinihinalang umiiyak siya
"ok ka lang?" nag aalala ako sa kanya anyare dito? Kaloka
"Sorry talaga" siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko kaya niyakap ko nalang siya pabalik
"Tahan na baby bakulaw" pang aasar ko sa kanya pero di siya kumibo
Hanla lagut ako
Pinaharap ko siya sakin at pinunasan ang luha niya at ang pisngi niyang basa sa luha
"Wag na iiyak baby hihi" pinisil ko pisngi niya, antyut tyut niy
"wag mo ngang pisilin yan! Masakit!" sabi niya habang tinatanggal ang kamay ko sa pisngi niya
Hinalikan ko ito sa pisngi, biglang pumula ang tainga niya, what's wrong?
"Anyare sa tainga mo? Parang sasabog na sa pula" hinawakan ko ito "at ang init pa oh"
Tinabig niya kamay ko, wow sakit naman nun
Pumunta na kami sa Arcade saka nag slide ng card
Pagkatapos non ay may laman nang 389token sa card amount lol syempre may bayad yunNakita ko si bo song sa parteng basket ball kaya tinuro ko kay Clarence na dun siya maglaro
Slide card wushiing (author: wala lang yan kunyare may sound ung pag slide ng card hahaha)
After a million years
25points si Clarence at 98points kay bo song
Wow coooooool!
Sunod naman ay inalok ako ni Clarence na kumain muna sa KFC
"Isama nalang natin si bo song please" pagsusumamo ko
"Fine! Next time solo kita" kumindat pa ito sakin bago bumaling kay bo song
Wow sama ng tingin eh step brother ko ba toh
To be continued

YOU ARE READING
My Cold Step Brother
RomanceShe inlove with her step brother that who treat her like a poor sister