Yeona's Pov
"Babe." Napaismid naman ako sa iniinom kong chocolate drink ng marinig ang boses niya. Napaangat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko.
"Bakit ka nandito?" Iritang tanong ko habang iniinom yung inumin ko. Nakakaloka! Muntikan na akong mabilaukan.
"Kasi nandito ka," sagot nito at ngumiti, "Oh? Ano naman ngayon kung nandito ako?" Mataray kong sagot at iniwas ang tingin sa kanya.
"Namiss kita eh."
Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya. Naka-pout ito at diretsyong nakatingin saaking mga mata. Wait, ano daw ang sabi niya?! Aish!
Naramdaman kong umangat ang dugo ko sa aking pisngi. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at handa nang umalis ng hinila niya ang braso ko. "Ano ba, Jungkook?!" Nilingon ko ito at naiiritang tinignan siya. Pero nararamdaman ko parin ang pamumula ng pisngi ko.
"Di mo man lang ako namiss?" Malungkot nitong tanong saakin. Aish!!! Ano ba ang sinasabi niya? Ano na 'tong nararamdaman ko?!
Bumuntong-hininga naman ako at nanatiling blanko kahit malapit na akong sumabog. "Bakit ba? Parang ilang araw lang ako absent," wika ko habang naglalakad at 'yun naman siya, nakabuntot saakin.
"I miss you,"
Napatigil ako sa paglalakad at ganun din siya. Hinarap ko ito at nakitang nakangiti saakin ngunit ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
Unti-unti itong lumapit saakin. Gusto ko na sanang lumakad paalis pero 'di ko magawang maigalaw ang mga paa ko.
Sa isang iglap, ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig. Niyakap niya ako na para ba'ng ayaw niya na akong mawala sa tabi niya.
I dont know, what just happened. But, I found myself hugging him back. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I can also feel something in my stomach na hindi ko pa nararamdaman noon.
Nanatili kaming ganun habang lumilipas ang oras. Hanggang ngayon ay hindi parin niya ako binibitawan. Buti na lamang at nasa tagong lugar kami ng school.
"Jungkook?"
"Hmm,"
"Pwedeng pakawalan mo na ako?"
"No, please just let me hug you, I wanted to do this so badly." Bulong nito saakin. Natahimik na lamang ako at hinayaan siya.
Paglipas ng ilang minuto. Tumunog na ang bell, senyas na tapos na ang break time. Naramdaman kong umalis na siya sa pagkakayakap saakin.
"Tara? Hatid na kita sa room mo," yaya nito. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang sumunod sakanya.
Bakit parang.. nabitin ako dun sa yakap na yun?
BINABASA MO ANG
"Never knew that, she is the one."
Nouvelles"She is different from anyone else. She is different from every girls I met. She is the one who caught my attention. I never knew that I will fall in love to someone like her. I never knew that she is the one.." Bangtan Chat Serye #1 Jeon Jungkook T...