"Introduction"

3.3K 56 1
  • Dedicated kay Mayliza Gales
                                    

“Okey trainees, break muna kayo. Hay naku, ang lulungkot ng mukha niyo”. Natatawang saad ng platoon leader ng mga Rovers ng ROTC. Sabado na naman at bilang mga mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo ay tungkulin nila na umattend sa kanilang NSTP.

“Haiz, buti nalang at break na, kung hindi ay baka hihimatayin na ako maya- maya lang” naiinis na sabi ni Kristina Sophia Rubi a.k.a Kris.  Hindi pa rin niya matanggap tanggap na sa ROTC siya nasadlak, paano eh may katabaan siya.

Natawa nalang ang mga kaibigan niyang sina Alicia Marie Alquizar at Dainielle Josenilla.“Ikaw talagang babae ka, hindi kapa nasanay, eh halos walong buwan na tayong nagsasanay sa ROTC. Maya- maya lang eh graduate na tayo ”, natatawa pa ring saad ni Alicia Marie. “Hmpp…kung di ko lang alam, eh kating- kati kanang umuwi dahil gusto mo nang makita ang crush mong si Edward!”. Tudyo naman ni Dainielle sa kaibigan.Alam niyang namimiss na ng kaibigan ang matagal na nitong gusto na si Edward. Kwento nga sa kanila ni Kristina Sophia na sampung taon na raw itong may gusto sa lalaki. At bilib rin naman sila dito dahil hindi pa rin ito sumusuko sa pagtangi nito sa iniirog.

“Tama ka friend! Haizt bakit ba dito pa ako nag enroll? Know what? Untill now naiinis ako  sa sarili ko!” nakasimangot na saad ni Kris sa mga kaibigan. Ewan niya kung bakit sa dinami- dami ng kolehiyo sa buong Negros ay sa CHMSC- Talisay pa siya nag enroll, malayo tuloy siya sa mga mahal niya sa buhay.

“Trainees FORM!!!!!” narinig ng magkakaibigan na sigaw ng platoon leader nila. Dali- dali na silang pumunta sa mga hanay nila

"Revenge ni Ms. Chubby"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon