"Faithful Incident"

1.6K 39 0
  • Dedicated kay Aimee Orlido
                                    

“Naku po late na ko, kainis naman, pagagalitan ako tiyak nito”, nangangambang saad ni Kris sa sarili.

Nagmamadaling tumalilis siya papuntang room nila, nang sa di inaasahan ay nabunggo siya ng isa niyang kamag aral na nagmamadali rin ata.

“Ano ba!!, tingnan mo naman yong dinadaanan mo!, nagmamadali na nga tong tao eh inaabala mo pa!”, galit na saad ni Kris sa estudyante.

At saka tumakbo, hindi na nya magawang pakinggan ang paliwanag nito dahil talagang huling-huli na siya sa klase.

“Good morning Miss!”, kinakabahang bati ni Kris sa kanilang guro.

Sana naman ay huwag na siya nitong sabunin, sirang- sira nakasi talaga ang araw niya.

“Okey, good morning too, next time Miss. Rubi come early”, nakangiting tugon ng kaniyang guro.At saka bumalik na ito sa leksyong tinuturo.

“Oi, bakit parang hindi ata nagalit si Miss dahil late ako? Dati- rati ay halos maubos niya ang buong period natin sa pagsesermon niya sa mga late?”,nagtatakang tanong ni Kris kay Dainielle.

“Eh paano, inlove kasi si Miss, kaya ganyan yan.

Nagtaka nga rin kami kanina eh kuntodo ngiti niya sa amin pagpasok, tapos nalaman naming sila na  pala ng first love niya at magpapakasal na ata sila, kinilig nga kaming lahat eh.

Sana nga araw- araw siyang ganyan”, kinikilig namang sagot ni Dainielle sa tanong niya.

Kibit balikat lang ang isinagot ni Kris sa sinabi ni Dainielle.

Nang bigla siyang natigilan, mabuti pa ang guro nila nakatuluyan nito ang first love nito, samantalang heto siya patuloy pa ring namumroblema kung paano makuha ang atensiyon ni Edward.

“Kung makakakita lang sana ako ng bagong mamahalin”, pabuntung-hiningang saad ni Kris sa sarili.

Pagkatapos ay bigla niyang naalala ang lalaking nakabunggo sa kanya kanina, sa totoo lang cute ito, kaya lang eh naunahan na siya ng inis kanina kaya nabara niya ito.

“Pwede na rin”, nakangiting saad ni Kris sa sarili.

Ang problema na lang eh kung saan niya ito mahahanap. Ang laki pa naman ng CHMSC. “Haizt, buhay, parang life ka talaga!”, naiiling na sabi niya sa sarili.

********

a/n:

sana magustuhan niyo....

dont forget to hit the vote and fan button...

tnx...

*winks*

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­

"Revenge ni Ms. Chubby"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon