004

4 0 0
                                    

May bago na, kaya move on na

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan,
hindi ko alam kung saan ko sisimulan,
siguro sa umpisa,
kung saan hindi pa natin kilala ang isa't isa,

o sa gitna,
na masaya pa tayong dalwa,
kasi alam na natin ang nararamdaman ng bawat isa,
kung saan pwede pang magkaron ng tayo sana,

o sa dulo,
kung kelan ka sumuko,
kung kelan ka nagdesisyong lumayo na,
At hindi na ko kibuin pa,

simulan nalang natin sa umpisa,
kung saan hindi ko pa napapansin ang iyong presensya,
Na kung saan hindi inaasahang ikaw ang naituro,
Ng daliri ng kaibigan ko,

kaklase lang ang turi ko sayo,
pero bigla itong nagbago,
hindi ko alam kung bakit ikaw pa,
sa dinami rami ng tao na makakasalamuha,

tumagal ang panahon,
andami na ring nabago,
lumipas ang oras na parang kahapon,
ang bilis kung tumakbo,

ako na pala ay nahulog sayo,
ganon na ba kadaling mahulog sa isang tao,
ngunit hindi ko namalayan,
parang nahulog lang ako sa hagdanan,

agosto,
ng umamin ka ng nararamdaman mo,
labis ang galak sa loob ko,
na tayo pala ay pareho,

nanligaw ka,
ang seryoso pa,
alam ito ng tropa,
kaya grabe kung manutya,

kasabay ng pagbagsak ng nyebe sa ibang bansa,--
ay ang pag iba ng iyong timpla,
'oo nga pala itigil na natin to',
pahabol na sabi mo,

sinabi ko sa sarili ko na wag kang pigilin sa desisyon mo,
dahil nasa sayo naman kung titigil ka na,
pero ano nga bang karapatan ko?,
niligawan mo lang naman ako diba,

na kapag masyado kang nahirapan,
kahit anong oras pwede mo ng tigilan,
hindi mo man to maririnig,
gusto ko parin na sayo'y makarating,

isang araw minessage ako ng kaibigan ko,
na meron raw account na kapangalan mo,
pero babae ang nasa litrato,
una inisip ko baka yung babae lang ang may gawa nito,

kaso naisip ko bakit hindi ko kaya tignan?,
hindi naman masama kung aking susubukan,
tinignan ko,
pero nasaktan lang ako,

meron ka na palang iba,
congrats nga pala sainyo,
sana wag mo yang sasaktan ha,
sana wag mong paltan kasi may bago,

kelan niyo ba balak maghiwalay?,
kala mo naman kayo na panghabang buhay,
bitter na ko dati pa,
hindi lang halata,

mas maganda naman ako sakanya,
pero sabagay aanhin ko ang ganda,
kung ni ikaw hindi magawang mahalin ang tulad ko,
o baka naman nagtry ka lang paano manligaw sa kagaya ko?!,

hindi ako laruan,
nasasaktan din kasi ako,
lalo na kapag napapabayaan,
lalo na ng mahal ko,

at ngayon natauhan na ko,
ayoko ng umasa sayo,
ayoko ng umasa na magkakaron pa ng tayo,
na maayos pa natin ang sanang 'tayo',

nabulag ako masyado,
na ginawa kitang mundo ko,
kaya ngayon balak ko ng mag move on,
kalimutan ang lahat ng alaala atin noon,

hindi ko na nagawang pahalagahan,
yung kaisa isang taong nandyan,
handa at kayang lumaban,
hindi naduduwag na masaktan,

na nandyan parin kahit sugatan na,
kahit sobrang nasasaktan na,
kaya pipiliin kong mag move on,
at bubuuin ko ulit yung sarili ko sa ngayon,

pareho kaming nasasaktan,
pero magkaiba ng dahilan,
nasasaktan siya ng dahil sakin,
at nasasaktan ako ng dahil sayo,

pero hindi ko siya gagawing panakip butas,
kahit handa siyang isugal ang puso niyang wasak wasak,
ng dahil lang sa gusto kitang kalimutan?,
para lang hindi na ako masaktan?,

kaya para sa mga lalaki:
wag mong ligawan,
kung sa huli balak mo ring paltan,

at para sa mga babae:
wag mong gawing mundo,
ang taong tinadhana lang para makilala mo,

tinadhana kayo para magkakilala,
hindi para mahalin ang bawat isa,

mahirap man pero kakayanin mo yan,
may bago na siya kaya move on na.

(c) MsZenZenen 2018

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon