Kaibigan
Naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigan?
Yung lahat ng bagay ay inyong kinatutuwaan?
Pero sa paglipas ng panahon
Marami ng magbabago na hindi na tulad nang 'noon'
Na nasubaybayan niyo ang paglaki ng isa't isa
At nagdadamayan sa lahat ng inyong problema
Oo kaibigan kita
Pero hindi ko inaasahan na
Mahulog sa puso mo basta basta
Gusto kita hindi ko maipagkakaila
Ngunit hindi ko maipakita
Dahil baka ako'y palayuin mo
Iwanan na para lamang ibinato
Sana sa oras na umamin ako
Alam ko na pareho na tayo
Baka kasi masaktan lang ako
Kasi hindi nasuklian ng pagmamahal mo
Sana sa ibang mundo
Pwede tayo
Sana sa ibang mundo
Nararamdaman nati'y pareho(c) MsZenZenen 2018
