001

30 2 1
                                    

Itigil Na Natin Ito

Apat na salita
Labing anim na letra
Nagdudulot ng sobrang pinsala
At nakapananakit ng sobra
Bakit ang bilis mong mang iwan
Na parang ako'y iyong dinaanan lamang
Na parang kelan lang ako pa ang laman ng puso mo
Pero ngayon iba na ang nagmamay ari nito
Ganoon nalang ba ako kadaling makalimutan
Na para lamang laruan na pinagsawaan
Sana nga kung gaano kadaling sabihin
Ay ganoon din kadaling gawin
Ikaw ang may gusto niyan
Hindi kita pipigilan
Dahil sa simula palang nang storya
Ay wala namang maituturing na ugnayan sa pagitan nating dalwa
Pinalaya kita kasi hindi ko kaya ang lahat ng ito
Hindi ko kayang ipagsiksikan pa ang sarili ko
"Break na tayo" yan ang sabi mo
Pero ang isipan at puso ko ay ayaw nito
"Itigil na natin to"
Sumunod na sinabi mo
Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko
Sa bawat salitang binabanggit mo
Napapaisip nalang ako na baka
Hindi mo manlang ako minahal kahit konti
Na baka mahal mo pa kasi siya
Na noon palang ay hindi mo ko nagawang pagtuuan ng pansin.

(c) MsZenZenen 2017

WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon