Chapter 15

817 13 0
                                    

( Faricka's P.O.V )

"hi babe" sabi ni Unica

"good morning babe" sabi ko, tapos kiniss ko siya sa forehead

si Unica Paragas, girlfriend ko, sabi niya 1 year na kami

mabait naman siya

maasikaso

at mahal na mahal ako

ang problema wala akong maalala

pinipilit kong may maalala pero kahit isa wala akong maalala

"babe, lalabas muna kami ni Uno" sabi niya

"Sama ako" sabi ko

"wag na, babalik naman kami agad" sabi niya

ano pa nga ba

for the last 6 months yan ang pinag tatalunan namin

ayaw niya kasi akong lumalabas ng bahay

talo ko pa yung preso

o yung criminal na nag tatago sa batas

ang napupuntahan ko lang ay yung farm

at bahay

ni hindi ako makasama kay Uno sa palengke para mag deliver ng gulay

si Uno kapatid ni Unica

tatatlo lang kami sa bahay nila Unica

may dalawang kwarto dito

si Uno sa kabilang kwarto at kami ni Unica dito sa isang kwarto

sabi pa ni Unica, simula naging kami ay dito na ako tumira sa kanila, dahil ulila na din daw ako

hindi ko alam kung bakit parang wala naman akong nararamdaman para sa kanya

natatakot akong sabihin kasi baka masaktan ko siya

wala naman siyang pinakitang masama sa akin

kahit si Uno ay mabait

mag isa nalang nanaman ako dito sa bahay

lumabas sila Unica para mag deliver ng gulay

"Darren, nandyan pa ba si Uno?" tanong ni Jacky

Darren Grace Alipio daw ang pangalan ko sabi no Unica

naniwala ako dahil may nakita akong birth certifcate ko daw

haaay ewan

madami akong hindi alam

kasi wala naman akong maalala

"Jacky, pasensya ka na ha, wala na sila eh" sabi ko

"ah ganun ba ok lang, babalik nalang ako mamaya" sabi niya


( Unica's P.O.V )

wait bago kayo magalit pakinggan niyo muna ako

ako si Unica Paragas, 26 years old ako

simple lang buhay namin ni Uno

at fan na fan ako ni Faricka Ash

"Uno bilisan mo"sabi ko

"Pamadali ka ng pamadali, pag tayo nadisgrasya" sabi ni Uno

"Mas madidisgrasya ako pag may ibang nakakausap kay Fa—Darren doon, baka mag tanong tanong yun" sabi ko

"kasi kung ako sayo mag sabi ka ng totoo para di ka parang tanga diyan" sabi ni Uno

[ Flashback ]
"kawawa naman yung oh, siguro sobrang bilis mag patakbo niyan" sabi ni Uno

habang paakyat kami ng Baguio

kakatapos lang kasi namin mag deliver ng gulay

sa La Union

.
.

"Uno itigil mo" sabi ko

nandito kami sa Camp 2 sa Kennon Road

medyo malakas yung ulan

pero napansin ko na may nakahandusay sa daan

"Uno tulungan mo ako dito" sabi ko

"ate baka madamay tayo diyan" sabi ni Uno

"tutulong ka ba o hindi?" tanong ko kay Uno

napakamot nalang siya at tinulungan akong isakay yung tao sa van

"ate dalhin na natin yan sa hospital" sabi ni Uno

"May pera tayo?" tanong ko sa kanya

dumeretsyo kami sa bahay

may mangagamot naman sa lugar namin kaya agad na nagamot si Faricka

nung una hindi ako siguradong si Faricka ito

pero nung maibalita na namatay si Faricka

napagtanto ko na sasakyan niya yung nahulog sa bangin at napagkamalan na siya ang namatay

kaya chance ko na to para mapasaakin si Faricka

nung magising siya, pati pangalan niya binago ko

binigay ko yung birth certificate ng namatay ng malayong pinsan ko na inalagaan ng mga magulang namin ni Uno pero kasama nilang namatay sa aksidente

sinabi ko din na magkasintahan kami na pinaniwalaan naman niya agad

[End of Flashback ]

.
.

"Kamusta? may pasalubong ako sayo oh" sabi ko habang nag aayos sa lamesa

"Ano yan?" tanong niya

"Dumplings" sabi ko

"Unica, dumaan pala si Jacky dito kanina" sabi niya

"anong sabi niya?" tanong ko

"hinahanap lang kayo, nung nalaman na wala kayo umalis na" sabi niya

"babe ang haba nanaman ng buhok mo, gupitan na natin?" tanong ko

yep

short hair na si Darren

boy cut siya ngayon

mas madali ko siyang itatago kung mawawala yung signature look niya as Farica Ash

itatago ko siya hanggang sa kaya ko

at wala akong balak ibalik siya sa pamilya niya

lalong lalo na kay Cassandra

"Unica!" sigaw ng babae sa labas

"Bakit?" tanong ni Unica

"sabi ni boss James, sumama ka daw mag deliver sa Pangasinan" sabi ni Jacky

"bat di nalang ikaw" sabi ni Unica

"Mag dedeliver kami sa La Union" sabi ni Jacky

"Palit nalang tayo" sabi ni Unica

"hindi pwede boyfriend ko mag dadrive papuntang La Union" sabi ni Jacky

"ano ba yan" reklamo ni Unica

hindi naman kasi siya pwede mag reklamo kay boss James

kasi mataray yun

pero mabait naman

ayaw lang niya ng mareklamo

pagkaalis ni Unica dumating si Boss James dito sa bahay

"Gora na kayo Uno, itakas mo na ito" sabi ni Boss James

"Boss thank you ha" sabi ko

ganto lagi yung set up namin

lagi akong tinatakas ni Uno at boss James

"ready?" tanong ni Uno

nandito ako sa likod ni Uno nakasakay kami ng motor

Loving Strangers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon