Chapter 9

864 17 0
                                    


( Cassandra's P.O.V )

pag katapos namin ihatid si mama lola sa bahay ni Faricka, ipinaalam niya ako kay mama lola na may pupuntahan daw kami

pero hindi niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta

"seryoso ka?" tanong ko kay Faricka

paano ba naman kasi isang red na 1000cc ducati ang nasa harapan ko

"tara na" sabi niya na nag lalagay na ng helmet

"Faricka, takot ako sumakay sa motor" sabi ko

"do you trust me?" tanong niya habang nakahawak sa isa pang helmet

tumango ako

walang pasabi nilagay niya yung helmet sa ulo ko

"let's go" sabi niya

huminga ako ng malalim

"sige na nga" sabi ko

pag sampa ko sa motor

nag sisimula na ako mag dasal

pakiramdam ko mauuna pa akong mamatay kay mama lola

nakapikit lang ako buong byahe

at nakayakap sa kanya ng mahigpit

unang beses ko siyang niyakap ng ganito

madami namang pagkakataon para mayakap ko siya ng ganto kahigpit Diyos ko, pero wag naman sa gantong eksena, dasal ko

"nandito na tayo" sabi niya na punong puno ng energy

"mall?" tanong ko

"ay hindi farm" pabiro niyang sabi

"tara na nga" dagdag niya

naglalakad lakad kami dito sa mall

"Cassy tara doon" sabi niya sabay turo sa isang tindahan ng mga laruan

ang bilis niya mag lakad

excited sa laruan?

sumunod ako sa kanya pero ang bilis niyang nawala

nakita ko yung isang malaking bear

mahilig kasi ako sa teady bear

"Cassy" mahinang sabi ni Faricka

seryoso yung mukha niya

tapos tinutukan niya ako ng laruang baril

"sumuko ka na" sabi niya

tapos natawa ako

"ano ba yan?" reklamo niya

"bakit?" tanong ko

"pag tinututukan ng baril tapos sinabing sumuko, dapat sumuko ka" sabi niya sabay kamot ng ulo

"sige, take two" sabi kona parang director

Loving Strangers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon