< Razille Traijin Zapusumo >
January 12, 2016
"Una na kami, Kudos, Train."
Nilingon namin sina Boom. Katatapos lang ng ensayo sa basketball at umuwi na rin si coach. Gusto nila gumimik pa, kaso hindi naman sumasama si Kudos sa gimikan. At inaalalayan ko pa rin ang tahi sa tagiliran.
Tumango si Kudos. Saka pumasok sa locker room.
"Ingat kayo, Pre!" sumaludo ako. Sila lang ang tumatawag sa 'kin ng Train. Ang buong team. Pasimuno si coach. Kalaunan, nasanay na ako.
Sumunod ako kay Kudos. Nakapagpalit na siya ng damit. Ngayon ay nakaupo, pinupunasan ng towel ang buhok.
"Ayaw mo makipagjamming sa team? Daming babae ng mga 'yon, pre." Hinubad ko ang basang jersey. Hindi ako nakipagbugbugan sa praktis. Taga-pasa lang ng bola.
Ang alam nila, may knee injury ako. Hindi ko na sinabi ang tungkol sa insidente almost two months ago para walang issue.
'Yon pa naman ang ayaw ni Bea. Issues.
Tiningnan lang ako ni Kudos at nagkibit-balikat.
Napailing ako. Ang seryoso talaga. Kung hindi dahil sa basketball, baka hindi ko nakakausap. Kaso hindi p'wede sa 'kin ang gano'n. Ayun, palagi ko kinukulit. Kaya sa team, ako lang ang madalas nakakasama niya. Sina Boom naman, casual lang.
Bumaba ang tingin ni Kudos sa tiyan ko. Ngumisi ako. "May lihim kang pagnanasa sa 'kin, pre? Ayaw mong sumama dahil may balak kang tiyansingan ako, 'no? Sabihin mo lang. Ipapahipo ko sa 'yo."
"Nakngtokwa!" Napahawak siya sa tainga.
Humagalpak ako. Bali-balita kasi sa campus na malambot siya kaya walang pinapansin na mga babaeng nagpapapansin.
Iba-iba lang talaga trip ng mga babae. 'Yong iba kapag hindi effective ang diskarte, ipagkakalat na bakla.
O kaya aasaring bakla harap-harapan para halikan.
Eh, kaso walang paki si Kudos. Mahiyain pa. Madalas nga kapag may lumalapit na inaabutan siya ng kung ano-ano, aligaga siya. Umaalis nang hindi pinapansin 'yong mga babae.
Kaya nilalapitan ko sila para sabihan na ako na lang mag-aabot nang hindi mapahiya. Kapag iba ang naging ngiti sa 'kin, napapasambit ako ng... "I'm taken, Miss."
Tinuro ni Kudos ang tahi at may kalakihang peklat sa kaliwang tagiliran ko. "Ano'ng nangyari?"
"Nakagat ng babae." Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya nagets ang humor kaya umiling na lang ako. Ngumiti. "Wala 'to. Maliit na bagay para kay Bea."
"Bea?"
Kinuha ko ang towel sa locker ko't pinunasan ang buhok. "Nakalimutan mo ulit? Si Bea!" Sabi ko na, palagi ako nagkukwento, hindi naman pala nakikinig. Kung nakikinig man, labas sa kabilang tainga. "The reason why I quitted from PMA and transferred here to play basketball and take an engineering course."
"Ah." Tumango-tango siya. Ibinalik ang towel sa locker at kinuha ang cellphone at earphones. "Mahal mo talaga, 'no?"
"Sobra!"
Walang reaksiyon ang kanyang mukha. "Define sobra?"
"She's like an oxygen; the reason why I'm still alive and if I lose her, I'd die."
Nagusot ilong niya. "Deep."
Lalo akong napangiti. "If you could measure how deep the ocean, and how vast the universe, then you could tell how unfathomable my feelings for her."
BINABASA MO ANG
Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)
Lãng mạnSequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Hazel, pinagsama-sama at sabay-sabay na pinaglaruan ng tadhana. Handa na nga ba silang harapin ang laha...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte