Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 5 (part 2)

111K 3.9K 4K
                                    

Part 2 of Chapter 5

< Razille Traijin Zapusumo >

BAGO MATAPOS ang taong 2017, may lalaking naghatid pauwi kay Bea sa apartment.

Papasok pa lang ako sa gate nang matanaw ko sila. Nag-uusap sila. Pinapaalis na siya ni Bea. Gusto kong pumagitna pero natuod ang mga tuhod ko't nakinig lang sa kanila.

Nagtago ako sa poste ng Meralco. Nanginginig ang mga kamao. Nagtatangis ang panga. Gustong manuntok pero pinilit kong kumalma.

Napag-alaman kong boss siya ni Bea. Based sa usapan nila, ito ang nagtitrain ng mga gagawin niya sa office nila. Hindi pa matanda ang lalaki. Tiyak na binata pa. Tatlo o apat na taon yata ang tanda sa 'min.

At ayun sa pag-uusap, hindi nagpapahatid si Bea pero dahil boss niya at mapilit ang lalaki, at malapit lang sa lugar namin ang dinausan ng dinner ng mga kaworkmates niya, nagpatianod siya.

Hindi ko inaaasahan ang susunod na nangyari. Nagconfess ang lalaki. Matagal na raw itong may gusto sa kanya. Nung unang buwan pa lang sa trabaho.

Ngayon lang nagkalakas-loob.

Nanatili akong nakikinig kahit parang sasabog ang ulo at hihinto ang tibok ng puso.

At nangangating magpalipad ng kamao.

Sanay naman na ako sa ganito. 'Yong kahit magkasama na kami, may mga napapasunod pa rin ang tingin sa kanya.

Paano na lang kapag mas nakilala pa siya ng mga lalaking 'yon? Ang ugali niya? Ang personality niya?

Maraming naaattract sa kanya sa physical niyang itsura. Pero mas nakakahulog kasi ang personality niya.

Alam ko 'yon. Dahil ako mismo hindi na nakaahon.

Masungit lang naman siya sa isang lalaki kapag alam niyang may gusto na sa kanya, eh.

Kilalang-kilala ko na siya.

Sa dami ng nagtangkang manligaw sa kanya... alam na niya kung paano i-handle ang mga lalaking 'yon. Ang makitungo. Ang umiwas kung kinakailangan.

Sabi niya, hangga't maaari, ayaw niyang manakit. Pero alam niya rin na kahit ano'ng gawin niya, makakasakit siya.

Sabi rin niya, akala ng mga lalaking 'yon, ang manhid niya. Ang insensitive. Pero hindi porke binasted niya, parang wala lang sa kanya.

Mahirap daw kalabanin ang konsensiya kapag alam mong may nasasaktan ka.

Kapag stranger o hindi naman gano'n kakilala, iniiwasan niya.

Kapag kaibigan niya, doon na siya namomroblema. Ayaw niyang may masira. Ayaw niyang makasakit at iwasan siya. Dahil lahat ng mga kaibigan niya, pinapahalagahan niya.

Siya kasi 'yong taong mapili sa mga kaibigan sa simula. Pero kapag nabuo na ang friendship na 'yon natatakot siyang mawasak.

Si Matt. Si Cole. Ang mga naging kaklase niya o kaibigan na nagkagusto sa kanya, hanggang ngayon magkaibigan sila. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa. Hindi ba awkward?

Pero kasi... siya si Bea.

Si Bea na kayang mag-adjust sa lahat.

Kakayanin niyang mag-adjust kahit masaktan siya basta 'wag lang may masira.

Kakayanin niya kahit na madalas may masamang nasasabi ang ibang tao sa kanya.

Kaso wala siyang pakialam sa mga taong mapanghusga. Ang iniisip niya kasi palagi, ang mga taong mahalaga sa buhay niya at mga kaibigan niya.

Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon