Year: 2018
< Razille Traijin Zapusumo >
PINAGSAWA KO ang paningin sa pagtitig kay Bea. Nakailang snooze na ang alarm ng phone niya, pero hindi pa rin bumabangon. Nakadapa lang sa kama habang nakaharap ang mukha sa 'kin. She was silently breathing.
She looked like a lovely seraph having a divine dream.
I chortled softly. I want to stare at her for while; to brush my fingers through her curly hair; to caressher face... kaso malilate na siya sa trabaho. Ang hirap pa naman niyang gisingin. Nangangagat din. Kaya ayaw siyang istorbohin ng mga tao dito sa apartment kapag natutulog siya.
I took stolen pictures of her. Pangdagdag sa mga collection ko.
"Bree..." I gently touched her chin. Mahina lang siyang umungol. Her temple creased and her lips slightly stirred up."Gising na. Malilate ka na."Kumapit siya sa pulso ko't hinaltak. Dinala sa tapat ng bibig niya't mariin na kumagat.
Tumawa ako. Tuwing umaga, bumabaon ang ngipin niya sa pulso ko. Ako rin ang madalas na naatasang pasukin siya sa kwarto dahil ayaw talaga nilang makagat. Ang hindi nila alam, pabor sa 'kin 'yon.
Suskopo!
Pabor na pabor.
Dumilat siya dahil sa tawa ko. Sumimangot pagkakita sa 'kin. Gumulong sa kabilang side ng kama. "Sandali, Bree. Five minutes." Tinakpan ng unan ang mukha.
Napapailing akong kinuha ang unan at hinatak ang kumot na nakabalot sa kanya. "Ano ba, Hangin!" Hinila niya ang kumotpabalik. Kaya wala akong choice kung hindi ang pangkuin siya na palagi kong ginagawa tuwing umaga. "Gosh! Oo na. Oo na. Gigising na. Ibaba mo ako."
Hindi ako sumunod. Nagpupumiglas siyahabang ako tumatawa. Nakasalubong namin si Angelito na mukhang umihi lang at babalik ulit sa higaan.
Umiling-iling siya. "Kinagat ka ulit, insan, 'no? Bampira, eh."
I nodded. Nangingiti.
Mornings are always my favorite.
Nakakatsansing kasi ako kay Bea na hindi nila nahahalata. Nasanay na sila sa ganitong eksena madalas.
Pumasok si Angel sa silid nila ni MM. Tinahak ko ang banyo para buksan ang shower. Ang lakas ng tili ni Bea at pinaghahampas ako nang mabasa siya. "Sinabi ng five minutes lang, eh."
"Pero malilate ka na, Isda." Pinindot ko ang ilong niya. "Maligo ka na. Oh, baka gusto mong ako pa ang magpaligo at magsasabon sa 'yo?"
Nanggagalaiti niya akong tinulak palabas ng banyo. Nailing na lang ako't naghanda ng breakfast niya.
At nila.
Ako ang nauunang magising. Mga five o' clock. 7 AM ang trabaho ni Bea. 8 AM, minsan 9 AM naman ang klase ng magkapatid at sina Magnet at Angel. Kumuha ako ng schedule sa school na hindi masyadong maaga. Karamihan sa hapon.
"May nakita ka bang green na notebook sa kwarto ko?" tanong ni Bea.
Sinasabayan ko siyang kumain. Sinangag, tapsilog, tocino, at ham. Hindi rin nawala ang dalawang baso ng taho na madalas naming sinasaluhan tuwing umaga. Nakasanayan na namin. Suki na kami nung naglalako.
I crept my jaw. "'Yong diary mo?" That I haven't read yet. Sabi niya kasi, ipapabasa niya lang sa 'kin kapag kasal na kami.
"Oo. Hindi ko makita, eh."
"Nawawala?"
"Hindi mo kinuha?"
"Hindi. Alam mo namang nirerespeto ko lahat sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5)
RomanceSequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Hazel, pinagsama-sama at sabay-sabay na pinaglaruan ng tadhana. Handa na nga ba silang harapin ang laha...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte