CURSE ONE: THE ARCANA PRINCESS

3.6K 97 5
                                    

CURSE ONE:

THE ARCANA PRINCESS

 

            May mas sasaklap pa ba sa buhay ko?

            Wala na akong kaibigan ni isa sa school o sa bahay tapos heto lubog pa ang pamilya ko sa utang na maski ang bahay na tinitirahan namin ngayon ay malapit ng marimata.

            And what’s worst, ipinusta pala ako ng magaling kong Ama sa sugal.

            Ang Papa ko na nagsimulang malulong sa sugal nang mawala si Mama, heto halos mabaliw na at malunod na sa kakainom ng imbak niyang mga alak.

           

            Sabi ko noong una, uunawain ko nalang ang situation at kalagayan ni Papa pero pagkatapos ng hinayupak na pagpusta niya saken sa sugal, gusto ko na siyang layasan at hayaan siyang magsuffer mag-isa.

            Pakiramdam ko wala na sa tamang katinuan ang Papa ko para magstay pa ako sa custody niya, isa pa kahit na andito naman ako ay hindi rin naman nila nagagampanan ang pagkaama nila saken.

            Whatever I say na I hate the life I was destined to have ay wala naman akong magagawa to change it and that all I can do is bare with it, live with it and suffer.

*****

            Isang umaga ay bigla nalang nag-alarm ng walang tigil ang orasan ko.

            Nagising ako ng sobrang ingay neto at napatingin sa kalendaryo. Nasanay lang kasi akong mag-alarm kapag may special date sa kalendaryo and today is… FIELD TRIP DAY!

            Ngayon na nga yung field trip ng buong high school department sa isang Geo Farm, isang proposal trip ito ng environmentalist club ng school namin at yearly na nga itong hineheld, I know, hindi naman kalayuan ito pero excited padin ako.

            Matagal-tagal nadin kasi noong huli kong naexperience ang field trip. Although hindi ko sigurado kung may tatabi sa akin mamaya sa bus pero excited padin ako.

            Pagdating ko sa school ay halos mangiyak-ngiyak na ako ng tamang-tamang sumara yung bus. Para akong superheroine na hinarang ito sa gitna ng kalsada para lang makasakay.

            Pinagalitan man ako at naging katawa-tawa ay nakasakay padin naman ako.  huling batch na nga lang ito at ibang section na sa mga talagang kasection ko. nakakainis kasi bakit ngayon ko pa naisipang tumakbo mula bahay?

            “Miss Mendiola, diba Section D ka?” tanong saken ng teacher na nakasakay sa bus.

            “Opo. Ma’am. Sorry po. Please allow me to join this class instead.”

Curse of Arcana [Published under LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon