CURSE NINE: SECOND AWAKENING

972 36 0
                                    

CURSE NINE:

SECOND AWAKENING

Kasabay ng paglaho ng liwanag ay ang paglaho din ni Saichi sa harapan ko, ganun rin ang pagbabago ng lokasyon na kinaroroonan ko.

Naging matagumpay kaya ako sa part ni Saichi? Gising na kaya siya sa mga oras na ito?

Hindi ko lubos maisip na magagawa kong halikan si Saichi. So, ganun ba dapat kong gawin? Kailangan ko silang isa-isang halikan? Nangangatog man ang tuhod ko sa idea ay kinakailangan ko pading magpatuloy.

Hanggang sa may bigla nalang sumigaw at nagpaalala sa akin na nasa panibagong fake world nanaman ako, "AYAW KO NA! SUKANG-SUKA NA AKO! CAN'T YOU SEE NA HINDI KO TALAGA KAYANG MAGPINTA?!" ang sigaw na 'yon ay nagmula kay Axel na inihagis pa ang paint tools sa paligid.

Ngunit papanong naging ako ang modelo? Tinignan ko nalang ang sarili ko't mabuting hindi nude painting ang naging thema ng art session na ito.

Isa itong special art class, papano ko nasabi? Una, sa school grounds pa rin ang kwarto, pangalawa, walang ibang studyante bukod kay Axel at ako.

Masasabi kong iyon ang unang beses na narinig kong sumigaw si Axel out of the basketball court. Sumigaw siya sa bagay na ayaw talaga niya. Known nga naman kasi ang pamilya ni Axel na mga artist at namumukod tangi lang siyang walang hilig sa pagpipinta.

"Young master, kinakailangan niyo pong ipagpatuloy ang paint session. Iyon po ang utos sa akin ni Madame." Ang pakiusap lang ng babaeng tila special instructor din ata niya.

"Ilang beses ko ba kailangan ipagsigawan na ayaw kong magpinta? Bingi ka ba?!" sagot lang ni Axel.

"Naririnig ko po kayo young master at ginagawa ko lang din po ang trabaho ko."

"Ginagawa mo ang trabaho mo? Kung gano'n, inuutusan kita na umalis. Ngayon din!" halos nagtitimpi na sa galit na utos ni Axel.

"Patawad young master pero ang susundin ko lang ay ang utos ni Madame." Sabat pa no'ng instructor.

"Talagang hilig mong suwayin ako?" galit na tanong ni Axel.

Nakayuko lang yung instructor at walang imik nang dala na yata ng sobrang inis nin Axel ay pinagsisipa nito ang mga paint tools sa paligid matapos ay huminto siya sa harapan ko at panandalian kaming nagkatitigan hanggang sa bigla nalang niya akong hinila papalabas ng kwarto.

Pagkalabas naman nami'y mabilis niyang binitawan ang braso ko't hinagisan ako ng panyo, "Pasensiya na, nadamay ka pa." sambit lang niya sabay alis.

Napakagentleman talaga ni Axel kahit sa fake world na ito. Hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin sa actions niya.

Pagkaitingin ko sa glass window ay nakita kong nadungisan ng pintura ang pisngi ko. Kaya naman pala ako binigyan ni Axel ng panyo, of course, panyo niya ito. Nakakalokang kinikilig pa akong ipinunas ang panyong kaamoy ni Axel sa pisngi ko. Nakakapanlumo naman kasi si Axel sa paggiging gentleman niya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit pinapantasya talaga si Axel dito sa amin kahit hindi siya ang basketball captain ng school.

Tamang-tama na paalis na ako nang bigla ko namang nakabungguan ang instructor ni Axel sumusubok nanamang humabol sa kanya.

"Ayos lang po kayo?" tanong ko pagkapatayo sa instructor ni Axel.

"Salamat. Salamat." Ang tangi lang nitong sagot sa akin at matapos pagpagan ang sarili ay dali-dali na itong sumunod sa direksyong nilakaran ni Axel.

Paalis na din sa na ako nang mapansin ko ang isang yellow na brown envelope sa may sahig. And since hindi ko naman alam kung kanino ito dahil sa wala ni kahit anong nakasulat sa likod ng sobre ay nacurious akong buksan ito.

Curse of Arcana [Published under LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon