CURSE ELEVEN:
FOURTH AWAKENING
...Carlisle.
This mission is the last at ang pinakanakakabwiset sa lahat.
Hindi ako makapaniwalang in this scenario, I will be one of Carlisle's maid. Ayos lang sana kung alam man lang ba niyang schoolmate niya ako eh kaso pati 'yon pinagkait ng fake world na ito dahil sa hindi ko kaklase si Carlisle dito.
"Ibibigay mo ba sa akin yang towel or hahayaan mo akong magkasakit sa pagkakabasa mula sa ulan?" ang sabi ni Carlisle sa tapat ng mukha ko habang tumutulo pa ang tubig sa sahig mula sa buhok nito.
Tinakasan nanaman kasi ni Carlisle ang mga bodyguards niya kaya heto umuwi siyang basang-basa sa ulan.
Dumiretso na siya sa kwarto niya— matapos kong iabot ang twalya sa kamay ko— at 'di na lumabas pa para magdinner.
Naging malaking usap-usapan ng mga chismosang katulong ang pagbabago daw ni Carlisle ngayong gabi.
Ayon daw kasi sa kanila, palabiro ngunit magalang at masayahing bata si Carlisle kaso ngayong gabi ay parang nag-iba daw siya.
Bigla namang dumating ang isa sa mga bodyguards ni Carlisle sa kusina para kumuha ng maiinom.
Parang nagkalindol sa sobrang taranta no'ng mga chismosang katulong at bigla silang nataranta kung saan pupunta at iniwan sa'king mag-isa ang pagpupunas ng plato.
"Anong problema ng mga 'yon?" tanong sa'kin no'ng bodyguard.
"Naiihi po siguro sila."
"Sabay-sabay talaga? Para silang mga inahing manok na putak ng putak."
"Baka po kasi sa tandang na pumasok kaya sila natakot."
Bahagyang natawa ang bodyguard sabay lapag sa sink ng pinag-inoman niyang baso.
"Hindi magandang pinag-uusapan nila ng kung ano-ano ang young master. Lalo na ngayon sa pinagdadaanan niya."
"Ano nga po ba?" tanong kong bigla.
Lumingon siya bigla sa'kin sabay sabing, "Malalaman mo din at nang mga inahing 'yon soon." At dumiretso na ang bodyguard papalabas.
*****
Isang gabi ay inutusan ako ng mayordoma naming mga katulong na kumuha sa basement ng wine para iserve sa dining table ng mga huzon. Kaso ikinagulat ko talaga nang madatnan kong nakahandusay at walang malay dala ng kalasingan si Carlisle sa sahig. I've never seen him drunk like this at ayaw ko na ulit makita dahil para siyang inabandona sa istura niya.
Sa halip na kumuha ng wine ay inakay ko si Carlisle paalis sa basement, pagkakita sa may security guard ay nagpatulong na akong akayin si Carlisle patungo sa kwarto niya. Halos maligo na sa pawis si Carlisle dahil nadin sa walang air condition sa basement o maski electric fan.
Nang maghahanap na ako ng damit na pampalit niya sa tokador niya ay medyo nag-alangin ako sa susunod na gagawin ko. kinakailangan ko na kasing bihisan si Carlisle, which mean, kailangan ko din siyang hubaran.
Mamamiya! Hindi naman ako nagkakasala sa gagawin ko pero pakiramdam ko isang womanhood sin para sa akin ito, kababae kong tao, manghuhubad ako ng lalaking lugmok sa kalasingan. Si Carlisle pa naman of all people!
At the back of my head, parang cheering squad na naguudyok sa'kin na GO FOR IT! STRIKE LANG NG STRIKE! Kaso ang konsensya ko naman na echosera sinasabing, ISA KANG KONSERBATIBONG DALAGA, KONTING PRIDE!
BINABASA MO ANG
Curse of Arcana [Published under LIFEBOOKS]
Fantasy[𝕎𝕒𝕥𝕥𝕡𝕒𝕕 𝕎𝕣𝕚𝕥𝕚𝕟𝕘 𝔹𝕒𝕥𝕥𝕝𝕖 𝟚𝟘𝟙𝟜 𝟛ℝ𝔻 ℙ𝕝𝕒𝕔𝕖𝕣 𝕎𝕚𝕟𝕟𝕖𝕣] On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high-schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana's great powers, after breaching in an ancient contr...