JACKIE
"Goodmorning people! Rise and shine mga panget! Breakfast is ready!" Dinig na dinig ko ang malakas na sigaw ni Zaiah sa baba. Si Zaiah ang taga-gising namin tuwing umaga, kung hindi ko naman naririnig ang sigaw niya ay alarm clock ang gumigising sa'kin.
Bumukas naman ang pinto sa kabilang kwarto. "Hoy Zaiah with an H! Kung maka pangit ka ah! Ganda ka teh? Ganda ka?" Sigaw ni Franz.
"Excuse me Francisco Romero, maganda talaga ako! Maganda pa ako sa umaga, tanghali, hapon at gabi!" Sigaw ni Zaiah pabalik kay Franz.
"Eww! Francisco Romero is so kadiri! My name is Franz!"
"Che! Dami mong arte, bakla!"
"May karapatan akong mag inarte kase maganda ako! Tsaka h'wag ka masyado umasa na maganda ka teh, masasaktan ka lang."
"For your information, Hindi ko na kailangan pang umasa kasi maganda na talaga ako! "
"For your information din, mas maganda ako sayo! " Sigaw ni Franz habang bumababa sa hagdan.
Sunod na bumukas ang isa pang pinto mula sa isa pang kwarto. "Bakit pa kayo nag tatalo? Kahit anong pagtatalo pa ang gawin niyo, mas maganda padin ako sa inyong dalawa!" Nag mamalditang sigaw ni AK.
"Ang galing mo talaga mag joke AK! Funny mo! Natawa ako mga tatlo!" Sarkastikong sigaw ni Zaiah.
"Hindi yun joke bessy, totoo yun! Truth hurts ika nga, tanggapin n'yo nalang na mas maganda ako sa inyo." Nasa baba na din si AK.
"Che! Isa kang ulikba! 'Wag kang sasabat! Kapag ganda ang pinaguusapan!" Si Franz.
"Eww sinong ulikba? Ako? Duh? Sa ganda kong 'to, tatawagin mo lang akong ulikba?! Pwe! Ikaw mukha kang palaka!" Malandi ang pagkakasabi ni AK dito.
"Mga echuserang bakla! Ako ang pinaka maganda dito! Hindi kayo maganda, kasi gwapo kayo!" Napakaingay talaga ng bibig ni Zaiah.
"Ewwww!" Sabay na naisigaw ni Franz at AK.
"Bawiin mo 'yung sinabi mo huhu. I don't want to be gwapo, What I want is gwapo!" Nag iinarteng usal ni Franz.
Nakahiga padin ako sa kama at nakikinig lang sa pagtatalo nila kung sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Ganito sila tuwing umaga, palagi silang nagtatalo sa kung ano-anong bagay. Minsan nga napagtalunan na nila 'yung kung paano nagka-bonfire sa ilalim ng dagat sa spongebob. Tuloy tuloy lang ang sigawan nila at ako naman ay nakikinig sa kanila. Hays nakakatamad bumangon. Bale ilang minuto din akong gano'n, yung hindi gumagalaw at bumabangon mula sa kama. Maya maya pa'y narinig ko silang tatlo na naglalakad palapit sa pintuan ng kwarto ko.
"Mayora Jackie! Gumising na po ikaw kamahalan! Nakahanda na po ang agahan! Baka naman gusto mo na bumangon at bumaba?" Sabi ni Zaia mula sa labas ng kwarto ko. Naka lock kasi ang pinto ng kwarto ko kaya nasa labas lang sila.