JACKIE
As I expected, tinadtad nga nila ako ng mga tanong at hindi sila tumitigil hangga't 'di ako nag sasalita. Kun'di iling ay 'tss' lang ang sagot ko kapag nag tatanong sila. Hanggang sa paguwi namin ay hindi padin nila ako tinatantanan.
"Hoy bakla, anyare ba kase? Bakit ba ayaw mong mag kwento? Ha?" Tanong ni Franz habang kinakain yung cake na galing sa fridge.
Sinipsip ko lang yung dutch mill ko at nag kibit balikat habang nakatingin sa kanya. "Nakakatamad mag salita."
"Gusto mo lang solohin yung gwapo kanina eh! Kaya ayaw mo mag kwento." Sabat ni Zaiah.
"Tsh. Sasapakin ko ba 'yun kung gusto ko siyang solohin? Tsk." Tinuloy ko ang pag inom ko sa dutchmill ko. Tss. Nabubwisit padin ako tuwing naaalala ko yung manyak na 'yon. Akala niya yata lahat ng Babae ay papayag na halikan siya, pwes ako hindi.
"Edi ikwento mo na kasi." Ani AK.
"Oo na nga! Nang matahimik na kayong tatlo diyan." Napipilitan Kong sabi. Alam kong hindi talaga nila ako titigilan hangga't 'di ako nagkukwento sa kanila. Tuwang tuwa silang tatlo at napapalakpak pa na parang bata. Naubos na ang iniinom ko kaya kumuha uli ako ng bago sa fridge. Madaming stock ng dutchmill dito sa fridge kasi pabirito ko 'yon.
"Oh bilis! Ano nang nangyari kanina?" Halatang excited si Franz.
Kinwento ko na sa kanila lahat ng nangyari, simula sa kung pa'no siya natapunan ng kape tapos sa gusto niya daw akong halikan hanggang sa sinapak ko siya. Parepareho silang nakanganga habang nag kukwento ako na para bang manghang-mangha sila sa mga sinasabi ko. Sumipsip naman muli ako sa iniinom ko habang tinitignan sila.
Mga mukhang tanga 'to.
"Grabe ka bakla, ang mga gano'ng mukha, 'di dapat jinojombag. Sayang ang gwapong face, baka masira lang." Sambit ni Franz habang puno ng cake ang bibig niya.
"Lagot ka sa mga fans no'n, heartthrob ng school natin 'yon. Baka sugurin ka ng mga babae kasi sinapak mo siya." Sabi ni Zaiah na para bang nagbabanta siya.
"Tss. Walang problema, sasapakin ko din sila." Walang gana kong sabi.
"Gaga ka talaga. Hahaha" natatawa pa si AK.
"Raiko Axel Montereal ang name niya. Oh diba grabe! Pangalan pa lang halatang gwapo na? Mygosh!" Ani Franz at kinikilig pa.
"Oo nga juzko bez! Tapos ang hot niya din!"
"Engineering din daw s'ya! OMG meant to be yata kami."
"Gaga. Asa ka, landi mo. Tse!"
"Pero wow Jackie ha? Sa gwapo niya na 'yun, natanggihan mo pa ang kiss niya mygod, sinapak mo pa!" Parang 'di makapaniwalang sambit ni Zaiah.
Nagkibit balikat ako bago magsalita. "I don't care, he's pervert."
"Sus! Eh kung gano'ng kagwapo naman eh, gora na!"
"kung ako nga 'yon, kering keri, laplap na ag- aray ko! gago masakit!". Hindi natapos ni Franz ang sasabihin niya ng pingutin ni AK ang tenga n'ya.
"Napaka dumi ng utak mong bakla ka, tsaka 'di ka papatulan no'n. Kadiri ka!" Sambit ni Zaiah na animo'y diring diri sa sinabi ni Franz.
"Shrue. 'Di 'yon pumapatol sa palaka." Sabat ni AK.
"Tse! Mas lalo naman sa ulikba!" Pinandilatan ng mata ni Franz si AK.
"Matutulog na 'ko."
"Okay! Goodnight Jackie!" Sabay sabay nilang sambit. Tinanguan ko na lamang sila at dumiretso sa kwarto ko. May bathroom din sa second floor kaya kumuha ako ng pajamas at T-shirt tapos naligo. Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko.
***
Break time na kaya dumiretso na kaming apat sa cafeteria. Humanap na ako ng bakanteng table at naupo do'n. Silang tatlo na kasi ang bibili ng pagkain namin kaya aantayin ko nalang sila.
Nilibot ko ang paningin ko ng mahagip ng mata ko ang titig ng isang lalake, titig ng lalakeng sinapak ko kahapon, Si Raiko. May isang table sa pagitan ng table namin at nakaupo siya na nakaharap sa'kin. Hindi manlang siya nagiwas ng tingin ng mahuli ko ang titig niya, bagkus lalo pa siyang tumitig sa'kin, ngumisi pa ang siraulo. Tinitigan ko siya ng walang emosyon sa aking mukha, napakunot ang noo niya.
"Oh mayora Jackie! Ayan na po ang dutchmill mo." Naupo na si AK at iniabot sa akin ang inumin ko, naupo nadin si Franz at Zaiah.
"Salamat." Sabi ko at ininom na iyon.
Muli akong napatingin sa table ni Raiko at napansin ko na may kasama na siya do'n, tatlong lalake, bale apat nadin sila sa table kagaya namin. Tinignan ko siya, tumatawa siya habang kakuwentuhan ang mga kaibigan niya at napalingon naman siya sa'kin at ngumisi pa siya ng nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya't nagiwas agad ako ng tingin.
Bakit ba ang hilig tumitig at ngumisi ng lalakeng 'yun? Sapakin ko ulit siya diyan eh.
Nakinig nalang ako sa usapan ng mga kaibigan ko. Maya maya pa'y tapos na ang break time kaya nagsi alisan na ang mga estudiyante sa cafeteria.
"Wala na'kong klase hanggang uwian, just text or call me pag uuwi na kayo para makasabay na ako sa inyo." Paalam ko sa kanila.
"Teka, sa'n ka naman pupunta?" Tanong ni Zaiah.
"Sa library lang."
"Ah. Okay babush!" Paalam nilang tatlo at saka umalis. Umalis nadin ako at pumunta na sa library.
Pagpasok ko ay hindi na ako napansin ng librarian dahil busy siya sa computer niya, dumiretso nalang ako sa loob at naghanap ng libro. Madalas ako dito sa library kapag walang ginagawa, nagbabasa ng mga pwedeng basahin pero minsan natutulog lang ako. Hindi naman talaga ako mag babasa ngayon, matutulog lang ako dito. Umupo na ako sa pinakadulong upuan ng table, sinubsob ko na ang mukha ko sa braso ko na nakapatong sa table para matulog.
Nagising na lang ako ng naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Nakita kong tumatawag si Zaiah kaya't sinagot ko agad ito.
"Jackie! Nas'an kana? Uwian na!" Medyo nilayo ko ang tenga ko dahil ang lakas ng boses ni Zaiah mula sa kabilang linya.
"Eto na, papunta na 'ko."
"Bilisan mo! Gutom na 'ko!"
"Bakit? Nasa'kin ba yung pagkain mo?"
"Kingina mo Jackie! Bilisan mo nalang!"
"Oo na sige bye." Tinapos ko na ang tawag. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na 5PM na pala.
Damn, ang tagal kong natulog.
Lumabas na ako ng library at dumiretso na sa parking lot, nakita ko na silang tatlo na nakatayo sa labas ng kotse ni Zaiah habang nag kukwentuhan. Napansin na nila akong nag lalakad palapit kaya kumaway sila sakin at tinawag ako. Tinanguan ko sila at nang makalapit na ako ay sumakay na kaming lahat sa kotse at umuwi.
End of Chapter 3
Naks nag double update na Hahahaha
Votes and Comments are highly appreciated.
<3