Chapter nine

78 3 5
                                    

Pagkatapos naming makausap ang Dean ay agad na kaming lumabas mula sa opisina nito.

Ang madaming tao kanina? Mas nadagdagan pa ngayon. Like what the hell? Crowd ang hallway!

"Steph antayin mo nalang ako sa baba I should submit my activity to my professor. Promise babalik ako agad" Thomas suddenly said

Psh. Kahit di na siya babalik. I can handle myself here! Mas mabuti pa nga yun! Para malibot ko tong school. But I should wait him masyadong maraming tao and take note I don't even know them

Tumango nalang ako bilang pagtugon sakanya. Agad naman siyang umalis at ako? Aalis din! Naglakad na ako papuntang stairs para makababa. Nasa 4th floor ako actually malayo layo pa ang ground floor argh! Good luck for my feet! Tsk. Bat ba kasi andaming tao? Ayan tuloy di ko magamit ang elevator. Lol! Andami kayang mga studyante na gumamit dun! Alangan namang makipag siksikan ako? May hagdan naman dito.

While walking nag observe din ako. Ang linis dito kahit sa hallway. Parang nahiya ang dumi sa kalinisan. Ang mga classrooms? Ay kakaiba! Kung sa school ko dati ay line ang arrangement ng chairs dito pa curve. And if armchair ang gamit sa school ko dati? Dito lamesa at upuan na parang nasa restaurant ka lang.

Nice. Kakaiba ito. Sana kakaiba din ang pamalakad nila dito. I think bagong buhay na ako dito. Why? May rules sila every transferee students. Iba't ibang rules. Naka depende sa attitude mo at sa record ng good moral mo. Like for example I got trouble at my old school kailangan dito di ako makahanap ng away because my tatlong warning sila at tatlong offenses. At kung di mo pa nabago ang sarili mo. Madagdagan ang tuition mo. Every warning 5k na ang idagdag evey month. At evey offense 10k every month. At kung Hindi ka pa talaga sumusunod sa rules madagdagan ang tuition mo hanggang sa may utang kana sa school. Di mo to mabayaran into money kundi serbisyo ang ibabayad mo. Instead of makahanap ka ng matinong trabaho kapag graduate kana ay mapunta lang iyon sa pagiging janitor, guard,tindera sa canteen atbp. Pagpipilian mo lang yan.

Pero may advantage naman about sa rules. Pwede kung gawin ang gusto ko basta wala akong nilalabag sa rules ko.

Hindi na din ako makapag transfer sa ibang school dahil pinili ko daw ito kaya dito na daw talaga ako. Ehh? Di naman ako ang pumili dito tss.

Ang pwede lang maka transfer sa ibang school ay yung hindi transferee pero hindi na sila makakabalik pa dito. Kung nag transfer daw ka meaning ayaw mo sa school nila. Kaya wag mo na dawng balikan. Kakaiba diba?

Narating ko na ang ground floor. Naghanap na ako ng vacant bench. And dang! Ayun! May vacant. Pupuntahan ko na sana ng--

"Holy fucking shit?" Nanggalaiti kong mura. Tang ina lang? Natapunan ako ng mainit na kape! At itong lalaking nakabangga ko? Tinitigan ako ng walang ekspresyon.

"What? Di ka magso-sorry? Titigan mo lang ako hanggang sa matunaw ako dito?" Taas kilay kong sabi

"Careless!" Cold niyang sabi. At yun! Umalis!

My Enemy Becomes My BoyfriendWhere stories live. Discover now