Chapter 3: Modus

135 2 1
                                    


"Karylle.."



...

"Teka? Paano mo nalaman pangalan ko?" nagtatakang tanong ng babaeng kaharap ni Vice

"Karylle.."

"Alam mo,Hindi ka lang bastos...Stalker ka pa!! Ano pa ba mga modus mo ah? Snatcher,Holdaper, Rapi--"

Naputol ang pagbubunganga ng babae sa biglang pagyakap sa kaniya ni Vice ,na agad na ikinagulat nito


"Hoy bakla ka! Bumitaw ka nga! Rapist! Tulong! Tulong! Huhuhuhuhu! Wag pooo!"

"Karylle..I miss you." yakap pa na mahigpit ni Vice

"Parang awa nyooo naaa! Tulong!! Rapist na bakla!!! Huhuhuhuhu!!" tinulak na ng babae ang kanina pang yumayakap sa kaniya na si Vice

"Ano bang problema mong bakla ka!" nakahanda na ang kamao nito at handa na ring dumapo sa mukha ni Vice

"Karylle naman, tama na yung isang sapak kanina masakit na.."

"Masamang loob ka! Isusumbong kita sa pulis!" sigaw ng babae na agad kinuha ang cellphone nito

"Sandali !" Inagaw ni Vice ang cellphone na hawak ng babae na nokia na dipindot

"Aba! Hoy ibalik mo yan! Magnanakaw ka!!"
Hinampas nya ng bag si Vice ng pa ulit-ulit

"Aray! Sandali lang Karylle!"

Tumigil na sya sa paghampas kay Vice kasi nakita nya na nanamumula na ang balat nito

"Pasalamat ka may konsensya ako,ikaw wala ka bang konsensya? Di ka man lang nag-sorry,muntikan mo na akong mapatay,tapos stalker ka pala,tapos irarape mo pa ako,tapos ngayon kinuha mo naman yung cellphone ko!" iritang sabi ng babae

"Karylle.."

"Ano kanina ka pa Karylle ng Karylle dyan?! Huhugutin ko yang peke mong buhok eh.."

Hinawakan naman agad ni Vice ang buhok nito

"Wala bang masakit sayo? Dalhin na kita sa hospital?"

"Hindi na kailangan,okay na ako." mahinahon na sabi nito

"Marunong ka pa lang mag-salita ng hindi sumisigaw.."

"Ano?!"

"Wala!"

"Aba ikaw pa tong may ganang manigaw!?"

"Wala." pabulong na sabi ni Vice

"Kairita kang bakla ka,tumabi ka na nga aalis na ako."
Aalis na sana ang dalaga pero bigla siyang hinarangan ni Vice

"Tabe!"

"Karylle,hindi mo ba ako nakikilala?"

"Eh,sino ka ba? Eh hindi ko nga alam pangalan mo!" naiiritang sabi ni Karylle

"I'm Vice."

"Vice mayor ka?"

"Hahaha Karylle not funny."

"Tulok.umalis ka na nga dyan hindi ako nakikipag biruan sayo."

"Ako rin hindi nakikipag-biruan."

Not A ViceRylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon