Prologue

1.9K 72 18
                                    

AN: Btw, eto yung time na mag-asawa na sila. May flashback din nung college chuchu nila. Namiss ko lang sila kaya ko ginawa to pero sandali lang 'to. Depende hanggang saang chapter.

***

"COME on, Joohyun. It's… it is just a hug! A fucking hug!" Bulyaw ko sa asawa ko. Nakaupo ako sa kama habang nakalagay ang kanang kamay ko sa sentido ko. Eto na naman kami, nag-aaway. Alam ko namang selosa si Irene. Alam kong bipolar sya at may topak. Pero kasi minsan, nakakasawa na lagi nalang kaming ganito. Lalo na't pagod pa ako ngayon.

Nakatayo sya sa harap ko at kita ko ang pain sa mga mata nya, wala pa din syang pinagbabago. Walang emosyon ang mukha nya pero salungat nito ang pinapakita ng mga mata nya.

"A fucking hug that means everything. Yeah?" Mahinang sabi nya. Umiwas sya ng tingin sa akin at nagcross arms. Hindi na sya nagsalita kaya naman napatitig ako sa kanya. Umupo sya sa couch dito sa kwarto namin.

"What?" Bumuntong hininga ako, "What are you saying? Niyakap nya lang ako, then tapos na. Kaibigan ko sya, Irene. Malamang at namiss namin ang isa't isa pero hindi ibig sabihin 'non na pinagpapalit na kita."

Hindi sya umimik kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanya, "Baby love… ikaw lang ang mahal ko, wag na natin pagtalunan ang mga ganitong bagay…" Sabi ko pa, hinila ko sya papatayo upang mayakap ko sya. Hindi ko kasi kaya pag nasasaktan sya ng dahil sa akin. Ayokong matulog ng ganito kami. Ayokong matulog na may samaan kami ng loob.

"Don't go, don't leave me." Yan ang mahinang usal nya habang nakayakap sya at nakasubsob sa leeg ko. Hinimas-himas ko naman ang likod nya. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mahinang hikbi nya kaya naman kumalas ako at tinignan sya.

And there she is, crying like a baby.

"Baby love…" Nakonsensya naman ako at nasigawan ko pa sya kanina. Nanghihina talaga ako tuwing nakikita ko syang umiiyak. "Don't cry, I won't leave you. Alam mo 'yan, diba? Nagseselos ka lang, okay? And it's normal. Naiintindihan kita. Iintindihin kita. Hindi ako magsasawa sayo." Mahinang sabi ko at pinunasan ang luha na tumutulo mula sa mga mata nya. Natatakot lang siguro sya. Nakakapanibago dahil hindi ganito si Irene. Parang nagiging emosyonal sya these past few days.

Humigpit ang hawak nya sa akin, "Thank you. I love you, idiot." Sabi nya sa akin kaya napangiti ako. Okay na sya kasi harsh na naman sya sa akin.

"I love you too, Mrs Kang."

***

Ideal wife » seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon