Chapter 1

1.4K 71 48
                                    

***

NAPAKAMOT ako ng ulo lalo na nung tuwang tuwa pa si Ayesha na kinakalat ang ice cream sa lamesa. Hindi ko na alam ang gagawin sa batang iyan. Mabait naman sya pero sobrang tigas ng ulo. Ang sakit na talaga ng ulo ko lalo na't naiwan pa ako sa batang ito. Para bang tinadhana na iwan ako sa kanya at pagurin ako kakalinis ng mga kinakalat nya.

"Ayesha. Ano na naman bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya at napabuntong hininga habang nakahawak sa bewang ko. Kanina pa ako stress na stress sa batang 'to. Iwan ba naman kasi ako ng asawa ko. Umagang-umaga umalis dahil kailangan daw nyang samahan si Jennie.

Inosente naman syang tumingin sa akin habang may strawberry ice cream pa sa kamay nya, "Dad, wala po akong ginagawa." Parang walang kasalanang sabi nya. Napailing ako at napatampal sa noo ko. Ang malas ko nga naman at nagday-off pa ang mga katulong namin ngayon.

"Anong wala? Kinakalat mo lang naman yan. Sinasayang mo na nga, nagkakalat ka pa." Pangaral ko naman, binasa ko ang basahan at pinunasan ang mesa na punong puno ng ice cream na kinalat ng butihin kong anak. "Anak, hindi porket bine-baby ka namin, mag-aakto ka din ng parang bata. Alam mo na ang tama at mali. Stop being a spoiled brat." Sabi ko naman. Kasalanan ko din naman 'to, masyado ko syang bine-baby. Eto na nga ba ang sinasabi ni Irene, lalaking spoiled brat ang anak namin.

Nagpout naman sya. And I swear, kamukha talaga nya si Irene kahit na hindi namin sya ka-dugo. Aware naman sya don and thankful kami na naiintindihan nya.

"Sorry, Dad." Pumunta sya sa lababo at hinugasan ang kamay nya. Napangiti naman ako dahil kahit na ganyan sya, mabait syang anak sa amin. Nirerespeto nya kami. Thankful ako na nakita namin sya noon. Dahil aaminin ko naman na para na namin syang anak. Na kulang ang bahay na 'to kung wala sya. Aigoo, my baby girl.

Lumapit sya sa akin at niyakap ang binti ko kaya naman napangiti ako, "I love you, daughter. Hindi kita pinapagalitan, okay? Pinagsasabihan lang kita." Hinimas ko naman ang ulo nya at nakakaintinding tumango sya. "Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. And we're trying our best para mapalaki ka ng maayos." Nakangiting saad ko.

"I love you too, Dad." Sabi nya kaya naman binuhat ko sya at niyakap. I love this little girl so much. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala sya sa amin. Mahal na mahal din sya ni Irene, syempre. Kahit na ang mga Tita nya. It means, yung barkada.

"Wow naman, ang sweet ng mag-ama mo, Joohyun. Nakakainggit." Umalingawngaw ang boses ni Jennie kaya naman binaba ko si Ayesha. Nakita ko na kakapasok lang nila kasama si Yeri, Yongsun at syempre, ang asawa ko, si Irene.

"MOMMY! Tita Nini! Tita Myemim! Tita Soso!" I almost laugh at Yongsun's nickname. Oh gosh.

"Hi baby Yesha." Binuhat ni Jennie si Ayesha at ayun. Nagusap-usap na sila don.

Si Irene naman ay lumapit sa akin at binaba ang pinamili ata nila. Awtomatiko namang niyakap ko ang bewang nya at bumuntong hininga sya.

"So, kamusta ang ilang oras na kasama mag-isa ang anak natin?" Tanong nya sa akin. Napatawa ako ng mahina at napatingin muna kay Ayesha. Nakita ko na nakaupo sya sa lap ni Yerim habang dinadaldal nya 'yung tatlo. Ang kulit talaga.

"A big mess." I chuckled, "But it's fun. Para namang hindi pa ako sanay sa anak natin. Eh kahit nung baby palang 'yan, naninipa na yan." Napatawa sya sa sinabi ko.

"Sira ka." Mahinang sabi nya. Napatitig naman ako sa kanya at hinawi ang mu-munting buhok na humaharang sa maganda nyang mukha. Ilang taon na ang nakalipas pero ang ganda-ganda nya pa din.

"Ang ganda mo talaga." Bulong ko sa kanya kaya naman napangiti sya ng matamis sa akin.

"I know, silly," She winked. Oh gosh, ang sexy nung wink nya. "Ikaw, ang panget mo pa din." Napanguso naman ako dahil binubully na naman nya ako.

"Thank you ha," Sarcastic na sabi ko sa kanya, "Sobrang naappreciate ko, Mrs Kang." Napangiti naman sya sa tinawag ko sa kanya at ramdam ko ang kamay nya na niyakap ang leeg ko.

"I love you." Eto naman at biglang magsasalita ng ganon. Parang kanina lang at nilait nya ako tapos ngayon naman, ganyan sya. Hanggang ngayon, bipolar pa din sya.

I smiled, "I love you too." Bulong ko sa kanya. "Pero gutom na ako." Sabi ko sa kanya kaya naman tinignan nya ako na para bang hindi makapaniwala.

"Nag-iwan naman ako ng pagkain kanina, ah?" Sambit nya kaya naman napatawa ako sa kanya at mas nilapit sya sa akin.

"Nakain na namin yun, baby love. Gutom lang talaga ulit ako ngayon." Nakangusong sabi ko kaya naman napangiti sya.

"Ang takaw mo talaga, panget." Sabi naman nya sa akin kaya napairap ako dahil sa panlalait nya. Ganyan na talaga sya. At minahal ko din ang mga 'yan sa kanya. Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi nya ako naiinsulto. Hindi sya si Irene kung hindi nya ako nilalait.

Kumalas sya sa yakap at pinisil ang ilong ko, "Ipagluluto kita. Dun ka na muna sa anak mo." Sabi nya sa akin at tumango naman ako na parang bata. At dahil masunurin ako, pumunta ako sa sala at tumabi kay Jennie na kasalukuyang nagtetext. Si Yongsun naman at Yerim, nililibang ng anak ko. Ang dami talagang kwento ng batang 'yan. Sa dami ng kwento nya, pati ako minsan, nagagawan na nya ng kwento. Siraulo 'yan, eh.

"Pupunta daw dito si Lisa, Wendy at Jisoo." Sambit ni Jennie habang nakasandal ako sa balikat nya. Inaantok kasi ako, eh. Pero mas lamang yung pagkagutom kaya naman eto ako, iniintay ang niluluto ng asawa ko.

"Wag na kamo, at baka masapak ko lang si Manoban." Sabi naman ni Yerim na buhat buhat si Ayesha. Napabungisngis naman ako sa sinabi nya.

"Your road." Sabi naman ni Yongsun sa tabi nya na parang tanga din.

"Nako, baka magiba na ang bahay namin pag dumating pa 'yung tatlo." Sabi ko naman.

"Sus. Matibay kaya ang bahay nyo. Hindi nga nagigiba pag nagsese—" Hindi pa natatapos ni Jennie ang sasabihin nya dahil nabatukan ko na sya.

Siraulong 'to, may balak pa sabihin yun sa harap ni Ayesha!

***
043018

Ideal wife » seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon