Naglalakbay ang kanang kamay ni Atarah sa pisngi ng lalaking nasa kanyang harapan pababa sa dibdib nito. Tumigil ang pagdausdos nito sa parteng pusod ng lalaki. Nakakapasong init naman ang kanyang nararamdaman sa tuwing nagkakadikit ang kanilang mga balat.
Mapagtanong ang ginawa niyang titig sa mga mata nito.‘Ano ba ang meron sa’yo? Bakit nagagawa mong pagalawin ang mga kamay ko sa iba’t-ibang parte ng katawan mo?’ Mga katanungan na naglalaro sa kanyang isipan. Katanungan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan ngunit kanyang pinipigilan.
Sa kabila ng kabang nararamdaman ng mga oras na iyon, nagtagumpay siya sa planong tanggalin ang suot nitong damit. Lumantad naman sa kanyang harapan ang mala adonis na hubog ng katawan nito. She’s speechless.
Malalalim na paghinga naman ang naging tugon ng lalaki sa ginagawa niya. Gusto niyang mabaliw ito sa kiliting nagagawa niya. Ngunit bakit siya pa ang mas nababaliw sa mga oras na ito?
Lalong naging mainit ang mga sumunod na eksena nang higpitan ng lalaki ang pagkakayakap sa kanyang beywang. Libo-libong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan ng mga oras na iyon. Hindi niya ipinahalatang kinakabahan sa ginawa ng lalaki sa kanya. Bagkus, hinayaan niyang dumikit ang kanyang dibdib sa katawan nito. Tama lamang para maramdaman niyang mabato’t mala-pandesal ang katawan ng kasayaw.
Mapang-akit siyang ngumiti rito at sabay bulong. “I conclude that you also want more than this.” Patuloy naman sa paglalakbay ang kanyang kamay sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.
Mas lalong umingay ang tugtog ng musika sa loob ng bar. Makalipas ang ilang minuto ay pinatugtog ang kantang “Careless Whisper”. Mapangahas ang sumunod na ginawa ni Atarah nang hilahin niya ang kasayaw at siilin ng halik.
Nagtagal ang inaasahan niyang limang segundong halikan nang tinugunan ito ng lalaki. Inaamin niyang nahihirapan siyang sabayan ang galaw nito sa loob ng kanyang bibig. Masyadong maalam, mabilis at siguradong hahanap-hanapin niya ito. Isang halik na pinagsasaluhan lamang ng dalawang taong uhaw na uhaw sa isa’t-isa.
Umabot ng labinlimang segundo ang halikang iyon. Kinakapos na siya ng hininga nang bitawan siya nito. Muli niyang tiningnan at kinabisado ang hugis ng mukha nito, ang kulay abo nitong mata pababa sa manipis at hugis pusong labi na ngayon ay nakadapo na sa kanyang mga labi.
Bumalik si Atarah sa kanyang ulirat. Gustuhin man niyang muling matikman ang halik nito at ang susunod na maaring gawin nito sa kanya ay kailangan niyang pigilan ang sarili. Binabalot pa siya ng takot na muling sumubok magmahal.
Nandito rin siya para magpakasaya’t makalimot sa sakit na dulot ng una niyang pag-ibig. Nanghihinayang man noong una, mas pinili na niyang magpaalam dito. Mas pinili niyang tapusin agad ang nagsisimula pa lamang na kwento sa pagitan nilang dalawa.
“Thanks. I really appreciate the taste of your lips that touches mine.” ang nasambit ni Atarah sa kasayaw niya. Hindi niya maintindihan kung bakit iyon na lamang ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Matapos iyong sabihin, tumalikod siya’t naglakad papunta sa bar counter kung saan nakaupo ang kaibigang si Mariko. Habang hawak-hawak niya naman ang kanyang dibdib na animo’y malalaglag kapag binitawan niya ito.
Hindi niya inisip na darating sa punto na makikipaghalikan siya sa isang estranghero sa gitna ng maraming tao. Ngunit bakit kakaiba ang dating ng lalaki sa kanya? Bakit ganun na lamang ang epekto nito sa kanyang sistema?
“Woah! Ikaw na talaga Laxx Atarah Luna. Does it mean that with that kiss you’ve already forgot about Eris? O baka naman you’re attracted with that man kaya you did it for the first time in history? “ang makahulugang tanong ng kaibigang si Mariko na may hawak na wine glass.Umupo siya sa kanang bahagi ng kaibigan at humingi ng baso sa lalaking nasa counter. Nagsalin siya ng inumin bago sinagot ang tanong nito.
“Ang lambot ng labi niya. It feels like I was in heaven for the first time.” hinawakan niya ang labi para muling damhin ang nangyari kanina. Di niya maitago na sa unang pagkakataon, isang malambot at masarap na halik ang kanyang natikman mula sa lalaking hindi niya iniibig.
YOU ARE READING
Tacloban: Flaming Love of the East
General FictionMalamig ang simoy ng hangin na tumatama sa makinis na balat ni Atarah. Sumasabay naman sa kanyang hakbang ang pagsayaw ng alon sa dagat. Papalubog na ang kulay dugong araw nang maisipan niyang maglakad-lakad sa dalampa...