Nagising si Atarah dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa bintana ng kanyang kwarto. Kagabi’y hinawi niya ang kurtina na nakatakip dito para masilayan ang mga bituin habang nagkwekwentuhan sila ng kaibigang si Mariko. Tiningnan niya ang cellphone at napabalikwas ng bangon ng makitang alas syete na ng umaga.
“Besh, gising na. Ihahatid mo pa ako.” Malambing niyang sabi habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Mariko. Sigurado siyang naiingayan ito sa kanya at nagtatakip na ng tenga ang kaibigan. Matapos ang limang katok ay dumiretso naman siya ng banyo para maligo.
She’s very excited to see her family today. At the same time, nalungkot siya dahil pansamantala niyang hindi makakasama ang kaibigan. If only things go on the way she want it to be, then she think this won’t happen. But life must go on, at ito ang napili niyang paraan para magpatuloy sa buhay.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay pakanta-kantang lumabas ng banyo si Atarah. Sinabayan pa niya ng actions ang pagkanta ng ‘Love drunk’ ng Boys like girls. Sumabay naman sa kanyang pagkanta si Mariko na naghahanda ng kanilang agahan.
“And now it’s over!” pagdiin nila sa lyrics na iyon at sabay naman silang nagtawanan.
“Dahil last day mo na dito sa condo. I need to cook for you. Syempre I cooked your favorite fried liempo with bagoong sauce, ensaladang talbos ng kamote, chicken soup at syempre di mawawala ang plain rice dahil alam kong ayaw mo ng fried rice.” Ang sabi ni Mariko habang inaayos ang kanilang agahan.
Lumapit agad siya sa mesa at kumuha ng pagkain. Tuloy naman ang kanilang kwentuhan habang nasa hapag-kainan. She will surely miss her life in Manila with her friends. She will surely miss everything. But, this is it. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay.
“Sure ka na ba?”
“Sigurado na ba yan?”
“Hindi na ba magbabago ang isip mo?”
“No second thoughts na ba?”
Ang sunod-sunod na tanong ni Mariko sa kanya. Walang dalawang isip ang sagot niya dito, yes. Hindi na magbabago ang kanyang desisyon. Pagkatapos ng kanilang agahan ay pinagtulungan nilang dalhin ang mga gamit ni Atarah pasakay sa kotse nito.
Alas otso ng umaga nang umalis sila ng condo. As usual, ma traffic na naman sa Edsa. Pasado alas dyes naman nang tuluyan nilang marating ang NAIA. She already feels the drama that will happen upon saying goodbye on her friend.
“Sana besh, three months mo akong pinaghanda. Di mo ba alam ang three month rule?” ang makahulugang sabi ni Mariko sa kanya ng makarating sila ng airport. Naka pouty lips pa ito ng sabihin ang mga katagang iyon.
“Ang drama mo besh. Di ako sanay. At applicable lang ang three month rule na yan sa isang relationship.“ sagot naman niya ditto.
“Kung para sa kin, kung para ako dito. Muli akong hihilihin ng pagkakataon pabalik kung saan ako nagsimula. ” dagdag pa niya trying to hide the loneliness that she’s feeling at the moment.
“Basta besh ah. Wag mo ko kakalimutan. I’ll visit you there.” Ang sabi ulit ng kanyang kaibigan. Hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay na para bang eksena sa isang pelikula kung saan aalis ang nakakatandang kapatid para magtrabaho sa ibang bansa.
“Make sure to visit me. Maghahanap tayo ng pogi dun.” biro naman ni Atarah. She still feels the sadness within herself. Alam niyang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay sa ibang kama na siya babangon at hindi na ito makikita.
“Well. You know me naman, so corner mo na lahat ng pogi dun sa inyo at gawa ka listahan. Bibisitahin ka namin ni Mark.” Muling ngumiti si Mariko sa kanya. Hindi na siya naihatid pa ng kaibigang si Mark dahil may appointment ito sa isang sikat na celebrity para sa cover of the month ng The Styles.
Pumasok na siya sa loob ng airport matapos ang kanilang usapan. Dumiretso siya sa counter para makapag check-in ng kanyang mga bagahe. Dala niya ang dalawang maleta at isang backpack. Pinili niyang iwan ang ibang gamit sa condo na tinutuluyan nila ni Mariko.
Ala una ng hapon ang alis ng eroplano. Mahigit tatlong oras din ang hihintayin niya sa waiting area. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nag log in sa account niya sa facebook. Saktong bumungad sa kanyang newsfeed ang in a relationship status kung saan naka tag si Eris.
‘Tsk. Hinintay niyo lang ata na mag resign ako.’ ang sabi niya sa sarili habang binabasa ang comments ng kanilang mga kakilala sa post na iyon.
Napailing siya sa kanyang reaksyon. Alam niyang hindi tama na maging bitter siya sa dalawa. Kung nakaya niyang hindi i-block si Eris sa kanyang social media accounts, makakaya niya ring tanggapin ang lahat. Klinik niya ang account ni Eris, pinindot niya ang unfollow saka muling nag log-out.
Hindi na masama para sa kanya ang ginawang iyon. May karapatan din naman siyang protektahan ang sarili kung nakakaramdam pa rin siya ng kirot sa kanyang puso sa tuwing lumalabas sa kanyang newsfeed ang pangalan ni Eris. She’s still in pain but in the process of moving on.
Nakaramdam na ng pagkabagot si Atarah sa pag-aantay ng kanyang flight. Gustong-gusto na niyang umuwi sa kanila at makasama ang pamilya. Makalipas ang ilang oras ay inanunsyo na ang kanyang flight. Tiningnan niya ang boarding pass bago tumayo sa upuan. Muling binasa ang mga detalye, seat 4B ang naka assign sa kanya.
Nang makasakay sa eroplano ay agad niyang hinanap ang naka assign na upuan para makapagpahinga kahit saglit man lamang. She’s tired. She really wants to sleep to gain her energy.
Napangiti naman siya nang makitang wala pa ang kanyang mga katabi. Hindi siya mahihirapang dumaan dito. Inayos niya ang sarili pagkaupo. Pinatay ang cellphone at pinasok sa backpack. Isinandal ang katawan sa upuan at pumikit.
Kailangan niyang makaidlip. Her happiness includes sleeping. Naalala pa niya ang mga panahong baguhan siya sa The Styles, she works 24/7. Masaya na siya na magkaroon ng limang oras na tulog lalo na kapag naghahabol ng deadline.
And now, she’ll start to enjoy her freedom. Ilang minuto pa ay tuluyan na siyang nakaidlip. Maya-maya'y naramdaman niya ang pagdaan ng tao sa kanyang harapan. Hindi na siya nagpasyang buksan ang mga mata. Ilang minuto din siyang nakapagpahinga.
Idinilat niya ang mga mata ng maramdamang nasa himpapawid na ang sinasakyang eroplano. Hinawakan niya ang gilid ng mga labi kung may laway ba ito.
‘Buti naman at wala.’ Bulong niya sa sarili. Pagkatapos ay kumuha siya ng salamin at tiningnan ang mukha kung maayos pa ba ang kanyang kilay. Iniisip kasi ni Atarah na ang pinakamagandang parte sa mukha ng isang babae ay ang kanyang kilay.
‘Buti na lang hindi nasira ang kilay ko.’ muli siyang napangiti dito. Naisipan niyang kumuha ng iilang litrato habang nasa himpapawid ang sinasakyang eroplano. Nang matapos kumuha nito ay saka lamang niya napansin ang lalaking nakaupo sa seat number 4A.
“Oh my god!” nanlaki ang kanyang mga mata nang mamukhaan kung sino ang kanyang katabi. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking nakaupo dito ay ang lalaking nakilala niya noong nakaraang linggo.
Maliban sa kanyang pagkagulat ay nahiya din siyang tumingin dito. Ngayon lamang niya naisip na nakakahiya pala ang ginawa niya. Kinuha niya ang voucher na nasa harapan at pasimpleng tinakpan ang kanyang mukha.
“Lupa lamunin mo na ako! Now na! ” muling bulong niya sa sarili. Pinagdarasal niyang sana ay hindi siya makilala ng katabi. Dahil pag nagkataon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ipaliwanag sa lalaki ang nangyari o aarte siyang hindi sila magkakilala.
Ngunit sa tuwing nahahawakan niya ang kanyang labi, hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari ng gabing iyon. Ang totoo ay gusto niyang maulit ang pagdapo ng malambot nitong labi sa kanyang labi. Ang totoo ay gusto niyang muling maramdaman ang init ng katawan nito sa tuwing nadidikit sa kanyang balat.
“Baliw ka talaga Laxx Atarah!” muling bulong niya sa sarili dahil sa kanyang mga naiisip. Napatingin pa sa kanya ang katabing babae ngunit dedma lamang ang lalaki. Hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin.
Iba ang gusto niyang gawin sa laman ng kanyang utak. Ngunit kailangan niya itong pigilan. Kailangang mawala sa kanyang isip ang mga ito.
Ilang minuto pa’y napansin niya ang pagpikit ng mga mata nito. Maaring katulad niya ay pagod din ito kaya hindi siya nito namukhaan. Sino nga ba siya? Ni hindi nga siya ang tinake-out nito ng gabing iyon.
Kung ano-ano na ang nabubuong katanungan at konklusyon sa utak niya ng mga oras na iyon hanggang sa mag-anunsiyo na ang attendant ng eroplanong sinasakyan niya na ilang minuto na lamang ay darating na sila ng airport ng Tacloban. Inayos niya ang sarili at tumuwid ng upo.
“He doesn’t remember anything. Good. Act as if you know nothing Atarah. That’s the best thing to do. “ ang sabi niya sa sarili nang makalapag ang sinasakyang eroplano sa aiport ng Tacloban.
Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri at sumunod na sa pagtayo ng katabi niyang babae. Diretso ang tingin niya habang naglalakad ngunit alam niya nakasunod sa kanya ang lalaki. Hindi naman pwedeng paunahin niya ito dahil siya itong mabilis pa sa alas kwatro kung kumilos.
Magkasabay nilang kinuha ang kanilang mga bagahe. Natamaan pa niya ito dahil sa kanyang pagmamadali.“Sorry.” Ngumiti siya kahit na kinakabahan na makilala siya nito.
“It’s okay.” Ang tugon nito sa kanya. Hindi man lang ito ngumiti. Mukhang suplado. Ibang-iba sa lalaking nakilala niya noong gabing iyon. Baka pagod lang din sa byahe. O baka kailangan niya itong painumin ng alak. Natawa pa siya sa kanyang iniisip. Nagiging pilya na siya.
Tumalikod siya dito na dala ang panghihinayang sa araw na iyon. Hindi man lang tinanong ng lalaki ang kanyang pangalan. Hindi man lang nito naalala ang nangyari sa pagitan nilang dalawa sa gabing iyon.
“Laxx Atarah Luna! Welcome home!” ang salubong ng kanyang pinsan na si Red. Kasama nito ang nobyang si Getel, anak ng konsehal sa kanilang lugar.
“Kelan kayo magpapakasal?” biro niya sa dalawa habang inabot sa pinsan ang mga bagahe.
“Syempre mauuna ka muna ate, di ba?” ang biro naman ng nobya nito na si Getel. Apat na buwan na lang ang hihintayin niya at madadagdagan na naman ang kanyang edad. Napapaisip tuloy siya kung makakapag-asawa pa ba siya sa lagay niya.
Sumakay na agad si Atarah sa pick-up na dala ng kanyang pinsan. Malaki na ang ipinagbago ng Tacloban simula ng masalanta ito ng bagyong Yolanda. Unti-unti na itong bumabangon.
Naninibago naman siya sa paligid. Walang traffic kahit uwian na ng mga trabahante ang ganitong oras. Wala masyadong tao. Tahimik sa kalsada. Nadaanan pa nila ang city hall ng Tacloban na di rin pinalagpas ng bagyo.
”Ang tahimik naman dito.” Sabi niya sa pinsan habang binabaybay ang kahabaan ng Tacloban proper.
“Parang di ka naman sanay. Sabagay, isang taon ka ring di umuwi dito.” Sagot naman ng pinsang si Red na nakatuon pa rin sa pagmamaneho ng sasakyan.
Dumiretso ng Capoocan sina Atarah nang matanggap ang mensahe ng kanyang ina. Sa lumang bahay nila gaganapin ang welcome party na inihanda ng kanyang mga magulang. Gustuhin man niyang manatili sa bahay nila sa Tacloban para makapagpahinga ng maaga ay wala na siyang magagawa dahil sa hiling ng kanyang ina.
Nawala ang pagod niya nang maabutang tila may fiesta sa kanilang bahay. Nandun ang kanyang mga pinsan, tiyahen at mga pamangkin. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga bata at nagmano.
‘Matanda na nga talaga ako.’ Ang nasa isip niya habang hinahalikan sa pisngi ang mga ito.
Sinalubong naman siya ng kanyang mga tiyahen pagkapasok ng bahay. Abot tenga ang mga ngiti nito nang makita siya. Hindi niya tuloy alam kung kakabahan siya sa mga ito.
“Kailan ka ba mag aasawa Atarah?” ang tanong na kinakatakutan niyang marinig mula sa mga ito. Kung dati ay kaya niyang sagutin ito, ngayon ay hindi niya alam kung magiging katulad ba ng dati ang mga kasagutang ilalabas ng kanyang bibig.
Naisip niya na mas mabuting suklian na lamang niya ng ngiti ang tanong ng kanyang tiyahen. Nagtagumpay naman siya sa kanyang ginawa dahil hindi na ito nasundan pa ng ibang katanungan.
Sa loob ng dalawang buwan ay walang ibang ginawa si Atarah kundi ang tumulong sa farm ng kanyang magulang. Mahigit dalawang ektarya ng lupain sa Capoocan ang pagmamay-ari nila. Halos kalahati ng kinikita nila ay nanggaling sa kanilang niyugan. Umabot ng dalawang buwang tambay si Atarah.
Unang lingo ng buwan ng Pebrero nang makasalubong ni Atarah ang kaibigang si Jacob sa Robinson’s Tacloban. Malaki na ang ipinagbago nito at mas lalo pang pomogi. Niyaya siya nitong mag coffee at agad naman niya itong pinaunlakan.
“So kumusta lovelife natin?” ang pauna nitong tanong sa kanya. Alam na niya ang isasagot dito. Dahil nakabisado na niya ang mga sasabihin sa tuwing tinatanong siya kung kailan mag-aasawa o kung may lovelife ba siya.
“Ayun! Zero! Wala na kami ni Eris!” nakangiti niyang sagot dito. Sa muling pagbanggit niya ng pangalan ni Eris ay hindi na niya maramdaman ang sakit doon. Marahil ay unti-unti na niyang nakalimutan ang mga nangyari sa Maynila.
“Oh? Kaya pala di ka na nag-uupdate sa facebook. Saan ka pala nagwowork ngayon?” muling tanong nito at kinuha ang cellphone sa bulsa.
“I don’t have any work right now! Though I want to study everything regarding our business, still I want to work sana in my own field. The problem is mahirap maghanap dito ng media related work.” nakangiti niyang sagot dito sabay inom ng kape.
She understands that everything will change when she decided to stay in Tacloban.
“Wait. Let’s take one picture nga muna.” Pagpapaalam ni Jacob sa kanya.
“Sure. Tapos upload mo sa facebook then tag mo ko.” Natatawang sabi ni Atarah sa kaibigan at nag pouty lips nang i-click nito ang capture button.
“Ang ganda mo pa rin. Btw, will you consider applying for Zega Steel? Hiring kami ng sales coordinator.” Tugon ng binata sa sinabi niya at ibinalik muli ang cellphone sa bulsa. Mukhang wala itong ideya sa kung ano ang naging trabaho niya sa Maynila.
“What? Sa tingin mo babagay ako dun? I don’t have any background sa sales and marketing.” ang sagot naman niya kay Jacob.
“Don’t worry. Madali lang naman ang magiging trabaho. I’ll guide you on your work hanggang sa matuto ka. Mas madali kasi magpasok ng kakilala compare sa mag-aapply ng walang backer sa loob.” Diretso nitong sabi sa kanya sabay ngiti.
Naiintidihan niya ang ibig sabihin ni Jacob. Bilang head ng sales and marketing department, mapagkakatiwalaan ang pagpili nito sa kanya. Ngunit bakit siya? Kailangan ba niyang bigyan ng chance ang alok ng kaibigan?
“Hmm. Don’t tell me that you really want me to work with you? Crush mo pa rin ako no?” biro niya naman dito at muling ininom ang kape.
“Okay. Isa-isa kong sasagutin ang mga tanong mo. Una, yes, I want to work with you. Sino bang ayaw ka katrabaho? Matalino ka at I know you since elementary. Second, yes, crush pa rin kita.” Muling ngumiti si Jacob sa kanya at pinisil pa ang pisngi niya.
Ramdam niya ang pamumula ng pisngi sa huling sinabi ng binata. Si Jacob may gusto sa kanya? Magkakakilala na sila since elementary but the guy never proposed it’s feelings for her. Is this her chance to open up her heart again?
Natameme siya dito. Hindi niya alam ang isasagot. Jacob is her closest friend and she doesn’t have plans to ruin their friendship. If he likes her, it’s okay. But she can’t to the same.
“Okay. I’ll consider it. Pero pag-iisipan ko munang mabuti. Alam mo namang iba ang kurso na natapos ko. ” Ang nasabi niya nang maramdamang hinihintay ng binata ang kanyang sagot.
Nang matapos ang kanilang usapan ay nagpaalam na ang dalawa sa isa’t-isa. Umuwi si Atarah na iniisip kung tatanggapin ba ang inaalok na trabaho ng binata.
‘Sales coordinator? Why not?’ ang sabi niya sa kanyang sarili.
YOU ARE READING
Tacloban: Flaming Love of the East
Fiksi UmumMalamig ang simoy ng hangin na tumatama sa makinis na balat ni Atarah. Sumasabay naman sa kanyang hakbang ang pagsayaw ng alon sa dagat. Papalubog na ang kulay dugong araw nang maisipan niyang maglakad-lakad sa dalampa...