Maagang gumising si Atarah para sa huling araw niya sa trabaho. Inihanda na niya ang sarili para sa pangungulit ni Celine sa kanya na huwag mag resign. Alas sais pa lamang ay tapos na siyang maligo ngunit mag-iisang oras na siyang naghahanap ng damit sa kanyang cabinet. Sa huli, naisipan niyang isuot ang kanyang red over the knee dress na ginamit niya noong unang araw niya sa The Styles. Sinabayan niya ito ng black stilettos at shoulder bag.
Tiningnan niya munang mabuti ang sarili sa salamin. The dress still fits her. Nothing has change except that she aged. Kaya ba siya iniwan ni Eris dahil sa rasong nadadagdagan na ang kanyang edad? Kaya ba na fall out of love sa kanya ang dating kasintahan dahil hindi na siya bata?
‘Mababaw na dahilan kung ganun.’ Ang sabi niya sa sarili habang nasa harapan ng salamin. Muli siyang umikot at inayos ang buhok. Ngumiti siya hudyat na kailangan na niyang umalis ng condo.
Muli na naman niyang nadaanan ang ma-traffic na kalsada sa Edsa. Mababagot na naman siya sa kahihintay para umusad ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang stereo ng sasakyan at saktong chorus ng kantang ‘Where Do Broken Hearts Go?’ ang narinig niya.
Ngunit saan nga ba pupunta ang katulad niyang sawi sa pag-ibig? Sa Sagada rin ba? Sa Baguio? Aakyatin ang Mt. Ulap at sisigaw ng ‘I survive’? Magiging kasing tapang din kaya siya ni Mace to go on with life? Wala siyang konkretong sagot para sa mga tanong na iyon.
Muli niyang pinaandar ang makina ng kotse ng maramdamang umusad na ang taxi na nasa harapan niya. Gusto na niyang makawala sa traffic sa Edsa. Kagaya ng nais niyang makawala sa kirot na hanggang ngayon ay nararamdaman niya.
Hindi niya alam kung hanggang kelan ang sakit na nararamdaman niya. She’s still on the process of mending her broken heart. She’s still picking her broken pieces and trying to fix it alone.
‘Tama. Sariling sikap! I don’t need someone to complete me.’ Sambit niya sa sarili nang makawala sa walang katapusang traffic sa Edsa.
Pasado alas nuebe ng umaga nang makarating siya sa kanilang opisina. For immediate resignation ang hiniling niya sa hr nilang si Celine. Noong una’y ayaw pa siya nitong payagan at kung ang nais niya ay mahabang bakasyon, pagbibigyan daw siya nito. Ngunit buo na ang kanyang plano na mag resign mula sa kanyang trabaho.
Nakangiti siyang pumasok sa loob ng opisina. She should wear a smile that will always be remembered by her officemates on her last day. Sa unang hakbang pa lamang ay agad na nahagip ng kanyang mga mata si Eris na kausap ang kanilang mga katrabaho.
“Good morning.” Ang nakangiting bati niya sa mga ito. Ngiting makatotohanan at walang halong galit, hinanakit o pait. Chin up. Breast out. Yan ang ginawa niya ng maglakad sa harap ni Eris.
Dati ay nahihirapan siyang humarap sa lalaki. Pero ngayon, nakakaya na niya. Dumiretso na agad siya sa silid ni Celine para maibigay ang kanyang resignation letter.
“Are you sure that you really want to throw on the garbage all your opportunities while working on The Styles? Matalino ka. May talento. Wise. You have what it takes to be successful in this industry.” Ang sabi ni Celine habang binabasa ang inilapag niyang papel. Kinukumbinsi pa rin siya nito na isantabi na muna ang kanyang balak.
“I love my job. Masaya akong maging parte ng The Styles Maam Celine. Pero gusto kong tuklasin pa ang iba kong kakayahang nakatago. Habambuhay na nakadikit sa pangalan ko ang pagsusulat at di na iyon mababago pa. ” Ang tangi niyang sinabi kay Celine at ngumiti dito.
Makahulugan ang mga binitawan niyang salita sa babae. Umalis man siya sa The Styles, hindi na mababago ang katotohanang bahagi na siya ng industriyang ito. Ang nasa isip lamang niya ngayon ay kailangan niyang makawala sa imahinasyon.
Anim na taon din siyang naging parte ng kumpanya kung kaya hindi madali sa kanya ang napiling desisyon. Pinilit niyang timbangin ang lahat ngunit kung ang nais niya ay peace of mind, kailangan niyang isakripisyo ang pagsusulat.
“Btw, thank you po pala Maam Celine sa ilang taon na pinagsamahan natin. Mamimiss po kita.” Ang sabi niya ng maglahad ng kanyang kamay sa babae. Ngumiti naman ito sa kanya.
Maraming beses din niyang pinag-isipan ang nagawang desisyon. Kaya ba niyang mawala sa The Styles? Kaya ba niyang magsimula sa umpisa? At paano siya magsisimula?
Sa huli, naisipan niyang umuwi muna ng Tacloban at doon maghanap ng bagong trabaho. Alam niyang hindi magiging madali ang mga susunod niyang gagawin kung ang iniisip niya ay ipagpatuloy ang pagsusulat habang nasa probinsiya siya.
‘If only Eris and I are still together, then maybe, this isn’t on my choices.’ang nasa isip niya habang naglalakad palabas ng silid ni Celine.
Inaamin niyang bahagi si Eris sa desisyong ginawa niya. Ngunit sa loob ng kanyang sistema, kailangan din niyang hanapin ang sarili’t buuin sa ibang paraan na alam niya na makakabuti sa kanya.
Wala nang nagawa si Celine sa naging pasya niya. Sinabihan siya nito na kapag kailangan niya ng tulong para makabalik dito ay handa itong tumulong sa kanya. Dumiretso na siya sa kanyang mesa pagkatapos nilang mag-usap. Isa-isa niyang iniligpit ang kanyang mga gamit at inilagay sa isang maliit na box.
Saglit siyang umupo at tiningnan ang mga abobot na naka-display doon. “Mamimiss ko ang mga taong nagbigay sa inyo. And I will surely miss this office.” Ang sabi niya sabay pinunasan ito isa-isa bago ilagay sa box.
Lumapit sa kanya ang kaibigang si Mark at nag-alok ng tulong, “Mamimiss ko ang kaingayan mo friend kapag may meeting tayo. Wala na ang bibong Laxx Atarah sa The Styles.” Ang sabi nito sabay kuha at lagay sa loob ng box ng mga natitira niyang gamit. Si Mark ang kanyang gay friend sa opisina na malapit din kay Mariko.
“Hanap ka ng bagong ka tandem mo dito friend para di ka mabagot. Saka don’t worry, may skype, viber, wechat saka messenger.” Ang sagot naman niya dito at patuloy na inaayos ang mga gamit.
“Btw friend, ano yung sinasabi ni Mariko na may hinalikan kang papa sa isang bar? Don’t tell me wala kang planong magkwento sa akin.” Naka de kwatrong upo na si Mark sa mesa niya. Nakataas naman ang isa nitong kilay at naghihintay ng kasagutan mula sa kanya. Alam niyang hindi siya nito titigilan until he’s satisfied with the answer he gets from her.
“That was just for that night. Nothing more.” Matipid niyang sagot sa kaibigan at isinara na ang box na laman ang kanyang mga gamit. Iginiya ni Atarah ang kanyang paningin sa loob ng opisina at inaalala kung paano siya nagsimula dito.
‘Congratulations! You are hired!’ mga unang katagang narinig niya kay Celine nang pumasok dito. Nagsimula siya bilang assistant ni Mark hanggang sa nabigyan siya ng chance na magsulat. Nagkaroon din siya ng sariling column tungkol sa love and dating advice. At ngayon nga, isa na siyang ganap na writer ng kanilang kompanya.
Muli siyang nakaramdam ng lungkot nang muling ibaling ang tingin sa kaibigang si Mark na nasa harapan niya. Ngunit kailangan niyang harapin at paninindigan ang napiling desisyon.
“Nothing more ka dyan. There’s more noh. And if he’s that handsome, then I’ll approve him for you my friend. Alam mo naman na I want you to be with the guy na pang rampa.” Birong sabi ni Mark sa kanya at tumayo na ito sa pagkakaupo.
“Wala nga sabi. Kasi habang maaga pa lamang, patitigilan ko na sa muling pagtibok ang aking puso.” Madrama niya namang sagot dito.
“What if muli kayong paglalapitin ng tadhana? Kaya mo bang pigilan ang naramdaman mo noong unang gabi na magkita kayo?” pabalik na tanong ni Mark sa kanya.
Hindi niya masagot ang kaibigan. Alam niyang maraming nagagawa ang what if’s na iniisip nito. At hindi niya alam kung anong what if’s ang itatanong niya sa muli nilang pagkikita.
Nilapag ni Atarah sa table ang box na pinaglayan niya ng kanyang mga gamit. Saka niya niyakap ng mahigpit si Mark bago magpaalam dito. Nagpaalam na rin siya sa mga kasamahan at maging kay Eris.
“The Styles will wait for your comeback Atarah. We will always welcome you with an open arms.” Nakangiting sabi nito sa kanya. Katabi naman ng lalaki ang napapabalitang bagong girlfriend.
Ngumiti naman siya sa dalawa bilang tugon sa mga sinabi nito. ‘Oh my God! Ang kapal ng mga mukha!’ bulong niya sa sarili nang makatalikod sa mga ito at dumiretso na agad siya sa elevator.
Ala una na ng tanghali nang makaalis siya sa opisina. Dumaan muna siya sa isang restaurant para kumain. Pagkatapos kumain ay dumiretso na siya sa ticketing office ng Philippine Airlines at bumili ng ticket pa Tacloban. Sa susunod na lingo ang alis niya. Kailangan niya munang ayusin ang mga gamit at ang ilang papeles na kakailanganin niya para makapaghanap ng bagong trabaho.
“Believe me, you won’t see him again if you leave.” Pang-aasar ni Mariko sa kanya nang ipakita niya ang ticket sa kaibigan. Nilantakan pa nito ang dala niyang red velvet cake at cookies and cream flavored ice cream.
“Who are you referring to? Eris? Wala na akong planong guluhin ang buhay niya. We’re done besh. Tinapos na niya ang lahat and there’s no hope left for me. I’ve moved on already. ” Ngumiti siya sa kaibigan at muling ibinalik sa sobre ang hawak na ticket.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pang paulit-ulit na banggitin ng kaibigan ang pangalan ng lalaking iyon. Matagal ng natapos ang kwento nilang dalawa. At naniniwala siyang wala na itong karugtong pa.
“Baliw! I’m referring to that guy sa bar na hinalikan mo. Bakit naman kita ibebenta kay Eris? If you’ll get back with him then I’ll choose to smash your face than support you.” Sabay na nagtawanan ang dalawa sa sinabing iyon ni Mariko. Totoong kaibigan nga niya si Mariko dahil hindi siya nito hahayaang masaktan ng ibang tao.
“Hay naku! Do I have to keep on repeating this to you? That was just for that night. Aaminin kong nanghihinayang ako kung bakit hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya.” Sagot niya sa kaibigan habang ipinapasok sa loob ng sobre ang ticket niya. Kumuha siya ng isang slice ng cake at isinubo ito.
For one night nga lang ba ang lahat? Tulad ng sinasabi nilang tulak ng bibig; kabig ng dibdib,ganun ang sitwasyon niya ngayon. Minsan gusto niya. Minsan ayaw niya. Pero ang totoo, natatalo siya dahil sa takot niyang muling masaktan.
“Gusto mo besh ipa-trace natin siya kay Lucky? Who knows? He’s your soulmate di ba kaya naghiwalay kayo ni Eris. Siya pala ang third party who never exist at that time. ” biro naman ni Mariko at naglagay ulit ng ice cream sa kanyang baso.
“Meron bang third party na di nag eexist? Btw, no need for that besh. Mga criminal lamang ang pwedeng i-trace ni Lucky. Let us leave that guy alone. Kung pagbibigyan kami ng pagkakataon, malamang ay pagtatagpuin ulit kaming dalawa.” Ang paliwanag niya kay Mariko. Tama. Kung sila ang nakatadahana, magkikita silang muli sa panahon na kaya na niya ang lahat.
“Hay naku Laxx Atarah! You should focus on the positivy of life. Who knows naman di ba? Lahat ng tao pwedeng maging Mr. Right Now but the real Mr Right ay mahirap hanapin. Explore.” makahulugang sabi naman ni Mariko na tumayo papuntang kitchen ng kanilang condo.
“Hay naku Mariko Guttierez! Alam mo namang wala pang isang taon simula ng break up naming ni Eris e. Kaya dapat lang na mag-ingat ako sa mga lalaki.” Ang sagot niya naman ditto at muling naglagay ng ice cream sa kanyang baso.
“Mag-ingat? Baka naman you’re only looking for flings?” sigaw naman nito sa kanya. Hindi na niya ito pinatulan pa dahil alam niyang hahaba na naman ang usapan nilang dalawa.
Naiwan si Atarah sa sala habang iniisip ang sinabing iyon ng kaibigan. Baka nga ay flings lamang ang hanap niya. Kaya naging tama lamang ang kaniyang ginawa ng gabing iyon na piliing pigilan sa muling pagtibok ang kanyang puso. But how will she knows if who’s her Mr. Right if she’s not opening her heart?
Pwede nga bang maging Mr. Right niya ang lalaking hinalikan sa bar kung hindi right timing ang kanilang pagkikita?
YOU ARE READING
Tacloban: Flaming Love of the East
General FictionMalamig ang simoy ng hangin na tumatama sa makinis na balat ni Atarah. Sumasabay naman sa kanyang hakbang ang pagsayaw ng alon sa dagat. Papalubog na ang kulay dugong araw nang maisipan niyang maglakad-lakad sa dalampa...