Chapter 15: Date? (Part 2)

16 2 0
                                        

Beakhyun's POV
Nang makarating na kami sa pupuntahan namin napatingin ako sa katabi kong tulog.

Sobra siguro syang napagod sa mga schedule. Kaya ko sya dinala dito para makapag relax kami. Hindi ako kimibo at tinitigan lang ang mala anghel nyang mukha.

"Sana maging maayos na lahat" sabi ko at hinawakan yung kamay nya.

Bigla naman syang gumalaw kaya nagkunwari akong nakatingin sa bintana.

"Nandito na pala tayo, sana ginising mo na ako" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Mukha ka kasing pagod ayoko lang isturbohin ka" sabi ko at napatango na lang siya.

"Saan mo ba ako dinala?" tanong nya bumaba na ako sa kotse kaya sumunod sya.

Dinala ko sya sa isang open field sabi kasi sa news na meron daw meteor shower dito.

Umakyat ako sa taas ng kotse ko at tinulungan ko din syang makaakyat.

"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" tanong nya

"Basta tumingin ka lang doon" sabi ko at sinunod nya naman ako.

"Wow, ang tagal ko nang hindi nakakita nito" sabi nya nung nagsimula na yun meteor shower.

Napatingin ako sa kaniya, nakapapikit.

" Anong ginagawa mo?" tanong ko kaya napamulat sya.

"Nag wiwish, ikaw mag wish ka rin" sabi nya.

Taeyeon's POV
" "Nag wiwish, ikaw mag wish ka rin" sabi ko.

Pumikit naman sya. "Anong hiniling mo?" tanong nya sa akin.

"Secret. Bawal sabihin" sabi ko.

Isa lang naman yung hiniling ko eh ang magkayos na kaming lahat.

"Ako hiniling ko na makasama ko na ulit yung taong katabi ko ngayon" sabi nya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi na magkakatotoo yan sige ka" sabi ko na ikinatawa nya.

"Nagkatotoo na nga eh, kahit sa maikling panahon na to nakasama na kita" sabi nya kaya umiwas ako ng tingin.

Nang matapos na yung meteor shower nahpasya na kami na umuwi.

FAST FORWARD

Nang makarating na kami sa tapat ng ko nagpaalam na kami.

"Salamat ha sa paghatid at pag treat sa akin nitong mga pagkain" sabi ko sa kanya.

"Wala yon, ako nga yung dapat magpasalamat eh kasi sumama ka sa akin" sabi nya na ikinangiti ko.

"Sige una na ako" sabi ko at baba na sana ng magsalita sya.

"Sige, Goodnight. I Love You" sabi nya na ikinagulat ko tinignan ko lang sya at binigyan ng pekeng ngiti at bumaba na.

"I'm sorry Beakhyun hindi pa ako handang masaktan ulit"

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
FOLLOW
AND
VOTE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mind over Heart( EXOShidea FF)Where stories live. Discover now